CHAPTER 18

597 60 50
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and laguages ahead.

[Leigha's Pov]

"Malay ko." Sagot ko sa kay Quim na kasalukuyang nagtatanong sa akin. Wala naman akong ginagawa ay bigla nalang ako pinatawag.

"Sumagot ka ng tama! Baka may kinalaman ka sa kasulukuyang nangyayari."

"May ebidensya ka?" Tanong ko sa kaniya at umirap pa.

Nakakainis lang kasi na nagbibintang agad agad eh nalate nga ako sa pagpasok tapos ako ang aakusahan, dahil daw sa nangyayaring pasekretong pananakit sa mga estudyante.

"Dahil is aka lang naan sa mga may lakas oob na gawin iyon." Aniya.

Taka ko naman itong tinignan.

"Kung gagawin o man iyon, ay bakit pa pasekreto? Kaya ko silang hampasin kahit pa sa harapan mo." Sabi ko sa kaniya.

"Eh kung ganoon ay sino!?" Inis na tanong niya.

"Peste, e' anong alam ko ha?! Pwede ba, pwede ba Quim, mag imbestiga ka muna, hindi iyong namimintang ka ng wala namang ebidensya, dahil kung ako man iyon ay kusa kong isusuko ang sarili ko." Sabi ko at umirap pa sa kaniya, medyo nanggigil ako sa babaeng ito.

Ihampas ko sa kaniya ang upuan eh.

"Oh sige, lumayas ka na!" Sabi nito sa akin.

"Eh kung ikaw kaya ang palayasin ko? Ha?" Hamon ko pero umiling iling lang ito.

"hampasin kita sa bunbunan eh, nanggigil ako sa'yo." Sabi ko bago umalis doon.

Mabilis na akong nagtungo papunta sa classroom at late na late na late na ako, tinakbo ko na ang hagdan papunta sa taas at walang katok katok na pumasok sa classroom.

"Sorry Cher." Paumanhin ko nang inis itong lumingon.

"Bakit naman late ka?" He asked.

"Dahil hindi po ako maaga, tinawag din ako ni Quim sa opisina at pinagbintangan."Sabi ko.

Ngumiwi naman ito sa sagot ko sa kaniya.

"Bakit simula ata nang matanggal ka bilang Presidente naging pumangit ang ugali mo?" sabi niya.

"Hindi ko din po alam Cher." Sagot ko at nagtungo na sa upuan ko.

"Bakit ka napatawag sa office?" Agad ay bungad ni Alfie.

"Chismoso." Sabi ko at naupo na lamang.

"Nagtatanong lang naman ako." Sabi niya.

"Pwes, ay manahimik ka nalang." Sabi ko.

"Pwede bang makahingi ng pabor?" He whispher.

"Wala ako no'n eh, pasensya na." Sabi ko sa kaniya.

"Leighra, seryoso ako." Aniya.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon