Chapter 10

1.4K 38 1
                                    

A/N: Random Image again :) thanks sa pagbabasa, enjoy po kayo.

***
Ang bilis naman ng araw parang kahapon lang ibinigay ang assignment na to, malalate na ako ngayon, 7:30 na nasa bahay pa rin ako, may program pa naman at nasa akin pa ang letters na ilalagay sa stage. Better late than never!

On my way, July 1 na ngayon at may kick off program para sa nutrition month ngayon.
Ipinagawa sa akin ang mga letters na idedecorate sa stage sa program.

Pagkarating ko sa gate, "Sir! Bakit ang tagal mo, kakatapos lang magceremony, wala pa ring deco yung stage at mga letters, nandoon na ang ibang ssg na kasama ko naghihintay sa mga dala mo"- SSG president

"Sorry" yun lang nasabi ko eh kakarating ko lang yun na agad naabot ko haha. Pero kabado na ako baka may magalit na superior sa akin, wala sana.

Pagkadating ko sa faculty room agad may sumundo na nasaan na daw ang mga letters na ipinagawa, " wait may kulang pa" kaya work here work doon.

Pumasok si Pokerface girl na parang may hinahanap, napatingintinginsa ilalim ng mesa sa katabi ng aking table kung na saan si Maam Tina, "Zumi, diba birthday mo last week? Last Thursday? Belated happy birthday sayo" sabi ni maam tina, " hehe oo maam, salamat po" nakangiting sagot ni Zumi.

Zumi pala pangalan niya, at birthday niya last week? Thursday? So 27? 4 days agwat ng birthday namin ah, 23 sa akin, haha,tadhana....pero mas matanda ako nito, ang layo ng agwat. Maybe 4-5 yrs siguro. Nag walk out na si pokerface girl, awh i mean Zumi, nahanap na siguro ang hinahanap niya. Kaya continue tayo sa ginagawa ko.

At sa wakas na tapos din. Kinuha na nila ang mga letters. May naiwan. Hoy wait. Ayy bat di ako nagsasalita. Ihahatid ko na nga to, kawawa naman yung nagkuha overloaded na siya. Umakyat ako sa stage at "may naiwan sa mesa" inabot ko ang isang letra at nagulat ako na si Pokerface girl ang tumanggap

"good morning & thank you sir" nakangiting sabi ni pokerface girl. Parang di ko na kailangan ang thank you ng iba kasi sapat na yun haha. Wala man lang ibang nagthank you sa akin. At siya lang. Haha.

Bumalik na ako sa faculty room "Sir! Wala pa tayong gamit para sa pinoy henyo na laro mamaya!" Natatarantang sabi ng kasama kung guro na bago rin dito sa school nato, na si Ma'am Fe,kami kasi naasign sa mga ipapalaro mamaya.

"Uy nay stepler ka? Ito nalang ginupit na folder gagamitin natin at ididikit na lang ang word na ipapahula sA mga bata"

"Wala akong stepler!" -jorey
"Manghiram ka" - maam Fe
"Saan naman?" -jorey
"Dun sa stage, may mga SSG doon, may stepler siguro sila"-maam Fe

Kaya umakyat ako ulit sa stage
"May stepler kayo dito?" Tanong ko sakanila na busyng busy sa life.

Wala agad kumibo.hanggang

"Ito po sir" pokerface girl again, napangiti lang ako hindi nagthank you. Pababa na sana ako ng hagdab, eh walang laman yung stepler, walang bala. "Uyy wala tong bala", lumapit saakin si pokerface girl at pinalitan ang stepler kong hawak sabay sabing "Sorry" parang nahiya siya, haha ang cute. Kaya bumalik na ako sa faculty room.

Nagsimula kaagad ang program pagkatapos nilang magdecorate sa stage. Ang ganda naman, ang galing ng nagdesign, Alane ata name nun, ang ganda ng flower arrangement. Lage siyang nasa faculty eh, close siya sa mga teachers. Pagkatapos ng part I ng program nagsimula kaagad ang Part II which is games games. Pinoy henyo na. Ang bawat year level ay dapat may representative na tig 5. At hala? Kasali si pokerface girl? Matalino? Haha.

Para lang nagruffle sa word na huhulaan nila. Nagkakawrong spelling na ako sa sinusulat ko na ilalagay sa ulo ng huhula. Nahihiya na ako. Bakit ba nagkakaganito ako. Huhu.

"Tawagin mo yung fourth year" utos ni maam fe.

Nagmic ako
"Hali na kayo" tumingin sa akin si pokerface girl at wew. Nagkatitigan kami, parang tumigil ang mundo.

Natauhan lang kaming dalawa nung si maam fe na ang tumawag sa kanila. Kaprehas kaming naglook away na parang nahihiya sa isat isa.

Tahimik lang si pokerface girl na nasa tabi ko habang nagsusulat ako sa nga word na huhulaan ng kalahok. Habang yung iba sigaw ng sigaw.

Wait At bakit naman ako kinakabahan ngayon parang ako yung maglalaro eh. Nanginginig kamay ko at hindi ako makapag isip ng matuwid.

"Sir Letter E po yan" nagulat ako noong nagsalita si Zumi. Anu daw?

Hinablot niya ang chalk na hawak ko at inerase nya yung bahagi ng salita "BARBAQUE" pala ang nasulat ko. Woooh >_< kakahiya naman ito.

Inedit niya yung word at sa lap ko pa naman siya nagsusulat, ang close naman nito, nahihiya na ako, pero hmmm ...ambango niya. Cute talaga niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

"Sir ito na po" nakangiting sabi niya sa akin
"Ahh salamat" nakatulala ako sa mukha nya. At umalis siya kasi parang naweirdan siya sa nangyari kaya hindi na siya bumalik sa tabi ko.
At inabot ko na ni Maam Fe ang sinulat namin ni Zumi, oh namin talaga yan, tinulungan niya ako dun kahit isang word lang yun kaya NAMIN yun,
Hindi naman nahulaan ng manghuhula, haha. Sayang precious word pa naman yan, tumulong si Zumi niyan.

"OKAY, Seniors turn!"

Hindi nakahula ng marami ang seniors. Nakahula din si Zumi, galing haha. Pero talo sila, pero okay lang yun sadyang parang mahihirap ang nabunot nila na mga salita.

Pagkatapos naman ng mga program balik sa room naman at may handang ibat ibang gulay ang bawat klase.

Natapos na rin ang araw na to, kala ko di ko matatapos yung pinagawa sa akin pero adrenaline talaga Good Job. Hahaha.
***
.
.
.

.

.

.

.

.

.
.

A/N: Salamat sa pagbabasa. Vote or comment hehe. Thanks again.

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon