Chapter 13: Acceptance

5K 117 1
                                        

Chapter 13: Acceptance

●●●●●●

"Hindi kaya buntis ka?" Agad siyang umiling sa kaibigan, biglang nanginig ang katawan niya sa posibilidad na pwedeng mangyari iyon, pero ayaw niya.

"No...no...hindi pwede" nanginginig niyang sabi habang todo iling pa.

"Elaina hindi naman imposible na mangyari 'yun hindi ba?" Sabi sa kanya ni Kc na para bang tinatantya nito ang mood niya. Ofcourse Kc knows that there is a possibility that she can be pregnant. Pero hindi niya kaya, ayaw tanggapin ng sistema niya.No, hindi pwedeng mangyari 'yun, wika niya sa sarili.

"No hindi pwede Kc, ayoko" hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, goodness! Pano kung buntis nga siya mag-aalaga siya ng anak ng demonyo?

"Ahm, hindi pa naman natin sure, so baka hindi" biglang bawi ni Kc, hindi niya matiis na umiiyak ang kanyang kaibigan sa harap niya. Pinagtitinginan narin sila ng kalapit na pwesto nila kaya naman nagpasya na silang umuwi.

"Elaina sorry" sabi ni Kc kay Elaina ng makarating sila sa tinutuluyan nilang aparatment, napansin kasi nito ang pagiging balisa ng kaibigan matapos ng pangyayari kanina.

"Okay lang, pero...pero paano nga kung buntis ako?" Umiiyak na wika ni Elaina, Goodness! Ano bang nagyayari sa buhay niya.

"Edi masaya magkaka-baby na tayo dito sa bahay!" Sabi ni Kc sa masayang boses. Umiling siya sa sinabi nito.

"No, hindi ko kaya." Sabi niya.

"Don't tell me.." nanlalaking matang tiningnan ni Kc si Elaina, 'ni hindi na nito naituloy ang sasabihin.

Napa-upo si Elaina sa sofa, sapo-sapo niya ang kanyang luhaang mukha. Ayaw niya sa idea na buntis siya pero hindi niya kayang kumitil ng bata. Hindi niya pa alam kung buntis ba siya talaga but the symptoms says it all. But the idea of having Dagon child means of having a Demon child. How will she ever forget what Dagon done to her kung magkakaroon sila ng anak nito.

"Nandito naman ako e." Napatingin siya sa kaibigan sa sinabi nito, bigla niya itong niyakap having Kc beside her, her bestfriend make her feel better.

"salamat, you're always there for me." Sabi niya.

"Ofcourse nandito lang ako for you." Wika nito at niyakap siya pabalik.

---

Hindi na nagulat si Elaina ng makita ang dalawang pulang linya sa PT kit na hawak-hawak niya.

"O ano?!" Excited na tanong sa kanya ng kaibigan. Imbes na sagutin ay ibinigay niya na lang dito ang PT kit na hawak-hawak niya atsaka nahiga sa kanyang kama.

"I told you! Sana girl yang baby mo! I'm sure magiging kasing ganda mo siya" wika nito, bakas ang kasiyahan sa boses nito. Minsan ay gusto niya nang mainis dito dahil para bang ang saya-saya ng nangyayari sa buhay niya samantalang hindi naman talaga.

"Pano ko bubuhayin 'to. 'Ni wala nga akong magandang trabaho." Naisip niya, she will let the baby in her womb see the world, that will be the best thing to do.

"Ano ka ba! Andito nga ako diba? Siyempre tutulungan kita!" Wika nito sa kanya. Mabilis siyang umiling.

"No, may pangangailangan ka rin!" Sabi niya.

"And so? Pwede ko namang ipagpaliban 'yun muna para sa magiging pamangkin ko." Wika nito.

"Baliw kana talaga." Sabi niya rito.

"Grabe ha! Basta sana girl yan!" Sabi nito.

"Paano kung hindi." Wika niya, sa totoo lang ay gusto niya rin ng babaeng anak.

"Edi go lang. As if naman may magagawa tayo dun" sabi nito.

"Thank you Kc, You're such a wonderful friend I realy treasure you a lot."

---

Mabilis na lumipas ang araw at naging okay naman ang pag-bubuntis ni Elaina, kahit na nagtratrabaho ay pinanatili niyang malusog ang baby sa loob ng tiyan niya. Kung nung una ay halos hindi niya matanggap ngayon ay tanggap na tanggap niya na mahal na mahal niya ito kahit hindi pa man ito naisisilang sa mundo.

"Grabe! Feeling ko gusto ka talaga ni sir?" Sabi niya kay Kc, ang tinutukoy niyang sir ay 'yung amo nila sa clothing factory na pinagtratrabahuan nila.

"Elaina! Bibig mo ha!" Pinandilatan siya nito ng mata kaya natawa siya.

"O eh' obvious naman na nagpapapansin iyon sa iyo" sabi niya pa, pansin niya kasi na palaging nakatingin ang masungit nilang amo sa kaibigan niya, wala naman problema sa kanya dahil binata naman ang lalaki sa pagkakaalam niya.

"Tigilan mo ako! Yun ba 'yung may gusto sa akin? Gugutumin ka?!"

Tanong nito, natawa na naman siya, naalala na naman nito 'yung time na hindi sila nakakain dahil sa tinambakan sila ng trabaho nito.

"Sus! Nagpapansin nga lang 'yun sayo." Sabi niya pa, gusto niyang sumaya ang bestfriend niya and she think her bestfriend and their sir Carl make a perfect match. They look good together 'yun nga lang ay nagsusungitan ito.

"Tse! Kung hindi lang malaki yang tiyan mo ay nasipa na kita diyan."sabi nito, naku napikon na ata!

"Pikon ka!" Sabi niya.

Napahawak siya sa tiyan niya, she felt happiness pag nahahaplos niya ito, para bang ito na 'yung source ng kasiyahan niya ngayon. Hindi niya na lang siguro iisipin na ang ama nito ay isang demonyo.

---

Tnx!

Vote&comment po.♡

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon