Chapter 19

223 4 1
                                    

The Next day.


Gumising akong parang kamatis ang fes. Iyak pa beshy pero atleast ang aga na gising! Tumahimik kayo.


Nagpunta ako sa school ng parang walang patutunguhan. Nakatulala, ikaw ba naman hiwalayan ng lalaki? Sarap sa dignidad no? Hahaha.


Wala pa gaanong tao sa school, naglalakad akong mag-isa. At nong napadaan na ako sa may faculty room papuntang room namin. Bukas na ang faculty room, himala ang aga ah.


"Uy, okay ka lang?" may nagtanong. Napatigil ako sa paglalakad at syempre tiningnan ko ang loob ng room baka multo na yun. At nakita ko si Sir Jorey nakaupo malapit sa bintana na pinakamalapit sa dadaanan ko. Nagbuntong hininga ako.


"Kumakausap ka pala in real life. Napakatalkative mo sa text sir." Napangiti ako at sumandal ng patalikod malapit sa bintana na yun. "Di mo sinagot ang tawag ko, may problema ka ba?" Tanong nya."Sorry, by the way bakit ang aga mo dito? After flag ceremony ka laging dumadating ah?" Umiwas ako sa tanong niya."Sagutin mo ako, Zumi." Napipikon na tanong nya sabay sa pagtayo niya at lumabas sa room at hinarap ako.


Nakatayo siya sa harap ko, siya'y mas matangkad sa akin kaya napatingala ako sa kanya.Naramdaman ko ang aking mga mata'y lumuluha na.


"Kailangan mo bang malaman, sir?" mahinang tanong ko"Oo, bestfriend mo ako." Sagot nya "Bestfriend?" Confused na tingin ko sa kanya."Good morning sir!" bati ng isang estudyante na napadaan.


Bushit, panira. Joke, aalis na lang ako. Maissue pa tayo nito eh. Bumuntong hininga si sir at nagreply sa estudyante, "Morning."


Pumasok siya sa faculty room at naglakad na ako papuntang silid aralan namin. "Ano yun? bestfriend?" tanong ko sa sarili ko. Tumunog ang cellphone ko. "Oo bestfriend mo ako. We texted for a while. I tell you almost everything, Zumi. I feel comfortable saying all of it to you. Para na kitang bestfriend." Text niya sa kin.


Napaisip akoParang ang sama ko. Ang saya ko nung nagtext na si Sir Jorey sakin. Nakalimutan kong may boyfriend ako. I cheated? No, di naman ng ligaw si sir. Hindi naman kami. May conversation lang thru text. Is that cheating already? I let my relationship crumble because happy na ako with someone else? Ganun na ba ako kasama? Sa tingin nyo?

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon