CHAPTER 15

608 55 36
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

"Hindi ka tumayo to give any message for me kanina, but I know that you don't need to talk." Aniya habang nakahiga kami sa kama ko.

Nakaunan ako sa braso niya.

"Ate loves you so much, ate wishes for the best for you, even ate is bad sometimes, always bear in your mind, that ate always want you to be happy and okay."

"Ate is always here for you, no matter what happen. Always approach ate anytime you need ate's help, hmm?"

"I am so lucky to have an ate like you, you are the best." Aniya at hinalikan ako sa ulo.

"Happy birthday handsome." Bati ko.

"Thank you ate." Sabi nito sa akin.

"Meow." Napalingon kami pareho sa paanan namin nag marinig namin si Momong.

Malambing nitong ikinikiskis ang ulo sa aming paa at naglakad papunta sa akin.

Tapos pumunta sa gitna namin ni Harvey at doon ipwinesto ang kaniyang sarili at natulog.

Napangiti naman kami ni Harvey at nagkatinginan pa.

Hinaplos ko ang pisngi ng pusa at nilingon si Rio na napakasarap ng tulog.

Kaya naman ay umayos na ako ng higa at natulog na din at alam kong ganoon din si Harvey.

*Fast forward*

Naimulat ko ang mga mata ko, lumipas na ang linggo at lunes na ngayon, araw na naman ng pasok.

"Woof!" Rio barked habang malikot na gumagalaw ang kaniyang buntot.

"Morning too." Bati ko, assuming that he greeted me a good morning.

He barked again at umikot ikot sa higaan niya.

Habang ang pusa ko ay prente lamang na nakaupo sa kaniyang higaan habang pinagsasayaw ang kaniyang buntot habang nakapikit.

Nakangiti ko namang pinagmasdan ang mga ito bago tumayo at dumeretso sa aking banyo para maghanda sa pagpasok sa school.

Pagkatapos kong maligo, mag ayos at magpalit ay bumaba na ako karga ang dalawang alaga ko.

Inihabilin ko ang mga ito sa kasambahay namin na paliguan at pakainin bago kami umalis na Harvey papuntang school.

Maaga na namang wala sila mommy at daddy.

Pagkarating sa school ay gulo ang nadatnan ko sa may gate. Nagtatatakbo na so Harvey paiwas palayo sa gulo.

Hindi ko alam kung anong kaguluhan ito at kita ko ang isang Sullivan na prenteng nakasandal sa may pader habang pinapapak ang sigarilyo at pinapanood ang mga estudyanteng nagkakagulo.

Napakibit balikat nalang ako at nilagpasan ang kaguluhang iyon kaso pinatid pa ako ni Zero kaya sa inis ko ay tumayo ako agad at sinapak siya.

"Anong problema mo!?" Galit na tanong niya.

"Tanong mo sa lolo mong panot!" Sigaw ko sa kaniya at nilampasan kaso hinablot niya ako at itinulak tulak.

Kaya sinipa ko siya at gumanti naman ito.

"Kahit babae ka! Akala mo hindi kita papatulan!? Ibabalibag kita!" Sabi nito at hinablot ako.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon