Chapter 16: Where's Papa?
●●●●●●
"Okay ka lang ba Elaina? Kanina kapa walang imik diyan." Tanong sa kanya ni Kc, kakarating lang nila sa bahay na tinutuluyan nila.
Hindi niya makalimutan ang masayang mukha ng ama niya kanina para itong walang problema. Napangiti siya ng mapait na isipin na wala ng pakialam ang ama niya sa kanya. 'Ni hindi nga siguro siya nito hinanap noong nawawala siya. Ofcourse bakit nga naman siya hahanapin nito kung umalis siya ng kusa matapos mailibing ang ina, sino ba naman ang hindi kung dinala na nito ang babae nito sabahay nila na matanda lang siguro sa kanya ng iilang taon. Galit siya sa kanyang ama, kung hindi dahil dito ay hindi mawawala ang ina at hindi siya makakaranas ng pasakit mula sa ibang tao.
"Okay lang ako." Wika niya sa kaibigan at tumuloy na sa silid niya. Doon nakita niya ang anak na natutulog sa gitna ng kama nila nakita niya rin si Aling Nita-ang kapitbahay nilang nagbabantay kay Nyro. Isa itong matandang dalaga na parang ina na nila ni Kc, kapit-bahay lamang nila ito at nag-iisa na lang sa buhay.
"Elaina, nandito kana pala kanina kapa hinahanap ng makulit na 'yan." Turo nito sa anak niya na mahimbing na natutulog.
"Naku, pasensya na po Nanay Nita." Hingi niya ng paumanhin, pinakiusapan niya lang kasi itong magbantay sa anak.
"Naku hindi okay lang, tsaka kahit makulit yan ay mabait parin naman 'yan. Tsaka alam mo naman na wala na akong magawa sa bahay kaya mas gusto ko ang bantayan si Nyro." Napangiti siya sa sinabi nito, lagi kasi itong nagvo-volunteer sa pag-aalaga sa anak niya tuwing may lakad siya maging noong may trabaho pa siya. Binibigyan niya nga ito ng pera minsan ang kaso ay tinatanggihan naman nito.
"Salamat po Nay." Ngumiti lang ito sa kanya at nagpaalam na dahil may labahan pa daw ito.
Nilapitan niya ang natutulog na anak, napangiti siya, mabibigyan niya na ng mas maayos na buhay ang anak niya, alam niya na makakahanap agad siya ng trabaho oras na makuha niya ang mga credentials niya.
---
Nang makuha niya agad ang kanyang mga credentials ay agad siyang naghanap ng kompanya ng kanyang ma-aaplayan.
"Were going to call you for the feedback." Ani ng nag-interview sa kanya. Tinanguan niya lang ito at nagapaalam ng aalis. Malaki ang ngiti niya paglabas ng kompanaya. She's confident that she will have that job.
Pumunta muna siya sa isang fastfood chain para bilhan ang anak niya ng paborito nitong cheese burger. Namalengke narin siya para sa kanila.
"Mama!" Masayang salubong sa kanya ng anak niya. Binaba niya muna ang kanyang mga pinamili para mayakap ang anak.
"How's my baby?" Tanong niya at hinalikan ito sa pisngi.
"I'm okay. But it's kind of bored here." Sabi ng anak niya na naging dahilan ng pagtaas ng kilay niya.
"Wow naman. Buti at hindi ka na naman nagliwaliw diyan sa labas." Lagi kasi itong lumalabas ng bahay nila pag iniiwan niya ito at ang rason dahil bored daw siya.
"Eeh. Because I promise to you na hindi ako lalabas." Nakangusong sabi nito. Kinuha niya muna ang mga pinamili niya at binibit ito patungong kusina.
"Com'on baby. I bought your favorite." Sabi niya na naging dahilan ng paglapit ng anak niya at kumikislap pa ang mga mata na umupo ito sa upuan.
"Here." Sabi niya at nilapag sa harap nito ang burger at isang inumin.
"Did you get the job Mama?" Tabong nito sa gitna ng pagnguya.
"Not yet. But I'm sure na makukuha ni Mama 'yun." Sabi niya dito ng nakangiti.
"Where's your tita Kc?" Tanong niya.
"She left an hour ago." Sabi nito. Tumango-tango siya. May trabaho naman kasi si Kc kaya naiintindihan niya ito.
"Mama? Kelan tayo pupunta dun sa park ng mga isda?" Tanong nito.
"Hindi pa sure ang mama. Diba nga wala pa akong work?" Tumango-tango ito habang nakanguso. Halatang hindi nagustuhan ang sagot niya.
"Basta promise ni Mama na pupunta tayo doon." Dagdag niya.
"Mama may tinanong sa akin si Kuya Peter"sabi nito, tinutukoy nito 'yung kapitbahay nila.
"Ano naman 'yun?" Tanong niya habang naghihiwa ng gulay. She's thinking of cooking siningang for their lunch.
"Baka magalit ka ey." Tiningnan niya muna ito bago nagbalik ng tingin sa hinihiwa niya.
"Why would I?" Ano ba 'yun.
"He's asking for my Papa. Mama where's papa?" Tanong nito na naging dahilan kung bakit niya nabitawan ang kutsilyo na ahawak niya.
---
Sorry for errors.
Vote & comment.
BINABASA MO ANG
Trapped with Him
RomanceTrapped with Him Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system...
