Here comes the bopolss..

385 10 6
                                    

Chapter 1

“Sira ka ba?! Ayoko tapos.” ayan agad ang narinig ni Joshua after humingi ng favor kay Christian sa phone. Magpapasama sana siya sa lumang bahay ng tita niya. Susunduin kasi niya si Kylie, yung pinsan niya Kaso inatake na naman ng kabugnutan ang suplado. Ayaw sumama.

“Christian hindi yon creepy noh! Tinitirhan nga diba? Loko toh. Takot ka lang eh.”

“Oo, ano ngayon? Eh kung hindi naman kasi yong bahay ang nakakatakot, malamang sa malamang yung nakatira.”

“Umayos ka ha. Pinsan ko yun.”

Nagmake face na lang si Christian habang kausap ang kaibigan sa telepono. Ginagaya pa yung sinasabi nito.

“Sorry, ah. As if namang nakita mo na yung long lost insan mo. Umayos pa ko hah. Neknek mo. Truck ba yang  kukunin mo’t kailangan mo pa ng katulong sa pagbubuhat?”

“Christian tigilan mo nga ko sa ugali mo! Napaka-judgemental mo! Ano naman kung hindi pa? may karapatan ka nang mag-imagine diyan?”

“bakit bawal ba? May bayad na ngayon? Teka, kuha lang ako ng pera..”

“Ano ba Christian! Magpapasama lang ayaw pa.  after ng mga pinaggagawa ko sayo ganito na lang?”

“Kalokohan mo. Magpunta ka mag-isa. Tsaka anong pinaggagawa mo sa’kin?? Ayusin mo nga yang salita mo.” Naramdaman niyang sisigaw na naman si Joshua kaya inunahan na niya ‘toh.. “Ayoko tapos. Demanding mo ah, kailan ka pa nagkaroon ng trabaho sakin at kailangan may bayad?? Bye”

Patay, ngarag si Joshua kapag binaba na ni Christian ang phone. Kilala niya kasi ito. Panigurado kapag tumawag uli siya, papatayan na siya ng phone.

“Sandali!! CHRISTIAN MACK ILIANTE!!!” biglang nailayo ni Christian ang phone sa tenga niya.. unexpected yun ah.

“What the.. Joshua, kailangan ba talagang sabihin yang given name ko?  tigilan mo ‘ko sa drama mo ah. Sige sumigaw ka pa.”

Napabuntong hininga na lang si Joshua sa ugali nito. ewan ko ba sayo, Christian. Bakit ba kasi ganyan ka.. Noon naman, hay ewan.. “Sige na naman. Ito talaga papasama lang eh. So ano? Sama ka na?”

“Para pumayag na ‘ko kung maka-assure ka ah. Ewan ko sayo.”

“Sasama ka na!!”

 “Nakakaasar ka Joshua.Kailan ba yan?!” Iritado nang tanong ni Christian. Kailan ba naging hindi? Eh halos araw-araw ganyan siya. Mahirap talaga kapag napipilitan!

“Sa Saturday na tapos uwi tayo ng Sunday.”

“What? Matutulog pa tayo ‘don?”

“Deal is a deal. See you!!” pinatay na agad ni Joshua ang phone niya para matapos na ang usapan. Mahirap na, baka tumanggi pa, minsan talaga dapat dinadaan sa sapilitan yang lalaking yan eh.

“Sige lang Joshua.. Ang sarap mo talagang..”hinagis lang ni Christian ang phone niya kama niya saka Bumaba ng kwarto para magpaalam na..

Naabutan niya ang mama(Emily) at papa(James) niyang nakaupo sa mahabang sofa. Nagbabasa ng dyaryo yung papa niya, mama naman niya, umiinom ng kape.

“Ma nagpapasama si Joshua sa Sabado. Punta daw kami sa lumang bahay ng tita niya. Susunduin kasi niya yung pinsan niya doon.”

Nanatili lang nakatayo si Christian sa likuran nila, ganon din si James, busy talaga magbasa. Si Emily lang ang lumingon sa kanya.

“Bakit? Doon na  titira sa kanila?”

“Oo daw, sa Sunday na ang uwi namin. Napilitan lang akong sumama.”

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon