Chapter 21

423 14 8
                                    




"Bestfriend," napaisip ako habang nagsusulat ng assignment ko. Oo, gumagawa ako nito para sa ekonomiya ng Pinas.


Biglang nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko si Sir pala. Sasagutin ko ba? I pressed the green button. O diba patanung tanong pa. Sinagot ko pero di ako nagsalita.


"Zumi, wag ka ng malungkot." Nagcocomfort na tono ng boses ni Sir.Di ako umimik at nakinig lang sa kanya. Biglang may tumunog na guitara sa kabilang linya.

Lift your head, baby, don't be scaredOf the things that could go wrong along the wayYou'll get by with a smileYou can't win at everything but you can try


Baby, you don't have to worryCoz there ain't no need to hurryNo one ever said that there's an easy wayWhen they're closing all their doorsAnd they don't want you anymoreThis sounds funny but I'll say it anyway


Girl I'll stay through the bad timesEven if I have to fetch you everydayWe'll get by with a smileYou can never be too happy in this life.

"Wag ka ng umiyak, please." Pakiusap ni sir.
"Salamat." Naiiyak na sagot ko sa kanya. Haba ng hair ng ate nyo. Kikiligin na ba ako pero wrong timing ata. Pwede mamatay na?

Hindi pwede. Malapit na ang Periodical test. Laban lang tayo beshy. Magsesem-break na.

Napakabusy tuwing papalapit na ang periodical test, magcocompile ng mga activities, projects kaliwa't kanan at heartbroken ka pa pero pilit kang naiinspire dahil may taong nagchecheer para sayo. Pero laban!

-----Periodical Test Days------

Nagstudy ako, 7 subjects in one night. Oh diba. Kala nyo ha. Ofkurs, di pumasok sa isip lahat yun. hahaha. Bad study habits. Sorna po.

Ang aga ng mga studyante sa school. Nagflag raising kami 15 minutes earlier than usual para mas maaga at makapagready ang lahat sa pasulit. At timing ako magbabasa ng daily gospel, kahit kunti man lang maliwanagan ang aking utak na di ko alam kung may laman ba.

Umakyat ako patungo sa Principal's Office at Administrative kasi nasa second floor yun. Para isauli na din yung Gospel Book na ginamit namin. 

"Good morning maam, ito na po yung libro." Bati ko sa guro na nasa desk nya saka sabay abot ng libro

"Salamat." sagot niya.

Pagkatapos  nun, bumaba nako. At tumindig ang mga balahibo ko nang makita ko si Sir Jorey sa baba ng hagdan. Dun kasi maglolog-in ang mga guro everymorning.

Umasta lang akong parang di na shookt, at sinubukang maglakad ng normal.

Nung nasa likod na niya ako habang nagsusulat siya don, nagsalita siya, "Good luck sa exams!"

Ako naman nagulat, napatingin sa kanya, di makaimik.

Humarap siya sa akin, ako naman napaatras. Ano na naman trip nito.
Nakatingin lang siya sa akin at ako naman nagtatry mag eye contact sa kanya pero di talaga kaya.

"Cheer up hoy. Kaya mo yan." Nakangiting tugon niya sa akin.

"Salamat," sagot ko at ngumiti sa kanya.

Lumabas na ako at nagpunta sa building namin. Nagkagulo sa silid dahil ang lahat ay naghahanda na. May nag-aaral, nagsusulat, at nagchichismis.

At dumating ang pinakahihintay.

"Good morning, ma'am!" Bati ng lahat sa adviser namin.

"Okay, top students, sa labas kayo ng room magtitake ng exam." Utos ng guro namin.

Bat parang may gumuguho na mundo. Oo kasali ako sa top students kahit kokoting isda ako. Pero uy, Di tayo makadiskarte nito. Omg! Lord ako naman nagbasa ng gospel today, tulong naman po.

Nilabas namin ang mga upuan at umupo sa labas ng room. Di na madrawing mukha ko. Pano na ako makakatyempo nito. Kitang kita sa likod at harap.

Natulala ako na nakatingin sa hagdanan pababa habang naghihintay na magsimula ang exam.

May sumulpot na ulo sa hagdanan, at sino pa ba.

Ngumiti siya sakin at umakyat papuntang room namin.

"Good morning, ma'am." Bati niya sa adviser namin.

"Good morning, Jorey. San ka na room dito or dun sa kabila?" Sagot at tanong ni maam.

Nerbyosong tawa ang narinig ko sa kanya.

"Dito na lang ma'am." Sagot niya. Napatingin ako sa kanila at nakatingin na pala siya sa akin. Binalik ko ang aking tingin sa hagdan ng parang walang nangyari.

'Shetiiiiii. Bat ako tumingin?' Napakagat ako sa labi ng slight. Gusto kong ngumiti ng bongga pero shocks.

Nagsimulang mag-instruct si maam sa klase namin at lumabas at nagpunta sa kabilang room.

Nagsimula na ring magdistribute si Sir Jorey ng testpapers. Yung nasa loob, nagbigay siya nga testpaper by row. Bumalik siya sa lamesa ng room namin at naghanda pa ng tespaper para sa nasa labas.

Inisa-isa niya ng pagbigay sa amin.

"Zumi." Tawag niya sa akin at inabot ang testpaper.

Di nako tumingin sa kanya at tinanggap ito.

"Okay, you may now start." Instruct ni sir samin. Lahat yumuko at nagsulat agad.

Ako tumingin muna sa test paper at nagscheme sa mga items.
Lord maawa ka. I turned to the next page at ano to. May sticky note.

Note:
Kaya mo yan. Andito lang ako. 🙂

Napatingin ako sa silid ng room kung saan siya nakaupo at nakatingin na siya sa akin na nakangiti.

Lord, ano ba tong utak at damdamin ko? From heartbroken to kilig in one second. Mamatay na ba ako. Mali to eh.

Umiwas ako ng tingin, tinupi yung notr at pinasok sa bulsa ng palda ko. At ako'y nagsimula ng sumagot.

45minutes later....

Natapos ko ang testpaper nayun 15min in advance. Confident na ba ako sa answers ko? HINDI.

Yung mga items na di ko alam? I skip thru them at binalikan ng matapos ang buong testpaper at humula kong anong mas mahaba na sagot yun na yun.

(Easy. 38/50. At least 75% Lol! )

Naghintay ako na may ibang magpasa ng papel, ayokong mauna. Hahaha

Tingnan natin kung may isang magpass ng papel maraming susunod. Waiting game it is.

"5 minutes more. Finish or not finish. Pass your papers." Warning ni sir sa klase namin.

Nagsitayuan na ang lahat. At tumayo na rin ako. Inabot ko ang papel ko sa kaklase ko.

"Please pass one by one." Paannounce na sabi ni sir habang Nakasmirk at nakatingin sakin.

Pwede ko bang hiramin ang flagpole? Gusto kong pulbohin ang utak nito eh. Di ko na pinansin at nagpunta sa room ni Evelyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Ko Si Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon