Kinabukasan.....
Masayang pumasok si Kylie ng room nila. Good mood kasi talaga ang aura niya dahil sa nangyari kahapon. Maaga pa naman kaya lumabas muna sya ng classroom nila. Wala pa rin kasi si Nyca kaya wala rin siyang kasama. Maya - maya nakita na niyang dadaan sa room nila si Christian. Mula sa pagkaka - lean niya sa bakal ay tumayo na siya ng maayos para batiin ito.
"Good Morning!"
Napahinto si Christian sa ginawa ni Kylie sa kanya. Tinitigan lang sya.
" Anong maganda sa umaga kung ikaw ang bumati? Sagot." Mabilis nawala ang ngiti ni Kylie sa sinabi ni Christian sa kanya.
"(Composure Kylie, good mood ka, GOOD MOOD!) Eh anung masama sa pagbati ng goodmorning hah?"
"Wala pero unusual kasi pag ikaw ang gumagawa. Creepy. Excuse me, laki mong harang miss."
Natabig si Kylie ng balikat ni Christian nang magpatuloy itong maglakad. Hinabol na lang niya ito ng tingin.
Kylie's POV
Ang lakas talaga ng trip ng Pustisong yon. Kahapon matino, ngayon bumalik na naman yung "Snobbish Disease", sana lang hindi nakakahawa yun. Hay, bahala siya.
Bumalik nalang ako sa loob ng room namin, tutal dumarami na rin kami. As usual, karamihan 'don, binibigti na naman ako sa imahinasyon nila. Well ayoko lang talagang masira ang araw ko. Bakit ang tagal naman ng Nyca na yon...
Isip isip isip...
WHAT A FREAK!! Lecheng gulaman talagang Jaimie 'to oh! Sinipa yung upuan ko! Sarap na ng upo ko eh!
" Hey Jaimie....... "
"Don't you ever say my precious name purple flirt brat!" singhal niya sa'kin - sus kala mo naman may ikaka- precious yang pangalan mo. And what?..purple flirt daw? Excuse me hindi ko paborito ang purple. Maka navy blue ata to! Bwisit talagang awful wicked witch na to!
" Okay, Miss na lang pwede na? Ano bang problema mo?" Nagtaas pa ng kilay ang Kwago.
" Malandi ka talaga noh? Hindi lang si VHP ang nilalapit - lapitan mo ngayon. Pati si Yianwel nilalandi mo na rin? Huh! Ayos ka ah, newee ka pa lang dalawang isda na agad nabingwit mo?!"
Ako? Malandi? Kamusta ka namang Kwagong Malaking Mata ka?! Ayos mang - akusa ah! Makapagtimpi kaya ako dito?
"Pinagsasabi mo? Para tinulungan lang naman ako ng tao ah. Grabe ka naman." Mabait pa ako ehh, mabait pa sa ngayon. Inismiran lang ako ng kwago. Ngayon ko lang napansin, may mga kasama rin pala siya sa gilid ko. Naka - cross arms pa! Kala mo naman ang gaganda ehh kulang na lang maging espasol sa sobrang puti ng mukha!
"Hindi ka naman niya tutulungan kung hindi ka magpapapansin. Oh diba? Flirt ka talaga!" - Jaimie
" Aba, bakit? Kailangan na pala maagpakita ng motibo para tulungan? Hindi ata ako yung tinutukoy mo eh. Kayo ba yun?"
"You're such a crap you know? Tanga ka lang ba talaga Purple Flirt? " sabat pa ng isang espasol. Loko 'tong mga tao na to ahh, pinagtutulungan ako?
"Eh ano bang paki niyo kung madalas lapitan ng lalaki si Kylie? Bakit hindi nalang sina Yianwel at Christian ang diretsuhin niyo? Palibhasa yang mga ugali niyo ang hirap tagalan. Mga monoblock chairs pa. Plastic. Kung wala kayong ibang magawa, ayusin niyo na lang ugali niyo. Hindi lang kayo napapansin ehh. Tabi nga! Uupo na ako sa chair ko, harang kayo!"
Nabigla yung kwago and company nang biglang magsalita si Nyca at tinaboy ang mga epal. Wooh Hurray! Buti na lang dumating si Nyca friendship ko!
Napansin kong sinenyasan ni Kwago yung kasama niya kaya lumayo na. Bago siya umalis, tinitigan muna niya 'ko.
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...