Chapter 15: Untitled

4.6K 112 6
                                        

Chapter 15: Untitled

●●●●●●

"Hindi kaya magmukha tayong siraulo nito?" Tanong ni Kc sa kanya. Naglalakad sila patungo sa school niya noong siya ay kolehiyo at balak niyang kunin iyong mga credentials niya. Nakabalabal kasi sila na nakasaklob sa ulo at may shades pa.

"Ano namang masama dito?" Balik niyang tanong, naisip niya nga rin na baka nga pagkamalan silang ewan o worse baka isipin ay mga masasamang tao sila but they don't have a choice, kelangan nilang magsuot nu'n para walang makakilala sa kanila especially her.

"Saan kayo miss?" Tanong sa kanila ng guard doon.

"Ahm, may kakausapin ako sa loob dati akong student dito." Ipinakita niya rito ang isang ID, ID niya ito noong nag-aaral pa siya rito.

"Patingin nga?" Ani ni manong guard, ibinigay niya rito iyong ID niya. Halata naman kasing pinadududahan sila nito. Tinanggap nito iyon atsaka pinakatitigan.

"Teka Elaina ikaw ba 'yan?" Gusto niya sanang sapukin si manong, nalaman lang naman nito na Elaina ang pangalan niya dahil sa ID niya.

"Opo manong." Walang ganang sabi niya.

"Hindi mo na ako naaalala? Si manong Ben ito!" Nanlaki ang mata niya. Manong Ben? Hindi niya ito nakilala dahil umitim ito, but manong Ben is a great friend of her she remember those days na pinapalabas siya nito kahit bawal.

"Manong ikaw pala iyan! Musta?" Tanong niya, masaya siyang naalala pa siya nito.

"Okay lang, oo nga pala 'yung tatay mo nagpunta rito at hinahanap ka." Sabi nito na ikinatigil niya. How come? At bakit siya hinahanap nito edi ba wala na itong pakialam sa kanya.

"Kelan po?" Tanong niya, she want to know. Tiningnan niya si Kc na halatang inip na inip na.

"Matagal na iyon. Teka nakabalik ka na ata sa inyo e'." Nginitian niya na lang ang madaldal na matanda.

"Manong pasok na kami, nagmamadali rin po kasi kami e'." Wika niya at pagkuway hinila si Kc papasok.

"Kaloka si Manong! Ang daldal niya ha!" Wika ni Kc. Pagpasok pa lang nila ay pinagtitinginan na dila ng mga estudyante sa loob. Agad niyang hinila si Kc sa isa sa mga building doon, kung saan makikita niya ang pwede niyang kausapin about doon sa ipinunta niya.

Kumatok sila sa isang pintuan na naroroon.

"Come in." Ani ng nasa loob, kaya naman pumasok na siya kasama si Kc. Tinanggal niya ang shades niya at ang inilagay niya sa ulo niya kanina. Tila nagulat ito ng mamukhaan siya

"Elaina, long time no see." Wika nito, kilala siya nito dahil isa ito sa may hawak ng mga scholars ng university nila. And those scholars ay kasama siya kaya naman hindi niya na ipinagtaka na kilala parin siya nito kahit na ang tagal ng panahon na hindi sila nagkita.

"Ma'am Olivares kumusta po?" Tanong niya rito.

"I'm fine, take a sit." Umupo siya sa kaharap na upuan nito, magibg si Kc ay umupo rin sa tabi niya.

"So, what can I do for you?" Tanong nito.

"I want to have a copy of my school credentials especialy my TRO ma'am." Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

"You already have your copy right? Right after your graduation. We already gave you that." Wika nito.

"Ma'am, na-nasunog po lahat. I am actually hoping that I can have another copy of it." Wika niya, gusto niya pang batukan ang sarili dahil sa pagsisinungaling niya. But what she can do? She don't have a choice but to lie to her. Ayaw niyang malaman nito 'yung tunay na rason niya.

"Goodness! Paano nangyari yu'n? Hindi ba ang kabilin-bilinan namin sa inyo is to secure it!" Sabi nito

"Sorry Ma'am for this inconvenience ma'am, but I do really need it." Wika niya. Kung kelangan niyang magmakaawa sa ginang ay gagawin niya.

"I will give you another copy but it would be the last Elaina." Mariin na wika nito. Napangiti siya at napatango-tango.

"Ma'am may favor pa po sana ako." Sabi niya, alam niya hindi kaagad maproprocess ang mga ito pero ayaw niya ng bumalik rito kaya naman hihingi na lang siya ng pabor sa babaeng nasa harap niya.

"What is it?" Tanong nito.

"Ma'am pwede niyo po bang ipa-LBC na lang papunta sa-"

"What?! Elaina baka nakakalimutan mong professor ako rito, ako pa talaga ang uutusan mo?" Galit na wika nito, napalunok siya kelangan niya itong makumbinsi.

"Ma'am Olivares, sa Maynila na kasi ako nakatira ngayon. Isang araw lang ang mailalagi ko rito tsaka ma'am mahal ang pamasahe papunta rito kaya 'ho naisipan ko na pwede namang ganun na lang ang gawin." Nangongonsensyang wika niya. She need to do this for her son. Napailing na lang ito sa kanya.

"Fine! Pero ikaw magbabayad for the fee o kung ano man ang ibabayad doon." Wika nito, napangiti siya ng malaki.

"Yes! Thank you po talaga ma'am. Ito po ang address ko."

---

Ngiting-ngiti siya habang palabas sa eskwelahan niya dati. Matutupad narin ang pangarap niya plus mabibigyan niya na ng maginhawang buhay ang anak.

"Naku kung ako si Ma'am Olivares sinapak kita, aba! kung makapag-utos ka ha!" Sabi nito sa kanya.

"No choice ako tsaka ayoko ng bumalik dito. Tska pumayag namn siya diba?"

"Feeling ko sipsip ka noong nag-aaral kapa rito." Wika nito sa kanya. Agad niyang hinampas ang balikat nito.

"Hoy! Pinaghirapan ko iyon ano." Wika niya. She graduated with flying colors, she is a summa cumlaude with an architectural  degree. And she already took licensure examination and she made it at top 3. Masaya siya noon, seeing her parents with proudness in their face is the best achievement that she had pero nagbago 'yun noong mamatay ang ina niya.

"Umuwi na nga tayo namimiss ko na ang baby ko!" sabi niya ngunit bigla siyang naitulos sa kinatatayuan niya ng makita ang isang pamilyar na lalaki na bumababa sa sasakyan nito.

---

Sorry for the typo's.

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon