Chapter 13

187 8 38
                                    

It's like Nikolai sensed my weariness when he stopped in his tracks and waited for me. Mabagal na rin ang lakad ko dahil iniinda ko na ang heels na kanina ko pa suot.

When I finally reached him, I could almost hear his sigh as relief washed all over his face and a small smile formed in his lips. Nakaalalay ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami palapit sa Epiphany of Angels, kung saan nakahilera ang mga imahe ng archangels at may mga bench sa bawat gitna ng mga ito.

The largest gate in the school where these sculptures are leading to is closed, so there's no one else but the two of us here. Ang mga lamp post at ang mga namamataan na dumadaang mga sasakyan sa kabilang dulo ng gate ang nagpapailaw sa paligid.

Ako ang unang pinaupo ni Nikolai at natigilan ako nang lumuhod siya sa harapan ko. "Anong ginagawa mo?"

Hindi siya sumagot. He reached for my foot gently and rested it on his free knee. Tahimik niyang kinalas ang strap ng high heels ko hanggang sa tuluyang naalis iyon.

At that very moment, I wanted to cry. Something about him doing this for me after I thought we were done or broken, is affecting me so bad. I felt his reassurance through this act of service for me.

Hindi kinakaya ng puso ko.

Nang matapos siya na alisin ang isa pang heels sa kabilang paa ay akala ko iyon na iyon. Nagulat ako nang maramdaman ang nakakakalma na pagmamasahe niya roon.

"Nikolai..." I whispered. Nakayuko siya habang ginagawa 'yon kaya nakikita ko mula rito sa itaas kung gaano kahaba ang mga pilikmata niya.

"Sabi mo walang problema. Naniwala ako sa'yo noong sinabi mo 'yon, Lumi. Pero bakit ganito?" I sensed sadness in his voice and its vibration in this quiet night sent chills down my spine.

"Bakit parang lumalayo ka sa akin? May nagawa ba ako? Pwede bang sabihin mo sa akin para maitama ko na? I'm sorry that I hurt you."

His last sentence sent daggers straight to my heart. Hindi niya alam kung may ginawa siya na nakasakit sa akin, pero humihingi siya ng tawad, inaako ang kasalanan na mismong siya ay hindi alam.

I felt guilty. It's not, I'm sorry if I hurt you. He said 'I'm sorry that I hurt you.'

Isang salita lang ang pinagkaiba pero ibang-iba ang dating noon sa akin. "W-wala kang ginawa." I assured him, hoping that it is enough to put him at ease.

Kung iba ang isasagot ko, paano ko ipaliliwanag? How do I tell him these thoughts that have been consuming me? These ugly, hideous thoughts that ought to burn me.

"Iyon ba ang problema? Na wala akong ginawa?"

Mabilis akong napatingin sa kaniya mula sa paninitig sa pagmamasahe niya sa paa ko. Saan niya nakukuha ang ganiyang mga naiisip niya?

"Galit ka ba sa akin kasi may ginawa ako, o galit ka dahil wala akong ginawa? Alin sa dalawa?" he asked, as if desperate for answers. Hindi niya pa rin inaangat ang tingin niya sa akin kahit na kanina ko pa sinusubukang hulihin iyon.

"Nothing's wrong, Nikolai!"

"Ewan ko, eh. Ito kasi ang unang beses na nangyari ito sa akin. Ngayon lang ako nagkaganito, Lumi. Sobrang swerte ko na sa'yo ako nagkaganito. Pero hindi ibig sabihin na unang beses palang naman ay pwede pang pumalpak. Ayaw kong pumalpak dito. I don't want to lose this, Lumi. Not with you."

His eyes finally met mine, but they were bloodshot. Hindi siya lumuluha pero nakikita ko ang mga nagbabadyang luha mula sa mga iyon.

I wanted to wipe them all away, if he would just give me the chance. Before I could even lift my hand to caress his face, he hid his face on my knees.

Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon