Chapter 8: Ayoko
●●●●●●
" Gago ka ! Bastoooossss!" galit na galit na sigaw ni Elaina wala na siyang pakealam kong marinig siya ng kung sino basta't hindi niya mapapalampas ang kabastusan ng demonyo niyang kidnapper.
Natatawa naman tinanggal ni Dagon ang kamay niya sa dibdib ni Elaina hindi man lang ito natinag sa kakasuntok sa kanya ng dalaga.
"Tss. Not bad" wika nito sa nang-iinis na tono. Agad siyang hinampas ni Elaina sa balikat at tumakbo paalis doon, batid niya na kanina pa namumula ang pisngi siya marahil sa inis na nararamdaman. How dare him to touch me there, inis na wika ni Elaina sa sarili.
Agad siyang dumiretso sa mansyon pagpasok niya ay nakita niya pa si Kc na naglilinis sa may sala.
"Elaina, okay ka lang ba?" nag-aallang tanong ng babae malamang ay batid nito ang galit na nararamdaman niya.
"okay lang, sige"wika niya at dali-daling umakyat ng kwarto niya. Hindi niya na napigilan at naiyak na siya sa dami ba naman na paghihirap na naranasan niya sa piling ni Dagon ay hindi niya na kinaya ramadam pa niya ang init ng araw sa balat niya ngayon.
Abala siya sa pagbabasa ng libro na paborito niyang basahin tuwing wala siyang ginagawa ng magbukas ang pinto niya.
"Bumaba kana daw sabi ni sir Dagon" wika ni Kc sa kanya.
"Hindi pa ako nagugutom" isinasabay kasi siya nito sa pagkain nito pero lagi lang naman siya nitong iniinis at ininsulto kaya madalas siyang tumatanggi. Lumapit ito sa kanya at umupo sa may kama niya.
"May problema ka ba? Prang inis na inis ka?" tanong nito, napangiti na siya mabuti na lang at may kaibigan na siya sa mansyon kaya kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam niya.
"wala 'to. wag mo ng pansinin" wika niya, agad naman itong tumayo.
"okay sasabihin ko na lang kay sir" wika nito at umalis na.
Hindi pa man nagtatagal ay nagbukas na naman ang pinto ng silid niya at nakita niya doon ang taong kinakainisan siya at gustong-gusto niya itong sakalin ngayon.
"Huwag ka ng mag-inarte at bumaba kana" inis na sabi nito at ang kapal ito pa ang may ganang mainis matapos siya nitong hawakan sa dibdib niya.
"ayoko" wika niya at itinuon niya ulit ang atensyon sa binabasa niyang libro.
"ohh' If it's about what happen a while ago well I'm not sorry for it" asshole! wika niya sa sarili pinipigilan niya lang sampalin ang lalaki.
"Alam ko 'yun kasi demonyo ka! Umalis kana pwede?"napipikon na talaga siya sa lalaki.
"Tumayo kana diyan" hindi nito pinansin ang sinabi niya.
"ayoko"
"Isa. Tumayo kana diyan" inis siyang tumayo sa kamang kina-uupuan niya, nagbabanta na kasi ito at pag hindi niya ito nasunod kaagad ay malamang na masaktan na siya nito. Inunahan niya ito sa pagpunta sa dining area. Nahihiya niya pa ngang tiningnan si Nanay Miranda dahil hindi niya ito natulungan sa pagluluto. Nakita niya rin roon si Kc at Wendy.
Agad siyang umupo sa upuan at kumuha na ng pagkain hindi niya na hinintay si Dagon the demonyo. Hindi rin naman nagtagal ay naupo na ito at nagsimula narin kumain.
Diretso siyang kumakain ngayon niya lang naramdaman ang gutom siguro dahil narin sa sarap ng luto ni Nanay Miranda, nagutom talaga siya sa ginawa niyang pagtatanim sa palayan kanina. Nang mapagawi siya sa direksyon ni Dagon ay nakatingin din ito sa kanya at binigyan siya ng nakaka-asar na ngiti. Inis niyang inirapan ito at binaling na lang ulit ang atensyon sa pagkain niya baka mawalan pa siya ng gana pag nagkataon.
Nang matapos siya ay agad siyang tumayo at umalis ng walang paalam bahala ng isipin nila na wala siyang manners well tinuruan naman siya noon pero hindi naman kasi applicable 'yun ngayon lalo na at demonyo ang kasama niya.
----
Tnx!

BINABASA MO ANG
Trapped with Him
RomanceTrapped with Him Copyright ©2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system...