Chapter 7

203 11 40
                                    

Recess ay ako mag-isa ang bumaba patungo sa canteen dahil nagrereview daw sina Gia at Syd. Baka naman kapag may mali sila sa test ay ako pa ang sisihin. Hindi naman talaga ako madalas bumababa dahil nakakatamad. Natiyempo lang talaga ngayon na hindi ako nakapag-almusal.

Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng canteen sa building namin at hindi ako makapili dahil sa dami ng stalls. Sobrang daming tao. May iilang bumibili na hindi man lang nakapila.

My eyes stopped at one stall that doesn't have as much customers as others, so I went there. "Can I have a crepe, please? Uh, the cookie monster flavor." sabi ko sa tindera at inabot ang bayad ko. Napalingon ako sa katabi ko habang niluluto ang order ko.

She's that girl the other day. I have the urge to talk to her but I really do not know what to say. Isa pa, hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa pag-aabang din ng order niya. Nanood na lang rin ako sa ginagawa noong babae at namangha ako sa lutuan na bilog. Gusto ko ring subukan tuloy.

"Heto po." Sabay na natapos ang order namin ng kasabay kong bumili. Naghanap ako ng mauupuan sa canteen at buti na lang ay may isa pang table na bakante.

I looked up at the girl who's yet to find a seat. "Excuse me?" pagkuha ko sa atensyon niya. Iminuwestra ko ang bakanteng upuan sa harapan ko, "You can sit here."

Nagliwanag ang mukha niya at dali-daling umupo roon. Now that she's this close, I noticed that she's actually attractive, but her large eyeglasses are kind of burying her features. Kumain lang siya nang tahimik sa harapan ko, nakayuko.

I can't help but frown. So, I cleared my throat to try and strike up a conversation. Tutal ay nandito na rin naman kami. "For the other day, if you recall, I'm sorry for bumping into you. I never got the chance to apologize."

Tumango siya pero nakayuko pa rin nang bahagya, hindi ako tinitingnan. Is that crepe more pleasing to the eyes than me? "It's okay. It was an accident, and I'm sorry too." She talks and sound like she's smart.

"Can I be honest?" tanong ko. The way she's purposely avoiding everyone's stares are kind of bothering me. Like she's afraid to be seen. "Yeah. Ano 'yon?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita at inilapag muna ang kinakain ko sa lamesa. "Is it okay if you look at me in the face when you speak to me? 'Cuz it's honestly freaking me out."

I heard her little laugh. "I'm sorry," Sinubukan niyang iangat ang mukha niya pero nang magtama ang mga mata namin ay iniwas niya rin agad.

"Why?" kuryoso kong tanong.

Her hands fiddled on the table and I stared at how they were shaking. "W-Well, kapag kasi may nakakatinginan ako, akala yata nila, may karapatan na silang pagsabihan ako ng mga masasakit na salita."

Napaawang ang bibig ko, sinusubukang intindihin o isipin kung ano ang sinasabi sa kaniya. She giggled at my silence, "You wouldn't know, of course. When people look at you, all they could note is that you're beautiful."

Naisip ko si Mommy. "Hindi kaya," agad kong sagot.

"Hindi ako naniniwala."

I pouted. Well, it's partly true so I couldn't argue. My outward appearance is all that people know about me anyway, because I myself still do not understand who I am inside.

"Try to look at me." proposal ko.

Yumuko siya at nagpatuloy sa pagkain. "Why? So you can laugh at me?"

I groaned in annoyance. Hindi ko naman gagawin 'yon sa kaniya! "No, I swear to my crepe right now." sabi ko kaya tiningnan niya ang pagkain na hawak ko.

Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon