Kabter 3

22 3 5
                                    


Puting mainit at nakakasilaw na liwanag ang nagpagising sa 'kin. Iniharang ko naman ang aking kaliwang kamay dahil ramdam kong sa kaliwang bahagi ito nanggagaling, pero bago ko pa man tuluyang maiharang ang aking kamay mula sa liwanag. May naramdaman akong naka tusok sa likod ng aking kamay.


Para bang nakadikit ito at di pwedeng tanggalin.


I slowly open my eyes, dahil na din sa sinag ng araw, nagawa ko namang mabuksan ito at tinignan ko ang swerong nakalagay sa likod ng aking kamay. My head hurts. I also feel dizziness, tila gustong kumawala ng kinain ko kagabi.


Dali-dali naman akong pumunta sa cr ng kwarto, at doon sumuka. Masakit yung lalamunan ko, ngayon ko lang naranasan 'to. Ngunit may naalala ako.


Kagabi... Si Mama...


I look at my face in the mirror in front of me. I look pale, parang el niño din yung labi ko, ang tuyot. Nagmumog muna ako bago kinuha ang toothbrush na nakita ko nalapit sa fucet. Malinis naman dahil naka plastic pa, buti na lang din at meron toothpaste na kasama sa tabi nito. Dalawang minuto ang ginulgol ko sa paglinis ng aking bibig. I rinsed it and grab the folded towel beside me and I wipe my mouth, para mapatuyo.


Narinig ko namang may tumawag sa 'king pangalan mula sa labas, base sa kanyang tono ay mukhang nag-aalala ito at natatakot.


"Ceniza Lorica! Where are you?" rinig kong sigaw 'nong babaeng boses. Napangiwi naman ako, ang sakit kasi sa tenga nung boses n'ya ang tinis. Lalabas na sana ako, nang maramdaman ko namang naiihi ako.


I wash my hands first before I leave the cr. Pagkasaradong-pagkasarado ko pa lang ng pinto, may humila naman sa 'kin dahilan ng pagkabigla ko.


"Hoy babaita nand'yan ka lang pala, pinag-alala mo 'ko." ani Stefie. Ngayon ko lang na-realize na boses n'ya pala 'yon. Nang maka-recover, napakunot noo ako.


"Ang sakit sa tenga ng boses mo nung sumigaw ka." at tinignan s'ya nang masama sa mata. Kinunotan din n'ya 'ko ng noo at nagdaan ang trenta segundos ay parang may pumasok naman na ideya sa kanya.


Umalis s'ya sa 'king harapan at may pinuntahan malapit sa higaan ko. Pumunta s'ya sa direksyon ko at pinakita ang basket na punong-puno ng prutas. Pinakita n'ya din sa 'kin yung dala n'yang lagayan ng baunan at binuksan ito.


Napalunok naman ako kasi nakita ko yung adobong nakalagay dun sa lunch box, madami s'ya feeling ko nga mauubos ko yan e. May kanin din s'yang kasama sa isang layer nung box. Pero bago n'ya pa man, mabuksan yung panghuling layer nung lunch box, nararamdaman ko yung sikmura kong gustong kumawala, nasusuka kung baga.


Tinakpan ko ang parehong bibig at ilong ko at dali-daling pumunta muli sa cr at doon ginawa ang dapat ilabas. Ngunit ang babae lumapit sa 'kin dala-dala pa din yung bukas na lunch box. Pumangalawa naman akong muli. Gulat s'yang nakatingin sa 'kin, buti naman at mabilis ang kanyang pagkaka-intindi, inilayo n'ya yung pagkain mula sa 'kin.


Naka-hinga naman na ako ng maluwag at ginawa muli ang ginawa ko kanina sa cr. Sa paglabas ko, ramdam kong lumapit sa 'kin si Stefie at hinagod ang aking likod. She look at me with apologetic smile.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon