Chapter 31: Morning

10.9K 310 177
                                    

Chapter 31: Morning

A/n: walang  maisip na title 'e.

°•°•°•°

Bigla siyang napa-upo ng makita kung sino ang pumasok sa kwarto nilang mag-ina at sa sinabi ng anak niya.

"Mama, dito matutulog si Papa!"

"Huh?" Napatangang tanong niya.

Napatingin siya kay Dagon na naka white sando at gray pajama na lang. Tinaasan niya ito ng kilay ng mapatingin ito sa kanya.

"I want to sleep beside my son." Simpleng sabi nito at hindi na siya pinansin. Binuhat nito ang anak niya at pabagsak itong nahiga sa kama, kaya tawa ng tawa si Nyro.

Tiningnan niya ang dalawa, mahigpit na nakayakap si Nyro sa ama nito, kaya bigla siyang nakaramdam ng selos noon lang ay siya lagi ang yakap-yakap nito.

"Mama, higa kana. Lets sleep." Sabi nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang mahiga sa tabi nito.

Hindi niya alam kung para saan pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya, siguro dahil nasa kwarto nilang mag-ina ang demonyo kaya hindi na siya nagtataka. Hindi siya makatulog malamang ay namamahay siya, nakatitig lang siya sa kisame. Tiningnan niya ang anak na noo'y payapa ng natutulog, napatingin siya kay Dagon at nahigit niya ang hininga ng makitang gising pa ito at nakatingin din sa kanya.

"Bakit hindi kapa tulog?" Tanong nito.

"Namamahay lang siguro ako." Sagot niya, ayaw niya muna itong awayin knowing na nasa gitna nila ang anak niya.

"I'll go down , ititimpla kita ng gatas." Sabi nito na kinagulat niya.

"Huh?" Tanong niya dito sa pag-aakalang mali lang ang pagkakarinig niya. Pero hindi na siya nito sinagot at nakita niyang lumabas ito ng kwarto nila.

Wala pang sampung minuto ng bumalik ito with a glass of milk in his right hand. Naupo siya ng lumapit ito sa kinakahigaan niya at naupo doon.

"Here." Sabi nito sabay abot sa kanya ng gatas, wala na siyang nagawa kundi ang kunin ito.

"Drink it, maaga pa ang pasok natin bukas." Sabi nito sa kanya. Dahil sa sinabi nito ay agad niyang ininom ang gatas na hawak-hawak niya. Matapos niyang maubos ang gatas ay kinuha na ni Dagon ang baso sa kamay niya at inilagay iyon sa bedside table.

"Sleep now, mag-uusap tayo bukas." Sabi nito hindi na siya nakasagot ng halikan siya nito sa gilid ng labi niya. Pagkurap niya ay wala na ito sa harap niya, malamang ay nakahiga na ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang mahiga narin at pilitin ang sarili na makatulog sa kabila ng ginawang paghalik ni Dagon sa kanya.

---

Nagising siya sa ingay na nagmumula sa alarm clock sa bedside table. Agad siyang napabangon at pinatay ito. Nakita niyang payapa pa rin na natutulog si Dagon at si Nyro. Kahit papano ay nakatulog naman siya ng mahimbing. Agad siyang bumangon at kumuha ng damit na susuotin niya patungo sa opisina, pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo para maligo. Kelangan maaga siya, gusto din kasi niyang tumulong sa paghahanda ng almusal atsaka medyo malayo na itong bahay ni Dagon sa kompanya 'e magcocommute pa siya.

Nang matapos ay pintuyo niya ang buhok gamit ang tuwalya, gusto niya sanang mag-blower ang kaso maingay ito at baka magising ang anak niya.

Matapos niyang maayos ang sarili ay tiningnan niya ito sa salamin. Nakasuot siya ng peach sleveless blouse at mini-skirt na itim, kinuha niya ang black flat shoes niya at ang bag atsaka bumaba patungo sa kusina.

Nakita niya roon ang tatlong kasambahay na abala sa pagluluto sa kusina. Nang makita siya ng matabang kasambahay ay agad itong yumukod sa kanya.

"Good morning ma'am." Bati nito sa kanya.

"Elaina na lang ate Beth diba?" pagkukumpirma niya sa pangalan nito.

"Ah, opo ma'am" sabi nito.

"Ako na ang magpriprito niyan." Sabi niya rito ng matapos niyang isuot ang apron.

"Naku ma-Elaina hindi pwede, kaya na namin 'to." Sabi nito na umiiling pa.

"Sige na po, gusto ko parin kasing maipag-luto ang anak ko." Sabi niya rito. Nang marinig nito ang dahilan niya ay pumayag narin ito.

"Ah, Ma'am Elaina matagal na po ba kayo ni sir Dagon?" Tanong ng batang kasambahay na ang pangalan ay Che sa palagay niya ay 18 palang ito.

"Huh?" Tanong niya rito.

"Kasi po diba ilang taon na si Nyro so malamang matagal na kayo. Thank God at hindi ang malandi na Wendy na 'yun ang inuwi ni sir dito." Madaldal na wika nito.

"Hoy Che! Ano ba?!" Saway dito ni Beth at pinadilatan pa ng mata ang batang kasambahay.

"Totoo nama 'no?" Sabi pa nito.

"Pagpasensyahan mo na ito Elaina." Paumanhin sa kanya ng kasmabahay.

"Okay lang po." Sabi niya. Nang tingnan niya ang mga ito ay bigla niyang naalala si Nanay Miranda. Nasaan na kaya ito?

"Kilala niyo ba si Nanay Miranda?" Tanong niya nagbabakasakaling alam ng mga ito.

"Kilala mo rin si Nanay Miranda ate? Pwede bang ate Elaina ang itawag ko sa iyo?" tanong na naman ni Che.

"Oo naman, ahm asan si Nanay Miranda?" Tanong niya rito.

"Nasa hacienda 'yung farm, basta. Siya kasi ang isa sa katiwala ni Sir Dagon doon." Sabi nito. So hindi pala ito pinaalis ni Dagon at ginawa pa itong katiwala ng hacienda nito, ano ba talaga ang nangyari 'nung tumakas siya noon? Akala niya ba nahuli ito ni Dagon so bakit nandoon parin ang matanda?

---

Nang mag-alas syete na ng umaga ay siya namang baba ng mag-ama. Nakakapit pa si Nyro sa kamay ng ama nito habang nag-uusap. She hate to admit it but Dagon looks very handsome in his corporate attire. Agad niyang iniwas ang tingin ng magtama ang mata nila.

"Mama, Goodmorning!" Bati sa kanya ng anak niya.

"Morning baby." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Com'on lets eat." Aya sa kanila ni Dagon, nakita niyang naka-upo na ito sa pwesto nito. Agad niyang binuhat ang anak at ini-upo sa kanang bahagi ng mesa malapit sa ama nito, pagkatapos noon ay na-upo siya katabi ang anak niya.

"What do you want baby?" Tanong niya sa anak.

"Hotdog mama." Sabi nito. Nilagyan niya ng hotdog , itlog , loaf bread at iilang strips ng bacon ang pinggan nito. Pagkatapos ay kumuha narin siya ng kanya. Tahimik lang silang kumakain, she can feel the happiness of her son. Masaya ito kasama ang ama nito kung sana pwede rin siyang maging kasing saya nito habang nasa poder siya ni Dagon. Nang makitang mag-aalas-otso na ng umaga ay agad siyang tumayo dahilan para mag-angat ng tingin sa kanya si Dagon.

"Mauuna na ako. " sabi niya. Lumapit siya sa anak at hinalikan ito sa noo.

"Bye baby." Sabi niya rito. Napatingin siya kay Dagon ng tumayo rin ito mula sa pag-kakaupo.

"Let's go." Sabi nito.

"Ha?? Uhm magcocommute lang ako." Sabi niya rito. Masama siyang tiningnan nito.

"You're coming with me. Remember we need to talk also?"

---

Vote and comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon