Bad Lucky Seat??!!
Nang makarating na sila sa school ay agad nang nagpaalam si Kylie para puntahan si Nyca. Mabilis silang inayos ng mga teachers nila sa mga bus. Masaya si Kylie dahil sigurado siyang hindi niya makakasabay sa iisang bus si Christian.
Iwas gulo na,
iwas bangayan pa sila.
Tahimik ang mundo niya..
Pero sa kagandahang palad nga naman talaga.....
“Bakit sa lahat naman ng pwedeng makasama sa bus, Ang Bakulaw pa na yan ang nasama dito satin?”disappointed na sabi ni Kylie nang malamang makakasama nila ang ilan sa varsity kasama na ang taga-ibang section dahil nagkulang na sa bus..
“Haha. Kung ikaw sising-sisi Miss, kami, tuwang-tuwa. Sorry ka. Dusa ka diyan, happy happy kami! Imagine? Sa’tin napunta si Christian? Gosh!” kontra naman ni Nyca sa kanya. Kinikilig pa talaga habang sinasabi iyon.
“Pwede bang bumaba na lang??”iritadong sabi ni Christian habang nakatayo sila ni Joshua malapit sa kinaroroonan nina Kylie.
“Ano bang problema niyong dalawa? Magkahiwalay na nga nag-aaway pa rin.”
“Sa naalibadbaran ako sa Kalyeng yan eh, bakit ba?”
“Wow! Hindi rin naman nakakahiya sayo noh?”sabat ni Kylie nang mapag-usapan siya.
“Akalain mong nahihiya ka pala?”
“Christian, Joshua dito na kayo umupo oh.”
Nagtitigan muna ng masama si Kylie at Christian bago sila sumunod sa utos ng Prof. nila.....
“Pa’no ba ‘to? Marami pa ring hindi nakakaupo.” aligagang sabi ng Prof. nila na palingalinga pa.
“Anu ba yan? Hindi manlang nila in-estimate yung bilang ng bus na sasakyan.” reklamo ni Kylie habang nakasandal sa upuan niya.
“Ayan na nga ang estimated number ng bus eh. Hindi lang na-assumed ng school na ganito karami ang hahabol sa last hour ng bayaran.”Explain naman ni Nyca sa kanya.
“Eh fault naman pala ng estudyante eh.”
“Ewan ko sayong bata ka.”
“Excuse me, Ms. Erise?” tawag pansin ng Prof. na nag-aasikaso sa kanila.
“Yes, Sir? May problema po ba?”
“Can I ask you a favor?” Biglang nagtaka si Kylie sa teacher nila.
“Patay tayo dyan. Mukhang alam ko na ang favor ni Sir, Kylie.” Bulong naman ni Nyca sa kanya na nakuha naman niya.
“Mukhang ganoon na nga. Sir, hindi po bang pwedeng iba nalang?”
“Pasensya na kayong dalawa. Pero kung hindi kayo makikipag-cooperate, hindi tayo aalis. Kailangan lang kasing mapaupo ang lahat. Hindi lang naman kayo ang mahihiwalay eh.”Nagkatinginan tuloy sina Kylie at Nyca sa isa’t-isa.....
“Ano bang magagawa natin? Sige na Kylie. Magsama nalang tayo pagbaba.” sukong sabi ni Nyca.
“Okay. Eh Sir, saan po kami uupo?”
“Hmm... Since tatluhan naman ang mga upuan, at kulang pa ng isa sa seat nina Jaime, Nyca, ikaw nalang ang umupo roon. Okay lang ba?” tanong ng Prof. nila.
“Sige po, no choice na rin naman eh.” Kaya umalima na lang siya at tumabi sa side nila Jaimie kahit ayaw niya.
“Eh Sir, saan naman po si Kylie?” alalang tanong naman ni Joshua.
![](https://img.wattpad.com/cover/3496349-288-k802882.jpg)
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...