Chapter 15

1.3K 31 0
                                    

"7 kaming magkakapatid, ikalawa ako,"

"Ang gulo nga namin sa bahay pag nagkatipon tipon kami,"

"Dati lagi akong naglalaro ng table tennis sa barangay namin, pangkasiyahan lang ng mga tagadun, minsan may pustahan pa nga,"
"Nung nagboard exam ako, naku, kakatawa karanasan ko, pero thanks God pinagbigyan ako ng blessing,"

Mga walang kwentang bagay na kinukwento ni sir Jorey, aba malay ko ba, talkative pala to masyado, sa skul pag nakikita or nasa faculty ako, hindi nagsasalita, palaging nakayuko. Don't judge a book by its cover ikanga. 

Kumakain kami ng lunch ngayon malapit sa venue ng contest, oo, magkasabay kami, first time in history nakasabay ko kumain ang teacher sa iisang table, awkward nga, gusto ko ng umuwi, parang wala kaming mapapala sa contest na to, yung ibang contestants may dala dalang reviewers, kami? Kami nagdadaldalan sa isa't isa. 

"Uy, kain ka pa, papayat ka nyan," nagsalita ang kumag, ikaw kumain dyan para magkaroon ka ng kunting fats, mukha kang kalansay. 
"Ay di na, baka sasabog na ako, busog na ko," alibay ko sabay fake smile at tayo, lakad palayo ng table. kakaawalang gana. Chicken pa naman ulam ko, paborito ko. tsk tsk!

Pagkatapos naming kumain, nagpunta na ulit kami sa venue, dami ng tao, pero marami paring hayop. Ay di joke, marami pang bakanteng upuan kaya pumwesto nakami. 

Aba mukong nato ah, iniiwasan ba nya and ganda ko? kung makaupo may gap talaga sa akin. Ay okay! uuwi na ko. Parang hayop ang trato nito sa akin ha.

Si Angel, ako, vacant seat at si Sir Kumag. Ganyan arrangement namin. Aba nakakabuwisit. Parang may sakit akong nakakahawa ah. 

"Uy, may pinag aaralan silang mgareviewer," Lumipat ang kumag sa likuran ko at nag lean sa backrest ng inuupuan ko, ginawang unan ang kamay nya. 
"Edi mas madali buhay namin, nagpapakahirap pa silang mag aral," at naglean sa backrest ng chair, naipit ko kamay nya, ay edi sorry. pero di niya kinuha, aba aba aba, ako pinapaalis mo. Lumingon ako sa likuran ko, saka pa inalis niya, ay naku, Kinuha niya ang cellphone niya at naglaro, e ako ba naman tong GAMER ikamo, nagwatch ako, pagkatingin ko game over agad, SUS! ang galing,,,ang galing pang beginner. XD Ang bad ko.

Hinawakan nya mga balikat ko at nirotate at pinaharap sa harapan ko talaga sabay nagsalita si sir, "Wag kang tumingin, mag aral ka,"

"Panu mag aaral kung walang pag aaralan," Natawa kong sagot. Asan utak nito?
First time kasi sumali ng school namin sa ganitong contest, wala kaming alam kung ano ang lalabas na mga tanong, alam lang namin, related sa lugar o probinsya namin. Edi waley tayo dito. GG.

Nagsimula na ang contest, nakapuwesto ang mga kalahok na grupo sa tig iisang table. kami na sa banda na ng stage, at ako naman nakaharap sa wala, sa kilid walang taong titingnan pero paglilingon ako sa kaliwa may makikita akong kumag, kung sa kanang mga nerd naman, kaharap ko si Angel. Titingala na lang ako, para heaven ang makikita. XD

Well, as expected sa walang reviewer, 1 point lang ang score, buti na lang yun, keysa sa iba wala.
Pagkatapos ng giving of certificates umuwi na kami. Sumakay ng bus, at sa lahat ng minamalas, katabi ko pa ang kumag, andami naman atang vacant seats sir, pwede dun na? Nahihilo na ako, di ko talaga trip magbus kapag di ako ang nasa may bintana, susukaan kita. Patulog tulog na lang ako baka mapigilan ko to, at ayon nakatulog nga. Pagkagising ko nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya. WTF! Pwede maglaho ng parang bula? Tumingin ako sa kanya, eh nakatingin rin sa akin kaya nagpalabas ako ng killer smile ko at yun nagsmile din siya, pero syempre talo siya sa ngiti ko. Pero nasusuka na talaga ako. Pagkababa namin sa bus, para akong lasing na naglalakad, kaya yung kumag, inalalayan ako, ako naman di alam nararamdaman, kilig, inis. Lalo pa akong nainis na tinanong akong, "Okay ka lang? nahihilo ka?" 

Ay FootTea, para na nga akong lasing mag tatanong ka pa. Utak mo nga nasaan, Ilabas mo.
Di na ako nagsalita, hanggang nag separate ways na kami. LOL

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon