Chapter 19: Fear
●●●●●●
Kinakabahan siya today. This is the day na ma-memeet niya ang Boss niya, obviously she's very nervous right now. Oo nga't pinaghandaan niya talaga ang araw na ito maging ang ayos niya. She wants to look presentable and formal today, ang kaso ay hindi niya maiwasan na kabahan. What if hindi nito magustuhan ang design niya? Yun ang ayaw niyang mangyari.
"Ikaw lang pala ang i-memeet ni sir ngayon" sabi ni Cara sa kanya, she works in her team.
"Ha?! Bakit naman daw?" Gulat na tanong niya, kaya nga pinapanatag niya ang sarili sa kadahilanang andiyan naman ang team mates niya sa nasabing proyekto. At nasabi rin sa kanya na makakasama niya ang mga ito sa gagawing presentation mamaya.
"Hindi nga namin alam e'." Sabi nito.
"How come? Kelangan ko kayo roon dahil 'yung project yung pag-uusapan." Sabi niya.
"Sorry Elaina, galing raw kasi sa boss, kami nga rin nagtataka e'." Sabi nito.
"Ako lang talaga?" Muli niyang tanong, goodness bakit ba kasi siya kinakabahan ng ganito? Siguro dahil sa usap-usapan tungkol sa boss nila and ofcourse 'yung idea na ayaw niyang matanggal at hindi sana nito ma-reject ang gawa niya.
"Yes, but don't worry alam naman namin na kaya mo 'yun. Goodluck ha!" Sabi nito at niyakap siya.
Nanginginig ang tuhod niya habang papasok ng elevator. She push the 20th floor button. Naglakad siya at nakita ang isang babae na halatang secretary ng boss nila. Naroon ito sa table na nasa labas ng opisina.
"You must be Elaina Dominguez?" Tanong nito.
"Ahm. Yes" sa sobrang kaba siguro ay ngiwi ang kinalabasan ng pag-ngiti niya rito.
"Nervous?" Nakangiting tanong nito, sobrang obvious siguro kaya pansin nitong kinakabahan talaga siya.
"I can't blame you. Masungit talaga si sir. May times na nasisigawan niya talaga ako at nanginginig ako sa takot sa boses niya." Sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi sa sinabi nito. Nadadagan lang lalo 'yung kaba niya kanina.
Goodness Elaina! Compose yourself it's for your son, it's for Nyro. You need to have that job. Pangaral niya sa sarili.
"Hindi kita tinatakot ha? Pero ang mas ayaw niya iyong nauutal ka sa harap niya, you know napakababa ng patience ng isang 'yun." Dagdag pa nito. Okay? Parang gusto niyang pitikin sa mata ang kaharap niya. Hindi daw tinatakot? Oo na lang. Mukhang may personal na galit 'ata ito sa amo nila.
"Anyways Pasok ka na." Sabi nito at tinuro 'yung pinto. Tumango na lang siya rito.
Inayos niya muna ang sarili at pinilit alisin ang kaba na nararamdaman niya kanina. Pinilit niya ring ngumiti bago kumatok ng tatlong beses dito at pumasok ng tuluyan.
Hindi niya mapigilang hangaan ang lugar, maganda ang pagkakadesinyo dito. Napatingin siya sa lalaking nakatalikod na nakaupo sa swivel chair nito, nakatingin ito sa labas ng transparent glass wall nito na kita ang ganda ng labas.
"Ahm. Sir I'm Elaina Dominguez, the head architect of Cebu's project." Sabi niya rito ng nakangiti kahit nakatalikod ito sa kanya. Mukhang masakit ang ulo nito dahil hilot-hilot nito ang sintido.
Agad nawala ang ngiti niya ng humarap ito sa kanya. Pinikit niya pa ang mata atsaka muling idinilat para makasigurado kung sino ang kaharap. Iniisip niya na nag ha-hallucinate.
Kababakasan ng takot ang maganda niyang mukha napaatras pa siya sa takot sa taong kaharap niya. Nanginig ang kanyang mga tuhod at bumalik ang mga ala-ala na pinilit niya nang kalimutan.
What's that demon doing here?
"Oh. Hi Elaina long time no see." Sabi nito na may demonyong ngiti sa mga labi.
"Da-Dagon" banggit niya sa pangalan nito bago siya nawalan ng malay.
---
♥Tnx for reading!
BINABASA MO ANG
Trapped with Him
RomanceTrapped with Him Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system...
