Chapter 9

207 14 33
                                    

Hindi ako mapakali. I know that I repeated that I hate him so many times in my mind earlier today, but my eyes are constantly searching for him.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko si Nikolai at Anika. Nakakainis naman na iyon pa talaga ang huli kong nakita. Uwian na tapos hindi ko pa rin siya nakikita ulit! I'd hate it if this week ends with me not being able to talk to him, pero kung doon na talaga siya, okay. Fine.

"Uy, ano na? Gusto ko nang umuwi." nagrereklamong sabi ni Kuya Gael. Nasa loob na siya ng kotse habang ako ay nakatayo pa rin dito sa labas.

Nilingon ko siya at nakitang kumakain naman siya ng meryenda. Nakabukas kasi ang pintuan. "Wait lang nga. Kain ka na lang diyan."

I saw him sigh and rest his back on his seat. Binalik ko ang atensyon ko sa pagmamasid sa paligid. Sobrang dami nang estudyanteng dumadaan. "Sino ba kasing hinihintay mo? Kung lalaki 'yan, hindi ako papayag na pinaghihintay ka."

"Ewan! Wala!" maagap kong sagot.

Humalakhak siya, "Bakit galit ka?"

Sasagutin ko sana siya nang makita ko ang kanina ko pang hinahanap. Tamang tama lang pala. Ganitong oras nga siya dumaraan dito papunta sa training.

Magulo ang buhok niya na parang nagmamadaling pinasadahan ng tingin ang buong parking lot hanggang sa tumigil ito sa akin. I saw him take a deep breath. Nasa kabilang banda siya ng daan kaya hindi kami magkakarinigan kung magsalita man.

So I took the initiative to go to him. Besides, iintrigahin ako ni Kuya Gael kung siya ang lalapit, kaya ayos na 'to.

He just stood there with his gym bag casually hanging around his shoulders. Kumalabog ang puso ko nang matantong palapit ako nang palapit sa kaniya. The hell. Inis na inis pa lang ako sa'yo kanina ah.

Seryoso ang mukha niya at wala akong mabasang kahit anong ekspresyon doon nang tumigil ako sa harapan niya. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya at sumulyap sa likuran ko kung nasaan ang kotse namin. "Hinihintay mo sila kuya mo?" tanong niya pa.

Lumingon ako para tingnan kung sarado na ba ang pinto ni Kuya Gael para alam ko kung magsisinungaling ako. Sarado na iyon at hindi kita ang mga nasa loob dahil heavily tinted ang mga bintana. "Yes. Nasa training pa sila, eh."

Naiilang akong tumayo doon dahil baka makita ni Gael kaya hinila ko si Nikolai doon sa likod ng building kung saan nakaparada ang bike niya. I tried to sit on the high concrete but it was too high even if I jump.

Tiningnan ko si Nikolai para magpatulong sa kaniya. Lumapit naman siya pero hindi niya maidampi ang mga kamay niya sa akin. "What? Help me."

"Paano?"

I looked at him hilariously. I scoffed, "Support my waist or something. Just lift me up."

There's still hesitation on his face and it annoyed me. "Nikolai! Hindi naman ako marumi!"

"I know, but is it okay?" Sobrang concerned ng mga mata niya sa akin nang itanong niya 'yon. He's too earnest for his own good!

"Oo nga--!" Hindi ko pa man natapos ang sinasabi ko ay nagawa niya na akong iangat gamit ang isang braso lang na nakapalupot sa baywang ko.

I pouted when I was finally able to sit down. "Thank you,"

Sa isang talon lang ay nabuhat niya ang sarili at nakaupo na siya agad sa tabi ko. I felt fidgety being this close to him so I swung both my foot, since they couldn't reach the ground.

Nikolai cleared his throat. "Nakita pala kita kanina. Club meeting..."

"Ah," lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon