Chapter thirteen

2.7K 119 0
                                    

SAMANTHA

Hingal kaming nakikinig sa bawat instruction ni Coach. Game three ng finals and we're still leading. Nanalo kami nung game two, just like what Coach said, we will gonna swipe it out kapag nanalo kami sa set na 'to. Hindi pa kami nagkakausap ni Niki after that incident in the bar. Wala ako sa ayos na kausapin siya dahil nagpapabalik balik sa isip ko ang ginawa niyang paghalik kay Nicole.

"Chen, pass it directly to Reàl when you have the chance. Reàl alam mo na ang gagawin. Alam kong kayang kaya natin 'to. Wag na natin paabutin ng game four para makapahinga tayong lahat." nagtanguan kaming lahat. We are all serious as hell, gusto na naming matapos at makapahinga na nga.

Niki set the ball, muntik kapusin pero pumasok pa rin naman. Agad siyang pumusisyon sa likuran ko to give access to me.

I'm all focused sa harapan ko at nakatingin lang sa bola. I want this championship not because of the throphy, but because what I hate the most, is losing. Bata pa lang ako, what I want, I surely get it. By hook or by crook. Never nangyari na kapag ginusto ko, hindi ko nakukuha. My parents pampers me being the only child.

A good oppurtunity came when Sanchez pass the ball to me and I spike it will all my might. Sa lakas at bilis niyon hindi na hinabol pa ng kalabang team. At nanalo nga kami. Hindi ko na alam ang nangyari dahil pagbagsak ng paa ko ay ang pagsigid ng sakit niyon!

Hindi ko alam kung kaninong paa ang natapakan ko dahil literal na nagpagulong gulong na ako sa sahig!

Tang ina.

The pain is too much to bear! Halos maiyak ako sa pagsigid ng sakit mula alak alakan hanggang binti ng kaliwang paa ko.

Natigil ang hiyawan nila at doon lang ata napansin na nasa sahig na ako.

"S-sam!"

"Fuck!"

"Calm down! Wag mong pwersahin!" mariing utos sa kin ni Nicole. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa dami ng tao doon.

"Reàl! Wag kang gumalaw!" sigaw ni Coach ng hindi ako mapirmi sa paghawak ng binti ko.

Tang ina! Kung pwede nga lang hindi gumalaw! Sila kaya ang makaranas ng sakit!

"Dude, it will be fine." sabi sa akin ni Niki. Nasa kanan ko siya at kaliwa si Coach. Hinawakan nila ang magkabilang braso ko habang si Nicole ay nasa paanan ko at nilalapatan ng first aid ang paa ko.

Halos panawan ako ng ulirat sa sobrang sakit niyon. Binalutan ni Nicole ng ice pack iyon saka ako nilagay sa strecher. They're all around me which makes me suffocate a little. I close my eyes and just feel the numbness of my feet.

Agad akong dinala sa pinakamalapit na hospital. I still didn't try to open my eyes, even a small move, hindi ko ginawa. Takot na mabalot ng sakit ang paa ko.

"Love, tiisin mo lang ha. They will transfer you in a hospital bed." bulong sa akin ni Nicole. Doon lang ako nagmulat ng mata at napatingin sa nagaalalang mukha niya. I searched for her hand, wanted to feel her.

"Is she okay, Doc?" tanong ni Coach pagpakapasok nila sa cubicle doon.

"We're still have to wait for her x-ray results. As of now, she need to rest. Bawal igalaw ang paa, there is a possibility that she has torn ligaments on her ankle, base sa pamamaga nito. Anyway, we have to transfer her to the VIP room." mahabang paliwanag ng doktor.

"How can I explain this to your father, Reàl." problemadong sabi ni Coach.

"Ako na bahala, Coach. Besides, they're still outside the country." sabi ko, nakakaginhawa na kahit paano.

Possessive Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon