Part 4

84 4 0
                                    

Hey!

Just wanna say.. hello!!

Grab your smile,

And read for a while…

Part  4

Nagulat na lang sina Joshua at Kylie nang maabutan si Christian na nasa backseat na ng sasakyan Kinabukasan..

“Christian? Anong ginagawa mo diyan?”tanong ni Joshua.

Nanatiling nakatingin lang ng diretso si Christian at hindi man lang tiningnan ang kaibigan.

“Obvious ba? Gusto ko nang umuwi.”

“Ang selfish selfish mo talaga! Bakit ba ganyan ka? Iniisip mo lang ang gusto mo?!”

Hala, napikon na agad si Kylie. Napatingin tuloy bigla si Christian sa kanya.

“Ilang volts ba ang tinira mo? Daig mo pa ang paputok ah. Nag-cobra ka ba? Baka sumabog ka na niyan.

 Tingnan mo yang ulo mo oh. Umuusok na.”

“Okay. Nagsimula na naman po sila.” Napapailing na sabi ni Joshua.

“Wala ka bang pakialam sa mga kasama mo?”si Kylie.

“Ano bang problema mo? Drama mo. Bakit ba ang emo-emo mo diyan, kala mo bulkan. Ano ka mag-eerupt? Ang bagal naman oh.”

“Kylie, hayaan mo na kasi siya. Wala kang mapapala diyan.” Awat na naman ni Joshua na nasa likuran lang niya.

“Eh kahit ano namang timpi ko sa lalaking yan hindi talaga gumagana eh!!”

Hindi mapigilang sigaw ni Kylie kay Joshua. Humarap pa talaga siya sa pinsan para lang sabihin iyon.

Medyo napakunot naman si Christian ng noo nang may mapansin kay Kylie. Sumingkit pa ang mata niya para lang masiguro kung ano ang bagay na iyon.

Nang malaman ang nakita ay nanlaki bigla ang mata niya at nagtakip pa ng bibig(yung astig style ^_^) tsaka nag-iwas ng tingin.

“Joshua, halika rito may sasabihin ako.” Utos ni Christian. Lumapit naman agad si Joshua sa kaibigan.

“Aba’t? Ang bastos mo, di mo halata? Nag-uusap kami diba?” singhal na naman ni Kylie.

“Init ng panahon noh? Kaya ka siguro bad trip. Oh baka naman dahil…. Mamaya lang, pwede ka nang magluto ng

DINUGUAN!!  Kaya pwede lang ha? Bilisan mo slash niyo na at MAG-palit para makaalis na tayo!” makahulugang sabi ni Christian kay Kylie. Nagtataka naman si Joshua sa sinabi nito. Hindi niya makuha.

“Anong pinagsasabi mo diyan?” tanong ni Joshua.

“Oh shocks!!” Mabilis niyang tinakpan ang likuran niya nang makuha ang pinararating ng kaaway.

Si Christian naman, ayun! Stiff na naman sa dating upo.

“Bakit Kylie? May problema ba?” lalapit na sana si Joshua sa kanya para malaman kung anong problema.

 “Joshua may pag-uusapan tayo diba?” pigil na  sabi ni Christian. Hindi naman makatalikod si Kylie para makaalis sa sobrang hiya niya. >\\\\< (Nagbublush pa!)

Nakakahiya..bakit hindi mo naramdaman??Kylie naman talaga!

“Hoy Sisa, basain mo nga ‘to.”

Ibinato ni Christian ang panyo niya kay Kylie. Naiinis naman niya itong sinalo.

“Ayos ka ah! Anong gagawin ko dito?! Basain??”

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon