Chapter seven

3.2K 139 4
                                    

SAM

"Sabi ko na nagpapasarap ka lang dito eh. Tss."

"What a life. Exempted sa makapatay katawang practice. This is life, dude. Sayang lang at walang chicks."

Binato ko ng chips si Niki na todo ngisi habang prenteng nakahiga sa hospital bed. Bugbog ang inabot ng kaliwang balikat niya hanggang babang likod. Mabuti at walang fracture. Two weeks bed rest ang reward ng baliw na 'to sa pag salba sa girlfriend ko.

"That friend of Venus, is she okay?" tanong niya.

"Yeah. Sinalo mo yung bola di 'ba. Why did you do that? I mean, it's not you."

"I saw it from my side view. Volleyball player tayo dude, we know how much strength we put in every spike on the ball. I don't know why I did that too. I just thought for a moment that I can be Superman." nakangising sabi niya. "Hindi ko naman akalain na halos mababalda ako dude!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nanibago ako sa inasta niya. Pero sa isip ko, nagpapasalamat rin dahil mapapatay ko talaga ang ka team mate namin kung si Nicole ang tinamaan non.

"Ano nga palang nangyari kay Galang?"

"It was an accident, Coach just give her a warning and a week of community service." yun lang ang parusa kay Galang, ang ka team mate namin na nakapalo ng bola papunta kay Nicole.

"Damn. Yun lang? I almost got bed ridden here ah."

"Dude, it was an accident. Just let it go. We need Galang, she's a good spiker aside from me."

"Tch. I will let it go, dude. But I don't know if Papa will let it go. You know him."

Nawala sa isip ko ang bagay na yun. Siguradong magagalit si Tito Niko kapag nalaman niya ang nangyari.

"Will you tell him?"

"Even if I will not, he will know eventually." totoo iyon, kaya nga maingat ako sa galawan ko pagdating kay Nicole. Hindi sa dahilan na gusto ko siyang itago o itinatago ko siya, kundi dahil nirerespeto ko ang kagustuhan ni Nicole. Because if I will be the one to choose, I will introduce her to my parents the day we became official.

"So I think, there's nothing we can do for Galang?"

"I will try to explain to Papa once he knew. Ayoko rin namang malugasan tayo ng magaling na kakampi. Besides, Galang is a scholar. Being a player is one of that reason. Let me handle that."

Sasagot na sana ako ng mag vibrate ang phone sa bulsa ng pantalon ko. I automatically smiled when I saw who's calling.

"I'll just take this." tinanguan lang ako ni Niki, "Hey..."

"Love, busy ka ba?"

"You know I will not be especially when it comes to you."

Cheesy, eh.

"Tss. Bolera." naiimagine ko ang pag ngiti niya sa banat ko. "Inaaya kasi ako ni V na dalawin si Niki. Okay lang ba?"

Napanguso ako sa sinabi niya. Nagseselos pa rin ako kapag ganun siya sa ibang tao. Kahit kay Niki pa iyon.

"Love?"

"Gusto mo ba?"

"Hindi sa gusto ko, but I think that's the right thing to do, di ba? I want to thank her personally. Ayoko namang maging ungrateful sa ginawa niya love."

Naiinis ako na superhero na ata ang tingin niya kay Niki.

"Fine. After this, tama na okay."

"Thank you, love. Oo naman, there is no other reason pa. Saka nandiyan ka naman ngayon di ba? Makikita pa kita, it's double purpose."

Possessive Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon