I Saw It...

47 4 0
                                    

please Po Vote or Comment kayo after this

Please.......

 Salamat po!! ^_^

I Saw It…

Kinabukasan..

Mainit pa rin ang usapan tungkol sa nangyaring labanan kahapon.

Halos hindi rin maka-get over ang mga babae pati mga taga-hangang lalake ng Blue Thunders at yun lagi ang laman ng kwentuhan nila lalo na sa Shooting Guard(Christian) kasama na rin yung mga ka-team mates niya.

Samantala......

Hindi na naman mapakali si Kylie sa likuran ni Nyca.

Takot siyang lumabas at makita na naman ang mga matang tutuhugin na naman uli siya. Pinahamak kasi siya ng magaling niyang bibig..

Lakad.. Lakad.. Lakad

“Galing ng laban kahapon no Pre?” sabi nung lalaki sa kausap niya. 

“Oo astig talaga eh tambak. Kulang na lang huwag nang pahawakin ng bola yung Wild Fires. Sa Blue Thunders umikot yung laban.” Sagot naman ng isa.

“Pambihira naman, hanggang ngayon yan pa rin topic mga bakla ba ito? Kulang na lang mabanggit nila yung pangalan nung Pustiso Giant para swak na swak ang kwento.”

Naasar na kasi si Kylie sa mga komentong naririnig niya tungkol kahapon. Pero kahit nagsasalita siya nang ganon ehh..

“Ano ba Kylie? Gusto mo dito ka sa palda ko? Bitawan mo nga damit ko! Pupunitin mo na eh.”

Pilit na hinihila ni Nyca ang blouse niya sa kamay ni Kylie.

“Ah sige na nga heto na. =_=” binitawan na nga ni Kylie yung blouse ni Nyca. Inayos na yun ng huli.“Alam mo na ngang mainit dugo ng mga babae sa’kin tapos ganyan ka? Moral support na oh. Lang ya kasing lalaki yun. Mainit na nga yung sitwasyon ko kahapon dahil sa nasabi ko pinakulo pa nang kinausap ako. Hello? Masama bang kausapin yun? Iniwasan ko na nga makasabay sa gym tapos.. haaaaano ba yan!!”

“Kasalanan mo. Pero bakit nga? Ano bang nanyari? Pano mo nalamang walang kaposter-poster ng basketball things ang room ni Chirstian?” usisa ni Nyca sa kanya.

“H..ha?” Hindi alam ni Kylie ang sasabihin niya nang bigla na namang magtanong ang kaibigan tungkol sa nasabi niya kahapon. Pano ako magpapalusot???

“A.. ano.. grabe! Ay.. Nyca napansin mo ba yung galaw ni P.G kahapon? Sana magwork, Sana magwork, Sana magwork!!

“Hah? Yung moves ni Christian? Naman!!! Buong game siya lang tinitigan ko!”

Tagumpay!! Naiba ko usapan!! ^__^ Ngumiti ng nakakaloko si Kylie kay Nyca.

“Hoy.. hoy.. ano na namang ngiti yan?”

“Hmm.. Weh? Sigurado ka?”

 “Oo naman. Lalo na yung nagka-konprontahan na sa court sina Chritian My Dear at yung Fero Mandaraya na yun! Kita mo ba yung mabilis na pagkuha ni Christian dun sa bola habang nag-di-dribble si Fero grabe kala mo kidlat bilis ng pangyayari. Basta dire-diretso niya lang naagaw yung bola!!!” Kinikilig na sabi ni Nyca na kala mo nag-de-day dreaming pa.

Inalala naman yun ni Kylie. Sa totoo lang kasi yun talaga pinagtataka niya.

Sa sobrang pag-iisip hindi na niya namalayang nasa tapat na siya ng room nila.. unti-unting nag-iba ang ekspressyon niya..

=_=.. 

6_6...

o_o...

 0___0”

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon