Chapter 11: After

6.5K 108 4
                                        

Chapter 11: After

●●●●●●

"Elaina?! Elaina?" tawag ni Aling Miranda sa labas ng kwarto ng dalaga. Hindi pa ito lumalabas ng kwarto nito kaya nag-aalala na siya. Alam niya rin na may hindi magandang ginawa si Dagon sa dalaga kaya naman kinakabahan siya para rito.

"Nay, naka-lock po ito" ani ni Kc na kagaya ng matanda ay kinakabahan narin tanghali na at hindi pa ito lumalabas.

"Kunin mo iyong duplicate keys. Dali!" sabi niya, dali-dali naman na umalis ai Kc para kunin ito. Napamahal narin sa kanya ang dalaga matagal na kasi itong naririto aa mansyon at batid niya na mabuti itong bata pilit niyang pinapaunawa sa kanyang alaga na si Dagon na walang kinalaman ang dalaga sa kasalanan ng ama nito.

Alam niya kung bakit naririto ang dalaga sa kanila gusto itong pahirapan ng alaga ng sa ganun ay makapaghiganti ito sa ginawa ng ama niya. Hindi niya magawang sumbatan ang binata dahil saksi siya sa paghihirap na dinanas nito noon.

"Nay ito na po" hinihingal na sambit ni Kc, agad niyang kinuha ang susi mula rito.

Nang mabuksan nila ang pinto ay ganun na lang ang habag na naramdaman nila para sa dalaga. Nakahiga ito sa kama, nakatulala ito sa kisame at umiiyak. Nakita ng matanda ang pamamaga ng kaliwang pisngi nito.

"Hija? okay ka lang ba? Anung ginawa ni Dagon sayo?" usal niya nang makalapit siya rito, nakasunod lang sa kanya si Kc.

Hindi siya sinagot ng dalaga parang bingi ito tila hindi rin nito ramdam ang presensya nila sa loob. Napatingin siya sa may kobre kama ganun na lang ang panlalaki ng mata ng matanda ng makitang may dugo iyon.

"Diyos ko!" bulalas niya lalo pa at napagtanto niyang hubad ang dalaga sa ilalim ng kumot na iyon sigurado siyang ginalaw ito ng binata. Hindi niya akalain na magagawa ito ng lalaki.

"Nay , anung ginawa sa kanya ni sir Dagon?"malungkot na tanong sa kanya ni Kc, batid niya na nahahabag ito sa kalagayan ng dalaga sino ba naman ang hindi may mga pasa ito sa katawan at sa mukha. Isa pa ay magkaibigan ang turing nito sa isa't-isa. Hindi alam ni Kc ang totoong istorya ng pamamalagi ni Elaina rito. Ang alam niya lang ay may malaking kasalanan ang pamilya nito sa kanyang binatang amo.

"Mamaya na natin iyan pag-usapan, halika tulungan mo ako" sabi ni Aling Miranda habang inaalalayan sa pagtayo si Elaina. Hindi man lang magawang magsalita ng dalaga tahimik lang itong umiiyak.

Dinala nila ito sa banyo at nilinisan matapos niyon ay pinagbihis nila ito.

"Kailangan niyong umalis rito Kc" sabi ni Along Miranda, napatigil ang dalaga sa pagsusuklay na ginagaw nito kay Elaina.

"Po?"tanong niya.

"Kailangan niyong umalis rito, samahan mo si Elaina sa pagtakas niya. Hindi natin alam ang susunod na gagawin ni Dagon sa kanya" sabi niya.

Tiningnan ni Kc ang kaibigan naaawa siya dito ang bait-bait niti sa kanya at napakamasayahin. Hindi problema kung aalis siya dito dahil wala naman siyang sinusuportahang pamilya ulila na siya. Naatango na lang siya sa matanda.

"Magmadali ka, ayusin mo na 'yung mga gamit mo. Mamayang gabi tutulungan ko kayong makaalis dito." sabi ng matanda nasa boses nito ang pinalidad.

"Pero paano si Sir ?" tanong ni Kc.

"Hindi siya makakauwi mamaya dahil may inaasikaso siyang problema sa kanyang trabaho. Ang problema lang natin ay ang mga guards sa labas na mahigpit niyang pinagbabantay.

"Aalis kami dito nay. Tutulungan ko si Elaina" para narin niya kasing kapatid ang babae.

"Elaina, itatakas kita dito" sabi niya sa dalaga sa tabi niya na tahimik na naka-upo sa may kama.

"sa-salamat sa inyo" sabi nito, nanlaki ang mata nila na mapagtantong hindi naman pala ito nakatulala lang, nakikinig pala ito sa kanila.

Matapos niyon ay dali-daling iniligpit ni Kc ang kanyang mga gamit habang si Aling Miranda naman ay nagmamasid sa maga nakabantay sa labas.

"Dalian niyo, pinakain ko ang mga bantay sa may likod tayo dadaan dahil walang nakabantay doon" tumango lang si Kc at Elaina kung kanina ay walang kabuhay-buhay ang dalaga ngayon ay puno ng determinasyon ang mukha ang mukha nito.

Ingat na ingat silang lumbas sa likod bahay. Tinahak nila ang malawak na lupain sa loob ng hacienda, kahit nakalabas na sila ng mansyon ay alam nila na hindi parin sila ligtas.Kaya naman binilisan nila ang lakad. Balot na balot ang kabuoan ni Elaina para hindi ito makilala kung saka-sakali.

Nang makarating sila sa may main gate ay ganun na lang ang kaba ng tatlo may nakabantay kasi doon at alam nilang mahihirapan silang makalabas doon.

"Na-nay?" tiningnan ni Kc ang matanda maging ito ay naguguluhan narin.

"Lilituhin ko sila, pag nakita niyong nakabaling na ang atensyon nila sa akin ay magmadali kayong lumabas.

"Pero paano po kayo?"tanong ni Elaina ayaw niyang iwan ang matanda napakabuti nito sa kanya.

"Hindi ako pwe-pwedeng umalis dito" sabi nito. Alan ni Elaina na kaya ayaw umalis nito ay dahil sa alaga nitong demonyo.

"Mag-iingat po kayo" sabi niya.

"Kayo ang mag-ingat. Alam kong magiging mabuti ang pagsasama niyo paglabas niyo rito. Maging mabuti kayo sa isa't-isa.

"nay mamimiss ka namin" ani ni Kc na umiiyak narin. Tinuturing niya na kasing ina ito kaya mahirap narin para sa kanya ang mapalyo rito.

"Mag-iingat kayo." ayon lang at iniwan na sila nito, naktanaw sila rito habang naglalakad itong patungo sa mga bantay, kina-usap ito ng matanda ng mapagtanto nilang masyado ng busy ang bantay sa pakikipag-usap sa matanda ay saka sila mabilis na lumabas ng gate.

Nagtatakbo pa silang dalawa para makalayo roon nang mapansin nila na medyo malayo na sila sa hacienda ay tsaka bumagal ang paglalakad nila.

Niyakap ng mahigpit ni Elaina si Kc.

"salamat, salamat talaga" wiika niya rito.

"ano kaba ! 'wla iyon?! Tsaka gusto ko narin umalis doon ng malaman ko ang ginawa sayo ni Sir Dagon" sabi nito, napaiwas siya ng tingin ng marinig ang binanggit nito na pangalang. Kinamumuhian niya ang demonyong iyon, isinusumpa niya ang lalaki.

"sorry. Hayaan mo last na 'yun na babangitin ko ang pangalan niya" napangiti siya sa kaibigan, hindi niya akalain na matapos ng mga nangyari sa kanya ay makakakita pa siya ng pag-asa at dahil iyon sa mga taong nagmamalasakit sa kanya.

"salamat" niyakap niya itong muli at gumanti rin ito ng yakap sa kaniya.

Naghiwalay sila ng may marinig silang nagsalita sa may likuran nila.

"At sa'n kayo pupunta?"

---

Vote and comment.

Thanks for reading!

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon