Chapter 3 New Teacher

2.4K 57 1
                                    

Jorey's POV

'Woah! Natanggap na ako sa school. Salamat kay Mrs. Principal naghiring kasi kulang na daw guro sa school na to eh. Drafting at Araling Panlipunan ang ituturo ko dito. Medyo okay naman na school, malinis, matiwasay, hindi gaanung mainit. Pero malayo lang sa bahay namin kailangan ko pang mag motorsiklo kasi nasa sentro ng lungsod ang aming bahay at itong school na ito nasa kagubatan hahah basta okay na to ang importante may trabaho na ako.'

Ito ngayon naglalakad na ako patungo sa Principal's office. Kakatense naman daming nakatingin sa akin. Kung nakakamatay ang tingin nila matagal na umalis ang kaluluwa ko. Pero may isang studyante talagang parang nangibabaw ang tingin, para kasing inis na inis sa gwapo kong mukha. 'Feeler lang ako kaya hayaan nyo na'

Nginitian ko na lang sya, pero parang hangin lang akong lumampas sa kanya. Haha bahala ka, trying to be good na nga ikaw pa magpopoker face dyan.

Pagkaakyat ko sa Principal's Office wala pang tao, 'hmmm....baka nagchecheck sa mga room malapit na kasing mag 7:30' sa public schools kasi dapat araw araw mag flag raising ceremony before classes.'

"Ohh? Good morning Mr. Lezen nandito ka na pala" bati ni Mrs. Principal na kakarating lang.
"Good morning din po Maam" sagot ko naman.

"Hali ka sa baba magfaflag raising na ipapakilala kita sa mga studyante"

O__O 'WTH! Papakilala talaga? Agad agad maam? Im not ready'

Kinakabahan ako kaya sa whole ceremony nakatulala lang ako.

"By the way Students, lets welcome Mr. Jorey Lezen" naghiyawan halos lahat ang mga studyante. Ako naman feel na feel para na kasi akong artista. Hahaha.

Sarap talaga sa feeling ng ganito pero medyo nakakahiya rin eh. Feeling mo sikat ka. Pero wait........ May nakakamatay na tingin ang nararamdaman ko. Hanap hanap hanap.... Ayy yun. Siguro Nataaman siya sa kagwapohan ko. Natulala eh. Tikman mo yan pokerface girl. Hindi mo ako pinansin kanina ah. Hahaha! Ngumiti lang ako sa kanya yung parang nang aasar.

"Ohh Mr. Lezen are you single ba daw?" Tanong ni Mrs. Principal. Nagulat naman ako kaya wala na ako nakasagot. "Ahh single siguro si Sir anu?" Hiyawan na naman ang mga studyante.

Pero sa totoo lang may girlfriend ako ngayon, pero long distance kami. Nasa city siya ako andito sa probinsya. Ang hirap nga eh sa cellphone na lang kami magkakausap. Hahaizt.

"Uii Sir! Ako nga pala si Eve."
"Uyy Jorey pala" sabay handshake
"Nice meeting you" -jorey

"Tara na sa faculty room may nakaassign na na table para sayo" -Eve

Teacher din sya sa school na to siguro 5 years or ano basta matagal tagal na sya. Nasa 25-30 ata gulang nito, dalaga pa. Medyo may itsura naman morena eh.

Parang naging tour guide ko si Ms. Eve, mabait namn sya, friendly. Haha.

Pagkadating namin sa faculty room, inihatid ako ni Ms. Eve sa magiging table ko, magkatabi kami. At kitang kita sa harap ko ang basketball court ng school. Ang laki pala ng school na to, maluwag. Napapalibutan ng tables ang room ginawan lang ng daanan sa dalawang pintuan ng room. Atsaka May CR malapit sa table ni Ms. Eve..

Hahay ito na to.

"Sir Jorey! Excuse me po Pinapatawag ka ng Principal" sabi ng nakangiting abot tainga na estudyante napag utosan ata ni Mrs. Principal. Hahaha parang may tama yun Ah haha.

Kaya ito lakad lakad, akyat hagdanan, upo sa harap ng table ni Mrs. Principal
"Pinapatawag mo daw po ako maam?"

"Ahh...oo. Total hindi pa naman talaga magsisimula ang klase. Tatawagan na lang kita kung kailan ka magsisimula sa trabaho. I'll give you a break before sumabak sa trabahong to. Kaya enjoy Mr. Jorey. I'll call you when the time comes."

"Ahh sige po maam, salamat po." Yun oh. Vacation agad hahaha. Ang bait talaga ni Lord. Makakauwi na ako. Tatawagan na lang daw ako eh. Kaya home sweet home here I Come.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(A/N: sana po magustuhan nyo po tong storyang to ;). Salamat po sa pagbabasa. Comment po para sa improvements. Hehe Vote/comment/fan?

12/04/14

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon