Chapter sixteen

2.4K 86 0
                                    

NICOLE

"V halika na, bakit naman ang aga naman nitong malasing." napilitan kaming puntahan si V sa nagaganap na celebration party ng school dahil sa katatapos na Intercollegiate Sportsfest.

Puno ang Nico's ng mga estudyante ng University namin. Last game kanina ng sport na sinalihan ng iba't-ibang school for that sportfest. At usual, school namin ang nag over all champion.

Kaya eto ang mga estudyante, halos magpakalango sa alak.

"V let's go home."

"Besh! Shabi mo dhi kah pupunta?" napangiwi ako sa buhol-buhol na salita ni V. Halos matumba kami parehas sa couch dahil sa kalasingan niya. "Mabhuti at nhandito kah! Shayaw tayo besh!"

"V! Aish." sa lahat ng lasing, siya ang malakas! Natabig niya ako at dire-diretsong pumunta ng dance floor.

"Ako na, stay here. I will follow her." prisinta ni Niki.

Agad naman akong nilapitan ni Kayla at Ode, mga kateam mate nila Sam.

"Hi, Nicole!" hyper na bati ni Kayla sa akin, mukhang may tama na. "Bakit magkasama kayo ni Chen?" nakangising sabi niya, kunot noong tiningnan ko siya.

"Bakit naman kung magkasama kami?" balik tanong ko.

"Pinopormahan ka ni Chen noh." tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang malisyoso niyo. Tss."

"Hi Nicole!" bati naman ni James, isa pa to. Hindi ako kumportable sa kanila lalo na kay James. Baka makarating ito kay Sam, away na naman.

"Ooopss teka naman, kakadating ko lang eh." pa cute na sabi ni James. "Here, pagbigyan mo na ako. Palagi na lang akong napapahiya sa'yo eh." I sighed of what he said. Kaya naman para wala ng gulo, tinanggap ko na ang inalok niya.

"So, sinong kasama mo?" tumabi sa akin si James, sa harap ay si Kayla. Si Ode ay pumuntang dance floor ng maaya ng kasamahan rin nila.

"Sinusundo ko lang si V."

"So hindi ka magtatagal?"

"No. I'm not fan of this thing." I finished the drink James gave to me then stand up. Kailangan ko ng makita sina V para makaalis na ako dito. Pero pagtayo ko, agad nanlabo ang paningin ko.

"Hey... Easy." rinig kong bulong ni James. My sight suddenly became blurry.

"What... did...y-you..." hindi ko na alam kung anong nangyari. My mind went black and I don't remember anything.

The next thing I knew I was in an unfamiliar room. Agad akong bumangon, pero agad rin ang pagsigid ng kirot sa ulo ko.

"What the hell?" mag-isa lang ako sa kwarto. Tsinek ko agad ang katawan ko at nagpasalamat na nakadamit ako.

Pilit kong inaalala ang lahat, saka umusbong ang galit ko ng maalala ang pag-inom ng juice na bigay ni James. I grab my things, especially my phone and called V.

"B-besh..."

"Nasaan ka?" tulirong sabi ko, nagamamadaling makaalis sa hotel na yun.

"Besh, mamaya ka na tumawag. Antok na antok pa ko." napapikit ako dahil wala siyang alam sa nangyari sa akin! Hindi pa ako nakakasagot at pinatayan niya na ako ng tawag.

I dialed Niki's number and called her. Nakita ko rin kaseng madami siyang miscall sa akin.

"What the fuck, Nicole! Where have you been?!" sigaw agad na bungad niya.

Possessive Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon