Chapter 30: Moving in
°•°•°•°
Agad niyang napansin ang naglalakihang bahay mula ng makapasok sila ng subdivision. Ngayon na sila lilipat ni Nyro sa bahay ni Dagon. Nagpaalam siya kay KC kahapon at mangiyak-ngiyak ito kanina ng iwan nila ito.
Magkakatabi sila sa passenger seat ng kotse. Halata sa anak niya na excited ito.
Tumigil ang sasakyan sa isang puti na bahay na may brown na fence. Sobrang ganda ng bahay, hula niya ay isang mahusay na arkitekto ang may gawa nito. Pinagbuksan sila ng guard ng gate. Nang mai-garahe na ang sasakyan ay bumaba na sila. Nakita niyang nagtatalon si Nyro na nakahawak sa ama nito. Halatang hindi nito maitago ang excitement.
"The Maid will do that." Sabi nito sa kanya ng akmang kukunin niya ang mga gamit nila.
Wala na siyang nagawa at sumunod na lang dito. Pagkapasok sa loob ng mansiyon ay hindi niya napigilang humanga sa ganda nito. She' can't describe how beautiful the house is.
"We should eat lunch. Nagpahanda na ako kanina." Sabi nito, tumango lang siya at sumunod sa dalawa na hula niya ay patungo sa dining area.
The dining table is for 12 person. Naupo si Dagon sa pinaka-dulo at pina-upo nito si Nyro sa kanan nito. Wala na siyang nagawa ng tingnan siya nito. Naupo siya sa may tabi ni Nyro. Nagsimula na rin ang mga house helps na mag-serve ng food. She can see Nyro's happiness, at halatang takam na takam ito sa mga pagkain na nasa harap nila.
"Papa is that all for us? Bakit ang dami?" Tanong nito kay Dagon.
"Yes, para sa atin yan lahat. Eat all you can okay?" Sabi nito, nakita niyang tumango ang anak bago bumaling ang tingin nito sa kanya.
"Mama are you okay?" Tanong nito sa kanya.
"Oo naman." Sabi niya at nginitian ito ibinaling niya ang tingin niya kay Dagon at nakita niyang nag-iwas ng tingin ito.
"Mama, sandok mo ako." Sabi sa kanya ng anak.
Pinag-sandok niya ito ng kanin.
"Anong gusto mong ulam?" Tanong niya dito.
"That and that and that." Turo nito sa ulam na mag-kakaiba kaya napakunot ang noo niya.
"Mauubos mo ba yan?" Tanong niya dito.
"Let him, ano ngayon kung hindi niya maubos?" Masungit na tanong sa kanya ni Dagon kaya inirapan niya lang ito at ikinuha ang anak ng ulam na tinuro nito. May feel siya na maiispoil ang anak sa ama nito.
Maging siya ay nagsandok narin ng kanin para sa kanya at kumuha ng pork steak para sa ulam niya, akmang susubo na siya ng magtanong si Nyro sa kanya.
"Mama, bakit hindi mo sinandok si papa?" Tanong nito sa kanya, napatingin siya kay Dagon at sa plato nitong walang laman. Wala siyang nagawa kundi ang lagyan din ito ng kanin sa plato nito.
"Anong ulam mo?" Tanong niya.
"Menudo." Sabi nito sa kanya. Ang siraulo! Sumagot pa talaga hindi na lang kinuha 'e nasa harap niya lang.
Wala siyang nagawa na kinuha ito at pinaglagay siya sa plato. Akmang susubo na naman siya ng pigilan siya ng anak niya.
"Mama, we should pray first." Sabi nito sa kanya. Nginitian niya na lang ang anak.
"Dear Papa God, thank you for the food today. And thank you that mama and papa is here, amen." Sabi nito.
Matapos nilang magdasal ay nagsimula na silang kumain, hindi niya na lang tiningnan si Dagon dahil baka mawalan pa siya ng gana sa pagkain.
---
"Mama diba dapat same room lang tayo ni Papa?" tanong ni Nyro sa kanya habang nagsasalansan siya ng mga damit nila sa closet, sa kwarto na ibinigay sa kanila ni Dagon.
"Hindi naman, saan mo naman nalaman yan? Tsaka Papa is busy kaya may sarili siyang room." Sabi niya na lang, ayaw niya lang talaga ng topic about Dagon.
"Mama, diba sabi mo mag-oocean park tayo? Ocean park na tayo mama kasi andito na si papa." Kulit nito sa kanya. Tiningnan niya ang anak na ngayon ay nakahiga sa malambot na kama nila.
"Hindi muna sa ngayon baby, alam mo naman na medyo busy si mama diba?" Malambing niyang sabi dito. Tumayo siya matapos maligpit ang lahat ng damit nila, medyo nanakit nga ang likod niya dahil sa dami ng damit na niligpit niya. Kanina may nag-offer naman na tulong mula sa kasambahay ni Dagon kaso tinangihan niya na lang dahil kaya niya naman na.
"Pero gusto ko na tagalang pumunta doon mama, gusto ko nang makita 'yung mga fish doon." Sabi nito habang nakanguso pa.
Lumapit siya sa kama at nahiga sa tabi nito, agad naman itong yumakap sa kanya.
"Promise makakapunta tayo doon, pero ' wag muna ngayon kasi busy pa si mama e'." Sabi niya na lang, naghanap na lang siya ng alibi sa anak ang totoo kasi hindi niya alam kung paano sasabihin sa demonyong ama nito ang hiling ng anak niya.
"Okay I understand, but mama promise ha? Pupunta tayong tatlo doon ni papa?" Sabi nito.
"Oo naman." Ngiwing sagot niya sa anak.
"O' goodnight na, sleep na tayo. Antok na ko e'" Sabi niya at hinalikan sa noo ang anak.
"Goodnight ma-"
Tok! Tok! Tok!
Rinig nila na katok sa mula sa pinto ng kwarto nila.
"Ako na po mama!" Sigaw ng anak niya tsaka nagmamadaling binuksan ang pinto. Hindi na siya nag-abala na tumayo dahil baka isa lang ito sa kasambahay ni Dagon.
Bigla siyang napa-upo ng makita kung sino ang pumasok sa kwarto nilang mag-ina at sa sinabi ng anak niya.
"Mama, dito matutulog si Papa!"
---
A/n: Sorry for the errors. Sorry for the late UD. Nahirapan lang akong dugtungan ung last part. Anyways, Vote and comment means a lot to me.
BINABASA MO ANG
Trapped with Him
RomanceTrapped with Him Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system...