Chapter 14: Nyro

4.9K 113 1
                                    

Chapter 14: Nyro

a/n: 4 years agad-agad . RODZIKADOOPZKI here's my update as I said yesterday.

●●●●●●

4 years later...

"Nyro! Nyro!" Sigaw ni Elaina mula sa loob ng bahay nila, kakarating niya lang kasama si Kc, kakatangal niya lang kasi sa trabaho na matagal na niyang pinag-tratrabahuan. Hindi na kasi naging maganda ang operation nito kaya naman nagsara na. Iniwan niya ang anak sa loob ng kanilang bahay at mahigpit na pinagbilin na huwag itong aalis, pero pagdating nila ay wala ito sa loob ng bahay kaya naman ganito nalang ang pag-aalala niya.

Humahangos ang lalaking bata papunta kay Elaina tila takot na takot ito sa boses ng ina. Muntikan pa siyang matawa ng makitang nakayapak ito at hawak-hawak ang maliliit na tsinelas sa kamay nito. Siguro dahil sa pagmamadali ay hindi na ito nakapag-suot ng tsinelas nito.

"Mama"sabi nito na nakayuko tila handa na na mapagalitan ng ina.

"Anong sinabi ko sayo? Diba sinabi kong dito ka lang?"sabi ni Elaina sa anak, nag-alala kasi siya ng hindi niya ito madatnan sa loob ng bahay. Pero ano pa nga bang maasahan niya sa makulit na nilalang na nasa harap niya?

"Sorry mama, e' kasi naglaro kami ni kuya Peter sa kanila e" sabi nito na ang tinutukoy ay ang kapit-bahay nilang laging kalaro nito.

"Pero anong sinabi ko sayo?" Galit-galitan niya paring kausap dito. Ngumuso ito bigla.

"Sorry na mama" sabi nito at niyakap ang bewang niya.

"Ang kulit-kulit mo talaga!" Sabi niya dito at kinarga ito. Nyro Levin Dominguez is her 3 and 1/2 years old baby boy.

"Halow baby!" Bati ni Kc sa anak niya atsaka ito hinalikan. Kakalabas lang nito sa kwarto nito para magpalit ng damit.

"Tita, where's my pasalubong?" Tanong nito.

"Nandoon sa may sala" sabi nito sa anak niya.

"Mama, baba mo ko" utos nito sa kanya, kung hindi niya lang 'to anak ay napitik niya na ang noo nito dahil sa pag-uutos sa kanya. Wala naman siyang nagawa at ibinaba na ito. Pagkatapos ay dali-dali itong tumakbo papunta sa may sala.

"Sa'n yun galing?" Tanong ni Kc sa kanya habang nakanguso sa anak niya.

"Sa kapit-bahay kanila Peter nakipag-laro daw siya." Sabi niya.

"Pano ba naman kasi iwan mo ba naman dito mag-isa?"

"Eh kanino ko naman iiwan iyan? Ligtas siya dito sa loob sadyang makulit lang talaga iyan." Napapailing siya habang sinasabi iyon.

"Makulit talaga!" Sabi nito at natawa.

"Magpapalit na muna ako ng damit" paalam niya rito atsaka pumasok sa kwarto nilang mag-ina.

Agad siyang nagpalit ng damit at humiga sa kanyang kama. Ang haba ng araw na ito para sa kanya. Hindi niya aakalain na basta na lang siyang mawawalan ng trabaho, wala rin naman siyang magagawa dahil desisyon na ng may-ari ng firm na pinagtratrabahuan niya na magsara. Kailangan niyang makahanap agad ng trabaho dahil ayaw niya namang humingi na naman ng tulong sa kaibigan niya, masyado na itong maraming naitulong sa kanya simula pa 'nung pinagbubuntis niya si Nyro. She need to find a job immediately, para rin ito sa anak niya.

Napatingin siya sa may pintuan ng marinig niyang bumukas ito. Nakita niyang pumasok dito ang anak niya, nakanguso ito at nakasimangot ang mukha.

"What happened baby?" Tanong niya, nagtataka siya kung bakit parang inis na inis ito. Sumampa ito sa kama at niyakap siya.

"Mama kinagat ni tita 'yung finger ko" sabi nito at pinakita sa kanya ang maliit at namumulang daliri nito. Muntikan na siyang matawa, pinangigigilan kasi ito lagi ni Kc, one time ay nagsumbong itong kinagat ng tita niya ang pisngi niya.

"Hayaan muna, you're just too cute lang daw."

"Hindi naman food ang fingers ko 'e. She always do that." Sabi nito.

"Shh. Mahal ka lang ni Tita." Sabi niya, kita niyang napanguso ito.

"Mama, punta tayo doon sa manila ocean park." Napataas ang kilay niya, kanino na naman kaya nito nalaman ang lugar na iyon?

"At kanino mo naman nalaman yang place na 'yan?" Tanong niya, mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Kuya Peter, he said there are lots of fish in there. Sige na mama, punta tayo." Sabi nito. Ngayon pa talaga nag-yaya ito kung kelan natanggal siya sa trabaho.

"Ofcourse pupunta tayo. But soon okay?" Sabi niya dito, tumango lang ito sa kanya.

"Basta mama, promise mo 'yan."sabi pa nito. Napakunot ang noo niya, teka? Hindi naman siya nag-promise.

"Oo na, halika na mag-luluto na si mama." Tumayo na siya, agad rin itong bumangon sa pagkakahiga nito at nagpabuhat sa kanya.

"Ang big big muna nagpapabuhat kapa." Sabi niya habang lumalabas sa kwarto nila.

"Small pa ako." nakakunot noong sabi nito.

"Hallow baby!" Bati ni Kc, nakita niya itong nanonood ng tv sa sala.

"Doon ka muna kay tita, magluluto muna si mama." Sabi niya dito, ibaba niya na sana ito sa sofa na kinakaupuan din ni Kc ang kaso ay ayaw bumitaw nito sa pagkakakapit sa leeg niya.

"Baby, baba na." Lalong humigpit ang pagkakapit nito sa leeg niya.

"Ayaw!!! Kakagatin na naman ako ni tita." Nakangusong sabi nito habang umiiling-iling pa.

"Naku! Hindi na baby, look may chocolate si tita for you." Sabi ni Kc at pinakita ang isang box ng chocolate sa anak niya.

Agad naman itong umalis sa pagkakakapit sa leeg niya at lumapit sa tita nito. Napailing na lang siyang iniwan ang mga ito sa sala at nagpunta sa kusina, basta talaga chocolate.

Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto ng pumasok si Kc sa kusina.

"Tinawagan ko si Carl kanina tinanong ko kung may bakante sa factory ang kaso ay wala" sabi nito sa kanya, yung Carl na sinasabi nito ay 'yung dating amo nila sa clothing factory na pinagtratrabahuan nila na ngayon ay boyfriend na ng kaibigan niya.

"Okay lang, makakahanap naman siguro ako. Itra-try kong mag-apply sa mga kompanya." Sabi niya rito habang hinahalo ang niluluto niya.

"Nagtanong nga rin ako kanina sa boss ko kung may vacant ba, ang kaso ay wala daw." Dagdag pa nito, nagtratrabaho kasi ito sa isang law firm bilang isang assistant ng may-ari nu'n.

"Okay lang ano kaba. Makakahanap naman ako siguro."

"Ano kaya kung kunin mo 'yung mga credentials mo sa dati mong school? Mas mapapadali 'yung paghahanap mo ng trabaho plus mas mataas ang makukuha mong posisyon kung sakaling mag-aaply ka sa isa sa mga kompanya dito." Sabi nito, matagal niya narin naisip iyon, pwepwede naman siguro siyang makakuha ng panibagong kopya sa school niya dati. Ang kaso ay mahirap sa kanyang balikan ang lugar na gusto niya ng kalimutan lalo na't nandoon ang isa sa taong kinamumuhian niya.

---

Vote & Comment ♡

Aneweys thank you for those readers who voted every part of this story. Salamat po.

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon