Hinawakan ni Christian ang mukha ni Kylie. Maya-maya, naramdaman niyang gumalaw ang kamay nito para hawakan ang baba niya. Ramdam niyang malapit na malapit ang mukha nila sa isa’t-isa.
Sa sobrang kaba ay napapikit na lang siya at hinintay ang susunod pang mangyayari.
Palapit na palapit ang mukha ni Christian kay Kylie at hinahayaan lang niya iyon.
Hanggang sa…
..
……
…………..
………………..
………………………..
………………….
…………….
………………
………………………
……………………..
“ARAY!!!! SIRA-ULO KANG PUSTISO KA! BAKIT MO GINAWA YON??”
+_HUHUHU!!I’m Freaking Lost!!!_+
“Aray!!!! Sira-ulo kang pustiso ka! Bakit mo ginawa yon??”
Hindi magkandamayaw sa paghawak si Kylie sa noo niya matapos siyang pitikin ni Christian.
Tas tumngin pa siya dito.. yan, nadagdagan tuloy sakit ng mukha niya. Kinurot naman kasi nito ngayon yung magkabilang pisngi niya.
“Ano bang kasalanan ko sayong bakla ka?! Masakit na!” hawak hawak niya rin ang mga kamay nito para pigilan yung pagdiin ng pisil sa mukha niya kaso mas malakas si Christian eh..
“Pasalamat ka nakapagtimpi pa ako kanina sayong Punggok ka. Dahil sayo nanakit at nangawit ang balikat ko. Loko ka ah? At may gana ka pang mang-asar kanina ha? Pasalamat ka’t namanhid braso ko kanina kung hindi nabatukan nakita.”
Gigil pa rin talaga si Christian sa mukha ni Kylie. Hindi na tuloy maayos ng isa ang sasabihin niya..
“Bitawan mo na nga kase yung pisngi ko eh ! masakit! Kasi naman, di sana inilihis mo na lang yung ulo ko para hindi napunta sayo. Eh kung alam ko lang na sumandal na pala ako sayo, ako na sana mismo ang lumayo!”
“Tingin mo hindi namin ginawa yon? Kulang na nga lang masipa na kita eh.”
At sa wakas, binitawan na rin ni Christian ang mukha nito matapos sabihin yun. Tumalikod na rin kasi sya dito. Sapo-sapo tuloy ni Kylie ang pisngi niya.
“Kung hindi dahil kay Joshua baka nagising kang nakahilata sa sahig. Swerte ko sana may basahan akong apakan. Sa susunod na gawin mo pa ‘yon, antay ka talaga, ihuhulog kita sa bintanang Punggok ka.” Yun lang at umalis na rin agad siya.
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Kylie dahil panigurado sisigaw sigaw lang yun.
“Aishh,..Ang sama talaga ng pusit na yun. Hindi ko naman kasalanang nakatulog ako ah.. sa balikat pa niya. Shhh..sakit.” Napa-pout na lang siya roon at sinipa sipa pa ang mga bato sa paanan niya.
Padabog dabog rin syang bumalik kay Nyca. Nagtaka tuloy ito sa kanya.
“Oh Kylie, bakit namumula yang noo at pisngi mo?”alalang tanong nito kay Kylie nang makalapit na siya.
“Pinitik ako ng bakulaw na andaming tawag sakin sa noo. Hindi pa nakuntento kaya ayan. Kinurot yung mukha ko.”
“Pinanggigilan ka?”
“Ginantihan. Siya pala yung sinandalan ko nung nakatulgo ako. Oh tumigil ka, wag kang sisigaw.”
“My gosh? Hindi nga?? Swerte talga ni friend!!” hinawakan pa talaga siya ni Nyca sa balikat habang tuwang-tuwang nagtatalon. Siya, ayun.
![](https://img.wattpad.com/cover/3496349-288-k802882.jpg)
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...