CHAPTER 10

570 44 40
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Days had passed and here I am, with the principal.

Kasama ang buong SSC officer, pinapagalitan ako ni Dean sa harapan ng mga kasamahan kong officer.

"Hindi ka ba nahihiya ha? Sa lahat ng officer ay ikaw pang presidente ang ganiyan!"

Bakit? Ano nga ba ang nangyari? Sa inis ko kanina dahil sa dalawang nagsasapakan ay pareho kong sinapak para lang patigilan sila.

Someone reported me.

"You are grounded! You are not allowed to rule anyone. Isang lingo na hindi ka maaaring tumapak sa opisina ninyo, temporaryong matatanggal ang karapatan mo bilang presidente sa lahat!" Sabi ni Dean.

Kaya tahimik lang naman ako.

"And I am appointing Forah as the temporary President of Val. Intern!" Galit na sabi ni Dean.

Palihim pang ngumiwi si Forah dahil sa sinabi ni Dean at natahimik ang lahat.

"Be thankful dahil ganito ang inabot mo ngayon at hindi ka tuluyang papatalsikin!" Sabi ni Dean.

Tamging buntong hininga ang isinagot ko.

Hinayaan si Dean na magsalita at sabihin lahat ng kailangan niyang sabihin sa amin. Hanggang sa pinaalis na niya kami.

But before that, he warned me.

"Sorry." Sabi ni Forah.

"Tsk! Sira okay lang ako." Sabi ko naman.

"Just do your job well as the president kahit temporary lang." Sabi ko at nalingunan ko ang building ng elementarya.

Ang sasaya nilang naglalaro. 'Sana ako din.'

Habang naglalakad kami pabalik ng room ay natigilan si Forah nang magring ang cellphone.

"Hello Dean." Sabi niya.

"Ah-oh-okay po Dean." Sabi nito bago pa man niya pinatay ang tawag.

"Bakit?" Tanong ni Neil.

"Pinapatawag ako ni Dean sa opisina, may sasabihin daw sa akin." Aniya kaya naman napatango kaming tatlo at sa canteen ang deretso naming tatlo.

Bumili lang ako ng snack kahit pa pananghalian na.

Kumakain naman na ang dalawa.

Nagpaalam ako sa kanila at sinabing sa room na ako.

Umakyat ako ng room kaso ang boring kaya sa rooftop nalang ako pupunta.

Binuksan ko na ang chips at kumakain habang naglalakad patungo sa rooftop.

Pagkarating ko doon ay pinagmasdan ko ang malawak ng field.

Mga estudyanteng pakalat kalat sa bawat sulok nito.

Para akong tanga na sinusukat ang mga ito gamit ang daliri ko at kunwaring binibigyan ng props gamit ang pagkain ko.

Sa liit ng mga ito mula dito ay nakakaenganyo silang panoorin at pag isipang tirisin isa isa.

Parang mga langgam na kay sarap pagtripang patayin.

Oo nga ano? Ano kaya ang pakiramdam ng mga langgam kapag tiniris natin ang kasamahan nitong langgam?

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon