Chapter 12: One month later...

5.3K 118 3
                                    

Chapter 12: One month later...

a/n: sorry for the late UD, busy lang po sa school. Maybe I'll update din tomorrow. Maybe...

●●●●●●

Agad silang napalingon sa pinaggalingan ng boses na 'yon. Agad nanlaki ang mga mata nila ng mapagsino ito.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" iritadong tanong nito.

"Ahm. We-Wendy ikaw pala 'yan?" nauutal na sabi ni Kc sa kaharap na babae. Si Wendy ay 'yung PA ni Dagon.

"Duh! Obvious ba?" maarteng sabi nito.

"So saan nga kayo pupunta? Teka diba hindi pwedeng lumabas si Elaina ng hacienda" agad silang natigilan sa sinabi nito.

"Na-naku! Dati 'yun. Actually nagpaalam nga ka-kami kay sir e" dahilan ni Kc at hinawakan ang kamay niya.

"Oh' andiyan na si Sir?" excited na tanong nito, nakita niyang napa-irap si Kc.

"Oo tsaka kanina kapa nga hinahanap 'nun" sabi nito. Agad naman itong umalis pagkatapos marinig iyon.

"Kalandi" wika ni Kc. Nagpapasalamat siya at hindi na nagtanong pa sa kanila ang babae at baka mabuko sila nito. Mabuti narin at hindi nito nakita 'yung mga bag nila.

"Halika na Elaina baka nga nandiyan na si sir" Dali-dali silang naglakad palayo roon.

"Teka Kc wala ba tayong masasakyan dito?" tanong niya medyo pagod narin siya lalo pa't masakit parin ang katawan niya.

"Meron naman ang kaso mangilan-ngilan lang baka matagalan tayo. Doon sa may kabilang kanto 'yung maraming sasakyan" wika nito. Napalingon sila sa likod nila ng may marinig na ugong ng sasakyan. Papalapit ito sa kanila.

"Kc baka 'si Dagon 'yan" hindi niya alam pero pag naiisip niya ang lalaki ay natatakot talaga siya. Wala naman kasing ibang tao ang may sasakyan na apat ang gulong rito kundi si Dagon lang dahil halos sakop ng kabuoan ng hacienda nito ang lupa sa dulo ng lugar at walang masyadong nakatira roon, maliban narin sa mga tauhan sa hacienda. Nang tingnan niya si Kc ay nababakasan narin ng takot ang mukha nito.

"Doon tayo sa talahiban magtago" turo nito sa bandang lugar na may mga matataas na talahib, agad-agad siyang hinila nito. Nagkubli sila roon at sumilip sa may kalsada.

"Kay Dagon nga 'yon" sabi niya ng makalampas sa kanila ang sasakyan alam niyang sasakyan ito ng binata at ito ang madalas gamitin ng lalaki.

"Diyosko! Hinahanap ka na niya siguro, kelangan na nating makaalis dito Elaina" sabi ni Kc halata na dito ang takot.

Nagmamadali silang umalis doon namataan nila ang isang tricycle na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Para! Manong!" sigaw ni Kc malayo pa man ang tricycle sa kanila. Huminto naman ito sa tapat nila kaya agad silang sumakay doon.

"Saan po kayo?" tanong ng mamang nag-dridrive nun.

"Sa may terminal po ng bus patungong Maynila" wika ni Kc dito.

"Ha e' Malayo pa 'yun e" sabi nito at napakamot pa sa ulo.

"Manong magbabayad kami basta dalhin niyo kami dun!" inis na sabi ni Kc.

---

One month later⇨⇨⇨

"Parang gusto kong mag-mall ngayon, punta tayo?"anyaya ni Kc kay Elaina, kakatapos lang ng trabaho nila sa isang pabrika ng damit 'yun lang ang trabahong napasukan nila lalo na ni Elaina na kahit naka-graduate ng kolehiyo, wala kasi sa kanya ang mga papel na magagamit niya sa pag hahanap sana ng trabaho sa Maynila dahil naiwan niya ito sa bahay ng tatay niya.

"Bakit may bibilhin kaba?" tanong niya dito, bihira kasi itong magyaya pupunta lang ito sa isang lugar kung may bibilhin ito.

"Wala, hindi ba pwedeng mamamasyal lang tayo? atsaka sabado na bukas wala ng pasok" sabi nito sa kanya.

"O sige na nga" sabi niya.

Sumakay sila sa isang pampasaherong jeep na tumigil sa harap nila papunta sa pinaka-malapit na mall.

"Kumain muna kaya tayo, tutal hindi pa naman tayo nakakapag-meryenda" sabi niya kay Kc na abala na sa pag-tingin sa mga clothing shop na nadadaanan nila.

"Sige sige, gutom narin ako" sabi nito at kinaladkad siya sa isang fastfood chain.

"Ako na mag-oorder okay?" Sabi nito sa kanya, tumango lamang siya bilang sagot at naghanap na ng ma-uupuan nila.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti, dahil sa lahat ng pinag-daanan niya ay makakamtam pa pala niya ang ganito kasimpleng buhay. Ito ang gusto niya simple at wala masyadong problema.

" o' eto na, dinamihan ko 'yung order dahil naalala kong hindi pala tayo nakapag-lunch kanina dahil sa baliw nating boss" sabi nito bago umupo at inilapag sa harap niya ang mga in-order nito. Marami nga itong in-order hindi na kasi sila nakapag-lunch kanina dahil sinumpong na naman ang boss nila.

Inilapag nito sa harap niya ang pagkain na dala-dala nito. Hindi niya maunawan ang pang-amoy niya ngayon bakit parang ang baho 'ata ng mga ito? tanong ni Elaina sa sarili.

"Oh' ba't di kapa kumakain, ayaw mo ba niyang mga 'yan" nguso nito sa pagkain sa harap niya.

"Ano kaba hindi." sabi niya at kinuha ang burger at kinagatan, agad siyang napatakbo sa Cr ng lugar na 'iyon dahil nakaramdam siya na parang masusuka siya.

"Ano bang nangyayari sa akin?" wika niya sa sarili na ngayon ay nakaharap sa salamin, hindi niya maintindihan 'nung nakaraan ay ganito na siya, nasusuka nalang bigla at minsan ay mabilis makaramdam ng pagod.

Matapos niyang mahimasmasan ay bumalik na siya sa upuan nila.

"Nagsusuka ka na naman? Hindi kaya may sakit ka?"tanong ni Kc sa kanya matapos niyang maka-upo, inilayo niya na lang sa harap niya ang mga pagkain na nasa harap niya dahil nawalan na siya ng gana.

"Wala naman siguro baka sa pagkain lang" simpleng sabi niya rito.

"Eh nung nakaraan pa 'yan e. Mag-pacheck-up kana kaya." suhestiyon ni Kc sa kanya, hindi niya alam na may namumuong hinala sa isip nito na maaring dahilan ng pagsusuka niya, pero dahil ayaw niyang takutin ang dalaga kaya ayaw niya munang mag-conclude.

"Hindi na, baka sa tiyan ko lang 'to" wika nito at ininom ang ice tea sa harap niya. Pero may sinabi itong nagpatigil sa mundo niya.

"Hindi kaya buntis ka?"

---

Well.

Mag Vote & comment po ☺

Tnx!

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon