Chapter 13

1.3K 31 1
                                    

Its the middle of the month. And I really hate this month. Lalo na sa araw na ito.

Wala late na ako, wala akong magagawa. Plano ko lang malate. Pero plano ko rin namang umabsent today. Kasi you know, I kinda dont like this day. Ang araw na ito kinuha at nawala ang brother ko, kinuha ni God, sa kaawa awang condition din. Pinatay talaga on the spot sa aksidente. Hahaizt. Fresh na fresh pa rin ang mga nangyari sa araw na ito 3 years from now. Ramdam ko parin Kung gaano kasakit, gaano ka lungkot, ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero nangyari na, sabi din nila, dapat din hindi daw kami magpakalungkot habang buhay kasi hindi rin sasaya ang kaluluwa ng namayapa. Kaya gora kahit miss na miss na miss ko na ang kuya ko. Mahal ako nun at mahal ko rin siya. Kuya ko yun eh, marami kaming nakakapagkasunduan, about sa pagkain, computer games at ano ano pa.

Nakasabay kung bumaba sa hagdan ang isa sa mga titser ko dati nung lower year pa ako.
"Good morning maam!" Bati ko sakanya trying to smile kahit ang bigat sa loob.

"Uii, good morning maganda!" Bati ni rin ni maam saakin, ayy ma'am wag mo na ngang ulitin yun. Kakasawa na. haha. Feeler lang.
Okay!

Pagkababa namin sa hagdan nakita ko si Jorey, kakarating lang din naman. Hindi rin pala siya late comer anu? Grabe. Almost mag eend na ang first period.

"Good morning sir." Nanindig balahibo ko ah, parang first time ko syang binate my whole life. Yiiiieeeh, at nagshake it off muna ako.
Pumasok agad di ako pinansin. Pumasok lang at iniwan yung bag niya sa labas. Ay?

"GOOD MORNING ZUMI!" Pasigaw na bati niya saakin, pero bumalik siya sa labas kinuha yung bag.

Namilog ang mata ko, pangalan mo ba naman sinigaw niya? At hindi lang siya ang tao nasa loob ng faculty, may ibang guro din. Nagreact panga eh, parang inirapan ako, pero nag ayieeh din sa huli. Hala? Bumati lang? Malisya agad. Tao talaga.

Wala akong gana, hindi ako nagsulat mga activities namin, gusto ko nang umuwi. Maghahalfday lang ako ngayon. Hindi pa naman ako nakaattend sa mass na para kay kuya. Hahaizt.

After ng last period sa morning, nag invite ulit ako sa mga guro na pumunta sa bahay, kasi may kuting kainan pagkatapos ng mass. Wala lang kahit malayo bahay namin sa school, baka magsusuicide sila pumunta para makakain lang. LOL!

Nasabihan ko lahat pati prinsipal maliban kay Jorey, pano ko yun lalapitan, hindi kami close noh? Lahat ng guro dito sa school namin medyo kaclose ko pero siya lang hindi. Kaya nagpasama ako kay Alane, kabarangay ko rin pala si Alane kaya dadahin ko rin siya uuwi sa bahay, mahahalfday kami.

Si Alane ang nag approach kay Jorey,
"Sir, Punta daw kayo sa bahay nila Zumi, May kainan." Sabi ni Alane.
"Ahh, bakit naman? Ano meron? Pabalik na tanong niya.

"Kainan nga eh, edi kakain, alangan magsasabunutan tayo," bulong ko sa sarili.
"Death anniversary sa kuya ni Zumi sir," sagot ni Alane.
"Ahh, ganun ba, titignan ko kung pupunta ba ako, may pinapagawa pa kasi si Ms. Principal sa akin," medyo nakakadismaya na sagot niya.

Ay sana hindi ko na siya inimbita, nagpakahiya pa kaming puntahan ka sa klase niya. 😑

At naggather na ang mga guro, infairness, isang sasakyan sila, dami talaga nilang nagsusuicide. Dun na ang huli nyong hantungan, magpaalam
Na kayo. JK! Gutom ko lang to.

Dadalhin ko rin sana mga kaklase ko, sinabihan ko na ang nanay ko na magpapasundo ako ng van para may makasamang kaklase sa bahay pero antagal kaya nagHitch na lang ako sa mga guro. Nung malapit na kami umandar, dumating ang napakabipolar na tao, sabing hindi sasama, hahabol pala. Haizt.

Pagkadating namin sa bahay, andaming tao. Pero parang nasa priority line ang mga guro ah, naunang pinapasok ni nanay. Ako ata VIP dito bat naging sila. Haha.

Umupo muna sila sa salas namin at nag usap, ang tatay ko ba naman, pinag usapan ako, at tawa sila ng tawa. namumula na ako sa hiya. Haizt. Nagwalk out ako, at nagpalit ng damit, ang init kaya kung nakauniform.

Kinakabahan ako, baka magsumbong ang mga gurong yan na para akong maytamang studyante. Haha. Magsalita lang kayo, gagamitan ko kayo ng ninja moves, Ninja lang ang papatay sa inyo. Harsh.

Kumain sila, usap usap. At pagkatapos ng walang kataposang pag uusap. Tumayo at dahan dahan ng lumabas. Pero tanong ko sa sarili ko, bakit sinusundan ko si Jorey, nasa likoran niya ako. At kinausap niya ako, "Salamat Zumi ah," marunong palang magpasalamat, "ayh, your welcome sir, kahit bumalik pa kayo next year, welcome pa din kayo,"

My ghaad ano yung sinabi ko. xD
Tumawa lang siya, at pagkalabas nila, nagpasalamat ulit at nagpat siya sa aking balikat. At ako naman kinilig kunti. Haha.

Ready to go na sila, at nagbye ako kay sir na nagdadrive,hindi si Jorey.
"Bye sir," at nagwave ako. At alam nyo sinong sumagot?
Ang feeler na kumag at nagwave pa. Natawa talaga ako. hahaha, xD
Umalis na nga kayo. JK!
"Ingat kayo!" At nagwave ulit ako sa kanila.

.

.

.

.

.

.

.

.
*~~~*
Sorry late update. Salamat sa pagbabasa!

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon