Chapter 2 First Meeting

3K 74 7
                                    

May taong naglalakad papunta saakin, nakablue checkered, maong na pantalon, may backpack, nakasunglasses, at gwapo naman pero kakainis tingan sarap sapakin eh feel na feel nya ang paglalakad sa facade.

'Bagong estudyante? Transferee? Sino siya?' Tanong ng isip ko. Habang palapit na palit na siya.

Ningitian niya ako pero nagpoker face lang ako medyo kakainis kasi mukha nya at natauhan nang lumampas na siya saakin, 'ay kala ko saakin siya lalapit, pupunta pala sa principal's office, alam mo yung eksina ng ikakasal na naglalakad palapit sayo ang mahal mo pero baliktad eh, epic fail pero alam nyo yung feels ng ganun. Ayhhh....woah tigil utak..daydream na naman'

Kaya back to reality na tayo. Ayan naka fall inline na lahat, okay na, pero napansin ko yung lalaking nakacheckerd nasa tabi ng mga teachers.Nagflagraising kami at yun nagsasalita si Mrs. Principal. "Good morning students of TNHS & welcome back to school, kumusta ang bakasyon nyo mga bata? Nag enjoy ba kayo? Okay for the sake of new students here let me introduce our faculty." At ayun inisa isa ni Principal ang mga teacher. Last ng guro pero may inihabol si Mrs. Principal. "By the way students, lets welcome our newly hired teacher Mr. Jorey Lezen".

Naghiyawan halos lahat babaeng studyante. Ako dito nagkandarapa para makita kung sino. (Pandak problems.)

(A/N: tatangkad ka rin zumi, pag na puti na ang uwak)

'Sapakin kita author eh, problem na nga gagawin mo pang mas worse'

Pagkakita ko, 'ay anak ng siomai', teacher sya? Wow ha di halata. Akala ko bagong estudyante lang sya o isang freaking transferee'

"Gwapo niya", "Hindi naman, magaling lang manamit","gwapo kaya","ayiieeeh" dadalan ng mga studyante na lalong kinaiinis ko. At sa di sinadyang pagkatulala ko ay para akong nakatingin sa kanya, ngumiti naman siya 'sus assuming ikaw tinitingnan' kaya tumango lang ako.

"Yam!!! I missed you yam i really reAlly missed you" parang ngayon lang nagkita after 10 years na sigaw ni Evelyn sabay hugged sa akin. Natouch ako kaya "OMG Yam!!! I missed you too!" Parang natamaang tao sa mundo.

Si Evelyn pala ang girl bestfriend ko. "Hindi naman gwapo" sabi ni Alane, baklang bestfriend ko din, "oo nga magaling lang manamit" agree na agree na sagot ni Jovie, bestfriend ko din. 4 kasi kaming magkaBFF's mula pa noong 1st year pa kami. Known kaming apat sa pagiging madaldal, masayahin, joker pero kahit para kaming walang patutunguhan sa buhay may talent kami sa isat isa, ako sa drawing, silang tatlo magaling sumayaw at kumanta, si Alane parang Fashion designer or Florist. Hahaizt para sakin kami na ang the best group of bestfriends sa world. Kung nasaan yung isa nadun kami lahat.

Nasira yung moment naming magbebestfriend noong naghiyawan ang mga estudyante. "Ano na naman yun?" Naiinis na tanong ko. "Eh si Mrs. Principal tinanong yung bagong teacher na single ba daw sya eh hindi sumagot, silence means yes kaya sigaw lahat" natatawang kwento ng classmate ko na malapit sa amin. "Sus! Hindi siya gwapo magaling lang manamit" naiinis na sagot ko.

Nagdaldalan muna kami, nakita namin lumapit si Maam Eve sa Kumag Na Feeling artista na. "Anlandi talaga niya" Napatawang sabi ni Evelyn "Kaya hindi pa nag aasawa eh gusto pang lumandi ng lumandi" Sabay tawanan

"Hahaha! Bestfriends talaga, tara na nga!" Sabay hatak ko sa kanila. Baka may makarinig sa kanila eh, marami pa namang alalay yang malanding yan. Hahah! Medyo bad.

Sabay sabay na kaming pumunta sa bagong classroom namin na nasa likuran pa ng ibang building. Madadaanan pa namin ang canteen, covered aisle, hagdan, faculty room, library, at TLE rooms. May parang activity center sa harap ng faculty room kung saan ginaganap kadalasan ang mga programa. 'Activity center nga kaya dun gaganapin ang mga school activities, author naman sobrang obvious'

(A/N: edi sorry ^__^V gi continue mo lang)

Pagkadaan namin sa first room sa 1st floor nakita namin na nagsha shuffle ng mga Grading Cards namin ang isang adviser sa fourth year.

'What the F? Panu kung magkakahiwalay kaming apat? Ang lungkot nun! Oh please God No!'

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Magkakasama pa kaya ang apat na magbestfriends simula 1st year sa iisang section?

.
.
.
.
.
.
.
.

A/N sorry kung sobrang boring ng update. Stressed kasi kunti sa school busy na eh. Sensya na. Maybe sa next part POV ng someone gagawin ko. ^__^>

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon