Chapter one

13.9K 254 35
                                    

NICOLE

"Hindi naman na talo ang anak niyo sa anak ko, Tony. Abay, indyinir yun pag nagkataon! Bagay na bagay sa nars niyo ah!"

"Mercing hindi namin saklaw ang puso ng anak namin. At saka bakit ba ikaw itong nanliligaw sa anak ko?"

"Eh nilalakad ko lang, Tony. Para naman may partida na yung anak ko."

"Ang sabihin mo masyadong tiyope yang anak mo! Hahaha. Abay hindi siya papasa dito sa panganay ko!"

Naiiling na lang ako habang nakikinig sa pag-uusap ng Tatay ko at ng kapitbahay namin.

Matagal ng nirereto ni Aling Mercing ang anak niya sa akin. Nanawa na ata kakareto sa kin kaya tumuloy na kay Itay. Akala niya naman makukuha niya ang loob ni Itay eh mas matigas pa sa adobe yun kesa sa akin.

Si Inay naman ay naiiling na lang sa tabi ko. Pero halata naman ang pagmamalaki. Hindi naman sa pagmamayabang, pero isa ako sa may magandang mukha sa lugar namin. Bukod pa sa matalino ako at isa sa  nagkaroon ng pagkakataon na maging iskolar sa pinakabayan ng Bataan.

Beauty and brains sabi nga nila. Kaya naman halos lahat ng kalalakihan dito sa amin, ako ang puntiryang ligawan.

"Hay naku Mercing, turuan mo munang maging lalaki ang anak mo! Abay hindi pa ata makaalis sa saya mo ah." kantyaw pa ni Tatay.

"Ikaw naman Tony, mahiyain lang talaga ang anak ko. Pero nasisiguro ko naman sayo na lalaking lalaki yun! Eh Nicole payag ka ng makadeyt ang anak ko ha." pilit pa ni Aling Mercing

Napahinga ako ng malalim pagkalapag ko ng kakanin na dala niya, "Wala ho akong oras Aling Mercing. Pag rereview pa nga lang ho ubos na ubos na ang oras ko." nakangiwing sambit ko.

"Mga bata pa naman sila Mercing, pasasaan ba at kung talagang para sila sa isa't isa eh makakarating din sila doon." alo ni Inay sa kanya.

"Aru naku. Sinasabi ko sa 'yo Nikol abay kawalan mo ang anak ko ah. Wala ka ng makikitang kase gwapo ng anak ko. Matalino pa! O siya at mauna na nga ako." simangot na sabi niya saka umalis na.

"Etong si Mercing akala mo naman ke gwapo ng anak." nakasiring na sabi ni Itay. "Kahit na anong gwapo kung nakasabit sa palda ng nanay wala ah! Kaya Nicole anak, aral lang ng aral ha. Saka na yang boypren boypren."

"Kilala mo naman ang anak mo. Abala sa pag-aaral yan. Walang oras sa mga ganyan." natatawang sabi naman ni Inay. Ako naman napapailing na lang.

"Nay, Tay, magtatapos po ako. Aahon tayo sa hirap. Kaya wag po kayong magalala. Hindi ako magpapabaya sa pag-aaral."

I am Nicole Anne Sarmiento, third year college taking up B.S. Nursing. Mahirap lang buhay namin, nagtitinda sa palengke si Inay habang si Itay ay may maliit na lupang sinasaka. Hindi naman naghihikahos pero mahirap pa rin. Dalawa kaming magkapatid, ako ang panganay at si Natoy ang bunso. Nasa ika anim na baitang. Menoupose baby, hindi na kase inakala nila Inay na magbubuntis pa siya sa edad na kwarenta.

Dahil sa tiyaga at sipag ko sa pag-aaral, swertenh nakakuha ako ng full scholarship sa isa sa pinakamalaking eskwelahan  sa sentrong bayan ng Bataan.

At hanggang ngayon nga ai pinag iigihan ko pa. Isang taon na lang at gagraduate na ako. Makakatulong na rin kina Inay at Itay.

"Sige na anak at magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas." taboy ni Inay sa akin.

"Sige po 'Nay, pahinga na din po kayo ha."

Tumango lang si Inay at ako naman ay pumasok na sa kwarto ko. Siniguro ko munang naka lock yun bago ko kinuha ang ekstrang cellphone sa taguan ko.

Possessive Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon