Chapter 4: Laundry
●●●●●●
Tok! tok!
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa aking kama para buksan kung sino man ang kumakatok. Pagkabukas ko dito bumungad sa akin ang mukha ni KC-isa rin siyang kasambahay ni demonyo. I don't know kung paano sila nakakatagal sa malademonyo nilang amo!
"ahm Elaina, sabi ni sir ikaw daw ang maglaba ng mga da-"hindi ko na siya pinatapos nung marinig ko pa lang 'yung maglaba ay talaga namang nagpantig agad ang tenga ko. Okay I know how to do laudry pero siya ipaglalaba ko? Wow hindi lang pala sa pananakit sa akin ang balak niyang gawin dahil gusto niya rin akong gawing alipin.
"what?!" napaatras naman si KC dahil sa pagsigaw ko.
"sabi kasi ni sir e'' pilit kong pinakalma ang sarili ko, he's doing this on purpose gusto niya akong mahirapan ng sobra dahil narin siguro sa ginawa ko kagabi sa kanya or maybe 'yung rason niya kung bakit ako nandito and for the fact na hindi ko alam ang dahilan niya ay nakakapang-galaiti ng sobra.
"okay" waang ganang kong sabi, para namang may magagawa ako sabi nga niya pag may inutos siya ay kailangan kong sundin kagaya nung nakaraang ara na sinabihan niya akong maglinis ng bahay niya at hindi ko ginawa ay inakyat niya pa ako dito at pinagsasabihan ng kung ano at in the end ay susundin ko dahil baka mapagbuhatan niya na naman ako ng kamay.
"doon tayo sa may garden maglalaba" sabi sa akin ni KC. Garden?
"Garden? Hindi ba't may laudry room siya dito?" tanong ko, kelan pa naging laundry area ang garden niya ang alam ko may laundry room naman siya.
"sabi kasi ni sir Dagon Elaina eh'. Sabi niya nga rin na hindi ka pwe-pwedeng gumamit ng washing machine"nakangiwing sabi niya.
"Walanghiya talaga 'yang amo mo eh nu!" inis kong sabi.
"ha? Mabait naman po si sir eh', hindi ko nga alam kung bakit siya ganto sa inyo"sabi niya, napailing na lang ako. So sa akin lang siya ganito? O' well, bakit nga ba ako naririto?
Nang makarating kami sa garden ay nakita ko na ang mga labahin, at mga damit nga niya ito. Umupo ako sa maliit na upuan katapat noon ang batya na may tubig na.
"ahm' Elaina sabi nga pala ni Sir kailangan daw maging malinis 'yung mga damit niya"sabi nito sa akin nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Hindi mo ako tutulungan?" tanong ko.
"Eh' gusto ko nga sana ang kaso sabi ni Sir 'wag ko raw kayong tulungan eh. Sorry Elaina"napatango na lang ako sa kanya, agad rin naman siyang pumasok sa loob at iniwan ako.
Demonyo talaga siya! Nilagyan ko na ng powder soap yung batya na may tubig. Kumuha ako ng damit at kinusutan ko iyon. Kapal ng mukha niya!? Demanding pa siya dahil kailangan daw malinis. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaba ng may makuha akong maliit na tela. Ano to?! Hindi ko muna ito sinabunan dahil sinisipat ko pa kung ano ito.
O__O
''Wag mo naman masyadong titigan 'yang brief ko?! Don't tell me you want that?"nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung si Dagon the Demonyo pala ay nasa harap ko, nakaupo siya sa swing at obviously nakita niya akong pinagmamasdan ko ang brie-brief niya?! I don't know, hindi ko alam na underwear pala iyon kasi iba 'yung itsura . Tsaka?! Teka!
"Bastos ka! Bakit ako paglalabahin mo niyang brie- underwear mo?!" sigaw ko sa kanya, No! hindi ko lalabhan 'yun at gamit pa ang kamay ko.
"As if you have a choice" he said na may nakakapikong ngiti sa mukha niya.
"No, hindi ko lalabhan iyan!" sabi ko sa kanya at tumalikod, kapal naman ng mukha niya isinuot niya iyon sa "ano" niya tapos ako paglalabhin niya at gamit ang kamay ko? Okay sana kong may washing machinne akong gamit ang kaso wala.
"Fine, then you're not going to eat your dinner later"sabi niya. Agad naman akong napalingon sa sinabi niya. Susme! magugutom na naman ako?!
"Demonyo ka talaga!"
"I already know that" sabi niya habang kampanteng nakaupo sa may swing hawak-hawak ang ipod niya. Napailing na lang ako at bumalik sa paglalaba, siyempre kung papipiliin ako ay 'yung pagkain ang pipiliin ko ang sarap kasi ng luto ni Nanay Miranda.
Kahit diring-diri ako sa underwear niya ay pinilit ko parin itong kusutan, hindi ko nga alam kong ilan ang mga ito.
"Tss. Don't act like it's the most disgusting thing that you ever hold in your life" sabi niya, hindi ko napansin na kanina niya pa pala tinitingnan ang ginagawa ko. Feeling ko ganti niya lang ito sa sinabi ko sa kaniya 'nung nakaraang araw e'.
"eh' pano ba naman may ibang amoy 'to pano hindi ako mandidiri?"sabi ko sa kanya at umarte pa akong mabaho talaga, well hindi naman siya mabaho wala ngang amoy, pero mga Hoy! hindi ko siya inamoy okay? Nalukot naman ang gwapo niyang mukha dahil sa sinabi ko, Gwapo? Did I just say that? Pwe!
"what?!"inis niyang sabi.
"anong what?! Amoyin mo pa!" sabi ko sa kanya at itinaas yung brie--underwear niya, actualy natatawa na ako lukot na lukot na kasi 'yung mukha niya.
"Don't you ever make fun of me!"nagbabanta niyang sabi at matalim akong tiningnan, kita mo 'to!
"Joke lang...ito naman hindi mabiro" mahinang sabi ko, well hindi ko nga alam kong bakit nakikipagbiruan pa ako sa demonyong 'to samantalang nasaktan at napahirapan niya na ako't lahat-lahat.
---
Thanks.
VOTE & cOMMENT po sana.
BINABASA MO ANG
Trapped with Him
RomanceTrapped with Him Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system...
