CHAPTER 44

533 45 42
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

*Flashbacks*

"Ate, gusto ko nga 'yon?" Pagmamaktol ni Harvey kaunti na lang ay paiyak na.

He want us to buy some ice cream but its getting dark.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang?" I asked.

Ngumuso naman siya at suminghot singhot na, he's 11 for pete's sake! Ang taba taba na nga niya, kain pa ng kain.

"Baka hanapin tayo ni daddy, Harvey uwi na tayo, bukas na lang kahit isang galon bibilhin natin, you can buy everyday, since it's sembreak." Sabi ko pero nagcross arm lang siya at ngumuso pa lalo.

"You're too fat na, look at you, stop eating ice creams and sweets." I said pero nakanguso pa rin.

I sighed and scratched my head.

"Fine!" Sabi ko.

"Yehey! Thank you ate." Sabi at humawak na sa kamay ko dahil tatawid na kami.

Hawak ko ang strap ng bag ko at luminga linga, at nang wala ng sasakyan ay tumawid na kami sa nagtitinda ng dirty ice cream.

"Oh hello there." Napatingala kami ni Harvey.

"Hi." Friendly na bati ni Harvey sa kaniya.

"You are Aragon's children?" He asked.

Harvey nod gracefully.

"Isa pong ice cream." Hindi ko pinansin ang lalaking nakasumbrero, kamuka niya 'yong artista na madalas gumanap na nagdodroga at kontra bida gano'n, nakakatakot.

Agad na tumakal ang mama ng ice cream at inabot sa akin, binigay ko na kay Harvey na nakikipag usap pa doon sa lalaki.

"Hey, attitude ka little girl." Natatawang aniya at hinawakan ang pisngi ko at ngumiti.

I smiled back and I turn my back habang hawak sa isang kamay si Harvey.

"Saan bahay niyo?" He asked.

"Doon pa, malayo." Harvey answered and lick his ice cream.

"Hatid ko kayo, gusto niyo?" He asked pero sa akin nakatingin.

Kinakabahan na ako.

"May sundo po kami." I answered politely.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon