Chapter eighteen

2.5K 101 14
                                    

SAMANTHA

I walk back and forth while looking at the close emergency room. I can't help but cry while imagining things I don't want to happen. Floods of bad scenarios keep on popping in my head that makes me crazy.

I'm sorry, love.

"Sam!" napatingin ako kay Niki. "What happen? Where is---..."

"Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo! Kulang pa ba lahat ng pananakit mo sa kaibigan ko at eto, nasa ospital siya ngayon!" nakagat ko ang labi ko para lang pigilan na patulan si V. Sa lakas ng sampla niya sa akin, namanhid ang kaliwang pisngi ko.

"V stop it!" pigil ni Niki sa kanya sa pagsugod na naman sa akin.

I know I deseve that slap! But definitely not from her! Nakakadalawa na siya ha.

"Ang kapal-kapal niyang kaibigan mo! Paalisin mo yan dito, Niki!" histerya pa niya.

"Stop it! Stop okay. Hindi pa natin alam ang nangyari--..."

"Hindi ko na kailangang malaman! Alam ko kagagawan na naman niyang kaibigan mo! Ilang beses bang kailangan na masaktan ng kaibigan ko dahil sa kanya? Nicole doesn't deserve this!" tiningnan niya ako, naiiyak sa sobrang galit. "Araw-araw alam kong nagpupunta siya sa condo unit mong hayup ka. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero tanga! Napakatanga ng kaibigan ko! Ayaw papigil sa pagiging miserable!" nagulat ako sa sinabi niya, araw-araw siyang nandun?

Kanina ko lang napilit ang sarili ko na pumunta ng condo unit. I can't bear to go there because of our precious memories. Mas lalo ko lang papatayin ang sarili ko sa pagkamiss sa kanya. Baka hindi pa ko makapagpigil at mapuntahan ko siya.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Niki. Nasa isang sulok si V at masama ang tingin sa akin.

Lalong magwawala si V pag nalaman niya ang dahilan. But I have no choice.

"S-she went at my condo."

"Tss. Sabi ko na! Napakagaga talaga."

Napapikit ako sa lakas ng boses ni V. Yun pa nga lang nalalaman niya nagwawala na eh.

"Did you two talk? Or fight? How come she's here?" usisa pa ni Niki. Hindi ako makatingin sa kanila. Naihilamos ko pa ang  aking palad sa mukha ko sa labis na prutrasyon.

"Anong ginawa mo sa kanya, Sam" mariing sabi ni V, nakalapit na naman sa akin.

"Who's with the patient?"

Napatingin kami sa doctor na lumapit sa amin. Agad akong tumayo pero naunahan ako ni V na lumapit.

"I'm her friend po Doc. How is she?"

"The patient is suffered from a broken leg. Bukod sa pasa at gasgas sa noo niya, she is totally fine. We will transfer her to the ward---..."

"To the VIP please, Doc." singit ko, nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

"Okay, Miss Reàl."

"Tss." siring sa akin ni V saka sumunod na sa nurse na magdadala kay Nicole sa kwarto.

"What really happen, dude?"

"She saw me and Liel kissing."

"What the fuck, dude?! Kailan mo pa pinayagan si Liel sa condo mo?"

"Hindi ko rin alam paano niya nalaman iyon. A-akala ko nga si N-Nicole ang nag doorbell that's why I open it!" totoo iyon, I was thinking it was her. "God knows how much I miss her and wanted us to get back!"

"Then how the hell you two ended up kissing?"

"She fucking kiss me! Nagulat rin ako! I was caught off guard. Damn it! At iyon ang naabutan ni Nicole. Fuck. I swear dude, I am not that jerk. Oo, galit ako kay Nicole, pero hinding hindi ko siya kayang saktan ng ganoon! I love her fucking much, dude!" hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. "Tang ina. Mahal na mahal ko siya. At hirap na hirap na ko. I fucking miss her. Damn it!"

"Calm down. She's okay and that is what important now. Sumunod na tayo kina V, pagpasensyahan at intindihin mo na lang si V. Nicole has been going through a lot. Kaya tigilan niyo muna ang bangayan." hindi na ako kumibo at napapikit na lang. I don't know how she ended up being friends with Nicole and V. But I'm glad she did.

But part of me jealous, dahil ngayon, parang ipinamumukha niya sa akin na mas malapit na sila ni Nicole.

Dumiretso na kami sa VIP room kung saan naka confine si Nicole. I know she will get stress if she wakes up here because few people can afford the VIP room.

The moment I step in the room, V is keep on glaring at me. Parang ayaw pa niya na lumapit ako kay Nicole. Naiintindihan ko siya, pero wala ako sa wisyo ngayon at baka mapatulan ko na siya.

"Bakit kase dito pa, Niki. Baka mas mastress tong kaibigan ko at magka 'utang na loob' pa sa ibang tao." V said while emphasizing every word while looking at me.

"She can rest well here, V. Don't worry, akong bahala---..."

"Ako ang nag suggest kaya ako ng bahala. Don't worry---..."

"Ang plastic mo rin. Matapos mong saktan si Nicole, tingin mo makakabawi ka sa mga ganito mo? Tss. Never kang makakabawi, dahil ako mismo, itatakwil siya pag binalikan ka pa."

"It's our problem, V. Your just her friend---..."

"And your just an Ex may I remind you. Wag mo kong paandaran ng mga kara karapatan Sam dahil wala ka ng karapatan."

"Tama na nga iyan. Ano ba kayong dalawa?" pigil sa amin ni Niki. I don't know that V is this stubborn. Walang wala sa pa cute at pa sweet na V na una kong nakilala.

Hindi na ko kumibo at lumapit na lang kay Nicole. I gently stroke her hair. May gasa ang noo niya, samantalang naka cast ang kaliwang binti niya dahil sa bali sa buto nito. She has bruises on cheeks and eyebrow. Bukod pa sa gasgas sa kaliwang braso.

"Can you leave us for a moment?" hiling ko, nakatingin pa rin kay Nicole.

"Tss. Bilisan mo lang, dahil hindi ako mapapanatag na ikaw ang kasama niya." dinig kong sabi ni V.

"We'll just buy food, okay." tumango lang ako at hindi na sila nilingon.

Hinawakan ko ang kamay ni Nicole at masuyong hinalikan iyon.

"I... I m-miss you..." kahit na anong pigil ko, ayaw papigil ng luha ko sa pagpatak. Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag na nakikita ko siyang maayos kahit pa may sugat at bali.

I kissed her hand more, can't stop crying. I am regretting everything that I've said and done with her. Ngayon ko naiisip na bakit ba ako nagpadala sa mga litrato at bidyo na yun, na kung tutuusin, pwedeng pwede ko namang pa imbestigahan.

"I'm sorry for everything, love... I'm sorry for blaming and not trusting you... S-sorry..." wala akong ibang masabi kundi iyon. Sising sisi sa lahat. "P-please, let start anew. I love you... So much, love..." iyak lang ako ng iyak habang panay ang hingi ng patawad sa kanya. I don't know if she can hear me but it doesn't matter. I can and will say it to her over and over until she forgives me.

Doon ako nagpalipas ng gabi, si V at Niki ay umuwi kahit ayaw sana ni V. Pero dahil hindi niya ko matagalan, umuwi rin siya. Nagising ako sa malakas na boses ni V. Agad akong napatayo ng makita kong gising na si Nicole.

"Besh, kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni V.

We are all looking at Nicole. Nakatingin lang rin siya sa amin at tila kinikilala kami. Something is not right.

"Bakit ako nandito?" paos na tanong niya.

"You suffered from an accident. How are you feeling?" tanong ni Niki, gusto ko siyang itulak paalis sa tabi ni Nicole.

"Did you already call the doctor?" tanong ko, lahat sila napatingin sa akin. Including Nicole.

"Sino kayo? Bakit ako nandito?"

You've got to be kidding me?

Possessive Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon