Chapter 3: Para ka kasing ta...

6.3K 126 1
                                        

Chapter 3: Para ka kasing ta...

●●●●●●

"Naku Hija, halika at bumaba kana daw at ng makakain ka" sabi sa akin ni Nanay Miranda. Umiling na lang ako bilang tugon. I don't have appetite lalo na at makakasama ko siya sa isang mesa. No way ! Dahil baka hindi ko mapigilin at masampal ko na naman siya but ofcourse hindi siya papatalo and definitely he will hit me back, that's for sure at ayaw kong mangyari 'yun kaya ako na lamang ang iiwas.

"Hija ano kaba 'wag kang nagpapalipas ng pagkain dahil lamang sa sama ng loob mo sa kanya makakasama sa 'yo iyan" nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya sama lang ng loob 'ito para sa kanya na para bang nagtatampo lamang ako? Gusto ko ng umalis dito hindi niya ba 'yon maintindihan? Hindi ba nila maintindihan 'yon?! Ayoko maging bastos sa harap niya kaya naman hindi na lamang ako umimik. 

"o siya sasabihin ko na lamang kay Dagon na ayaw mo pang kumain o kong gusto mo naman pagdadalhan na lang kita ng pagkain

"ahm. Pede po ba?" tanong ko actually kagabi pa ako walang kain kaya naman nagugutom narin ako, pero dahil sa sinabi niya kanina na sasabay daw ako sa alaga niyang demonyo edi para narin akong hindi kumain nun kaya much better na mag-stay na lang dito pero siguro nahalata narin sa mukha ko ang gutom kaya naman nag-alok na siya.

"o sige , hintayin mo na lamang ako rito" sabi niya at lumabas na ng silid ko. 

Nakadungaw lang ako sa may bintana at tinatanaw ang labas, napakalaki ng bahay na ikinalalagakan ko ngayon, napakalawak ng lupain ang alam ko isa itong hacienda na malamang ay 'yung demonyo ang may-ari. Napangiti ako ng bumukas ang pinto nagugutom na kasi ako at panigurado si Nanay Miranda na 'iyon kaya naman agad-agad ko itong nilingon, bigla na lang naglaho ang ngiti ko sa labi na makita ko na 'yung demonyo pala ang pumasok, titig na titig ito sa akin na parang gusto niya akong kainin at mukhang galit na naman siya, ano na naman ba ang problema niya? Wala naman akong ginagawa ni hindi na nga 'rin ako nagtangkang tumakas.

"I asked nanay Miranda na puntahan ka dito at pababain and why are you still here!?"sabi niya sa inis na tono. Tss, inirapan ko lang ito kaya naman lalo itong nagalit at hinablot ang braso ko.

"araayy!" ang higpit ng kapit niya.

"Kapag may sinasabi o inuutos ako you don't have a choice but to follow it! You understand?!" inis na tinabig ko ang kamay nito na nakakapit ng mahigpit sa akin, hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon na lamang ang atensyon sa labas wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko pa siya.

"f*ck it! ang tigas ng ulo mo kaya ka nasasaktan don't expect that nanay will bring you food 'cause I'll not let her!" inis na inis na sigaw nito at pabalibag na sinarado ang pinto. Napailing na lang ako, demonyo talaga hindi ko maintindihan ang ugali ng isang 'yun.

---

Madilim na ang paligid ng magising ako nakatulugan ko na lang ang gutom na nararamdaman ko kanina at tama siya hindi na bumalik si nanay na siya sanang maghahatid ng kakainin ko. Napangiwi ako ng marinig at maramdaman ko ang aking tiyan na tila nagrereklamo. Napatingin ako sa orasan sa bedside table 10:35 na ng gabi. 

Tumayo ako at pumunta ng pinto nagbabakasakaling hindi ito nakasara, nakahinga ako ng maluwag kasabay ng pagngiti ko ng umikot ang doorknob ibig sabihin bukas ito.

Lumabas ako at tumingin sa paligid halatang tulog na silang lahat kaya naman bumaba na ako ng hagdan at mabilis na tinungo ang kusina, nagugutom na ako ng sobra!

 Dali-dali akong tumingin ng makakain doon at hindi na nag-abalang buksan ang ilaw may ilaw naman kaso naka-dim lang pero kita parin naman. Nang makakita ako ng tirang ulam ay napangiti ako mabilis ko itong kinuha at inilapag sa mesa, kumuha na rin ako ng kanin, ganto pala pag-gutom ka talaga! Para kang patay-gutom.

"tss"napahinto ako sa pagsubo, napatingin ako ng diretso sa parihabang mesa at nakita ko sa kabilang dulo nito si demonyo Dagon na nakaupo doon. Anong ginagawa niya diyan? Hindi ko alam na tambayan niya pala itong kusina.

"I know it , hindi ka makakatiis sa gutom"nang-aasar na sabi niya at para bang tuwang-tuwa siyang pagmasadan nagutom na gutom ako.. Umirap ako sa kawalan at hindi na lamang siya sinagot malamang mahaba-habang away na naman iyon and as for now I don't have time for that dahil sa nagrereklamo kong tiyan agad-agad akong sumubo para narin makaiwas sa mukha niya. Ang sarap niya talagang sampalin.

"easy, para namang ngayon ka lang nakakain" natatawang sabi niya, alright his making fun of me right now, but I don't give him damn! Nang matapos ako ay agad-agad akong tumayo at hinugasan ko na ang pinagkainan ko kahit papano may manners naman ako at hindi ko basta iiwan 'yung plato ko sa kitchen sink ng madumi.

"wow! I think maganda kung kakain ka everytime, tahimik ka pala kapag kumkain"  nang-iinis na sabi niya. Tss. Pairap akong tumingin sa kanya.

"malamang kumakain e' sino bang t*nga ang kumakain ng maingay malamang ikaw para ka kasing ta-?!"hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko naka-igting na kasi ang panga niya meaning napipikon na siya tinalikuran ko na lamang siya at dali-daling umakyat ng hagdan.

"F*ck! come back here!!" 

---

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon