Naba-blangko ako bigla!! Chuchu ^_^
Take care Guys..
Love you all so much mwahh!!
So much for my drama, hihi gora na…
Phase 5..
Kinabukasan, sumama si Kylie kay Joshua sa school para maayos na ang mga papeles niya sa pagtransfer doon.
“Kuya salamat nga pala hah. Ang bait niyo talaga sa’kin.” Sabi ni Kylie habang naglalakad silang dalawa papasok sa University.
“Para ka naming sira, hindi ka na iba sa’min noh. Tsaka matagal na ring walang babaeng nakakasama si Mama sa bahay.” Paliwanag ni Joshua.
“Basta salamat pa rin ha. Hmm. Nasan kaya si Nyca ngayon?”
“Absent tulog, namamalengke.” Hindi pa man lumilingon ay umasim na agad ang mukha ni Kylie nang marinig ang sumagot.
“Christian, nag-aalmusal ka na naman niyan ah. Ang aga-aga pa eh.” Saway ni Joshua.
“Step dad, pwede ba?” asar na sagot ni Christian.
“Wala ka na bang magawang matino, pustistuhing bakla ka? Ano ka boss?” iritadong sabat ni Kylie.
“Para ka kasing timang. Naghahanap ng wala. Oo nga pala ikaw ang Modernized Sisa.” Asar ni Christian.
“Hinihingi ko opinyon mo?”
“Nagtatanong ka diba? Buti nga sinagot pa kita. Hindi ka mukhang tangang naghahanap ng sagot sa hangin.”
“Wag mong simulan ang araw ko.” Babala ni Kylie.
“Tss. Bakit hindi pa ba nagsisimula? Ano ka DVD? Kailangan ng remote para ma-start? Paayos ng salita mo. Kanina pa pagkatpos ng panaginip mo nag-umpisang sumikat ang araw, Prinsesa.” Pambabara ng masungit na lalaki.
“Christian talaga. Nga pala, kamusta yung usapan?” pag-iiba ni Joshua.
“Minamadali nila eh. Masyado na kasing nag-init yung mga dugo nun. Kaya bukas na.”
“Ano ba yun Kuya?” Usisa ni Kylie.
“None of your business okay?”pambabara ni Christian.
“Sus, if I know naman noh?! Tungkol yan sa sorority mo, may pagbasagulero ka talaga noh? Pati si Kuya dinadamay mo!” sigaw na naman ni Kylie na dinuro pa si Christian. Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.
“Tsk. Ewan ko sayo” tumalikod na ito sa magpinsan at nagsimula ng lumakad. “Kita na lang tayo mamaya sa room. Pagkatapos mong..” Tumigil muna siya at lumingon uli kina Joshua. “Maging BAby sitter ng damulag na yan.” Yun lang at nagpatuloy na siya sa paglakad.
“Ang kapal talaga ng buhok ng bwisit na yun. Tara na Kuya.” Naglakad na sila ni Joshua papuntang School Administers Office para maayos ang mga papeles niya .
“Kylie? Ikaw na ba yan?” napalingon silang magpinsan sa likuran nila kung saan narinig ang tumawag kay Kylie.
“Nyca? Wow, my, my ikaw nga!!” patakbong siyang lumapit kay Nyca at niyakap ito.
“So siya pala yung absent, tulog at namamalengke.” Singit ni Joshua sa kanila. Nagkahiwalay na sila mula sa pagkakayakap.
“Kuya naman, nagagaya ka na rin sa pustistuhing bakla na yung eh!”asar na sabi ni Kylie.
“Bakla? Ah, by the way, goodmorning Joshua! Nyca pala. Kaibigan na ‘ko ni Kylie bago pa siya pumunta rito.” Bati ni Nyca kay Joshua.
“I see, good to meet you. Buti na lang at may makakasama na rin siya rito. At least hindi mo na kami makakasama.”

BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...