"BEST YAM!! Facilitator na namin si sir every math time?!!" Parang kinikilig na report ng best yam ko (si evelyn)
Bakit ba hindi na lang sa section namin. LOL ba't ko naman gugustuhin yun? Mababadtrip lang ang everyday life ko.
"But he's funny though, lagi nalang nagtatawanan ang kaklase ko para lang silang magkakabarkada kakainis na nga eh ang iingay parang hindi guro,hahah" medyo naiinis na dugtong ni yam.
Oo nga parang hindi guro, parang tambay na nilipad ng hangin papunta sa school nato. Hahaha.
"Uy lunch na tayo, nakauwi na si Jovie, hanapin natin si Alane para sabay sabay na tayo" -Yam
"Oo, pero may ulam ka na?" Tanong ko.
"Wala pa, hehe tara samahan mo ako bumili" -Yam
"Tara" sabay labas ng room at lakad palabas ng school.
Pero noong nasa tapat na kami ng faculty that means sa court kami dumaan.
Napatingin ako sa table ni sir. At O___O tugdugudugdugudug
Nakatingin siya sa akin. Nakasmile pa. Yung smile na napakatamis na parang candy. Waaaaah! Bakit ba kasi tumingin ako. Ang tanga ko.
(A/N: tanga ka nga! XD)
Nagsmile lang din ako Baka sabihing ang bitter ko pero binura agad ang smile sa mukha ko. Mahal kaya ang smile ko tapos malilibre ko pa sya. Sus! Sabay hatak kay Evelyn paakyat sa hagdan palabas na ng school.
"Manang, magkano po yan?" Tanong ni Evelyn sa tindera.
Ako nakatulala lang sa hangin, hindi pa nagsync in sa utak ko ang nangyari. Sa akin ba talaga siya nakatingin? Bakit sya magsmismile? Kilala na niya ba ako? Parang close friend ko eh wagas makasmile. Pero bakit bigla akong kinabahan? Baka nagulat lang, pero iba eh. Waaaaaah! O baka natakot lang sa mukha nya hahah Kapal talaga mukha nya. Kakabadtrip, feeler eh. Sus. Gusto ko nang matapos ang araw na ito.
"HOY!!!! Tara na! Kainin kita dyan eh, gutom na ako ah tapos ikaw dyan nakalutang lang sa hangin." Parang halimaw na sabi ni Evelyn.
"Ahh. Oo tara, kahit anong gawin mo hindi ako kasya sa tiyan mo. Haha!"
Naglunch at nagklase uli tapos uwian. Pokerface here and there.
Pagkarating sa bahay, facebook agad walang gawain eh. Haha.
Notifications:
"Marcjay commented on Mavel's photo"
"Nice pic ;-)"Kumirot aNg puso ko.
Bakit siya nagcocoment sa picture ng crush niya
Samantalang sa akin hanggang like lang.Oo kahit boyfriend ko si Marcjay may crush din siya kay Mavel (a girl from ibang school). Ang gulo anu? Parang "ikaw crush ko pero iba mahal ko" ganun? Pero ang sakit parin sa puso nuh? Alam mong kayo na at may crush pa din siya? Parang hindi ka sapat anu? Parang kung ayaw na niya sa akin may ipapalit agad. Yun ang kinakatakutan ko eh pero parang nagpakawalangpaki na ako eh. Di ko na feel ang pagkasincere nya. Hahaizt.
Ploooook! Nagtxt cya!
MJ: "Hi"
Me: hello! :)
MJ: kumusta araw mo?Di na ako nagreply, kakabadtrip Ang araw na to eh. Gusto kung umiyak. Ang sakit. Ganito talaga ako, i'll think about things negatively...kaya lagi kung nasasaktan sarili ko. Pero kahit ganito hindi ko ito pinapakita sa iba. Ang nalalaman ng iba masayahin ako, parang walang problema pero hindi nila alam kung gaano kabigat ng damdamin ko.
1 New Text Message:
MJ: Hindi naman nagreply, Ano ba yan!MJ: may iba ka siguro anu?
MJ: ewan ko sayo!
Sunud sunod na text ni MJ.
Ang sakit ng ganyan anu? Hindi man lang tatanungin kung may problema ba? Ganyan lang talagah si MarcJay mainit ang ulo kaya minsan hindi na ako nagrereply pRa hindi nalumaki ang gulo. Lagi siyang nag jujump in sa conclusion, hindi lang makareply may iba agad? Hindi ba pwedeng nag expire na at malayo ang loader? Tapos gabi na? Ano magsusuicide akong magpunta sa malayo layong lugar. Minsan nga naiisip ko, bakit ganun? Kung siya hindi nagttxt at hihingi siya ng tawad okay lang, naiintidihan ko, pero pag ako hindi nagtxt ang init ng ulo. Kahit anong explain. Naiisip ko nga kakapagod nato eh. Hahaizt.
Ano bang meron sa araw na to bakit ganito. Kakapagod na, pero ayokong maglet go. Baka kasi manghihinayang ako. Ewan...ewan hindi ko na alam ang gagawin ko.
..
..
.
(A/N: sensya na sa matagal na update. Bagyo eh xD . Support lang po. Salamat sa pagbabasa. Vote/comment/fan?)
12/08/14
BINABASA MO ANG
Crush Ko Si Sir?
RomanceKwento ng dalawang taong magkaiba ang mundo na pinagtagpo ng principal XD Isang simpleng studyanteng si Zumi meets an expected guy of her life, will she believe in love again sa lahat ng nadaanan nyang sakit? Even if its impossible? Studyanteng nagm...