"The fuck happened to you, Lai? That's rough." natatawang sabi ng lalaking nagbukas ng pinto para sa amin. Nasa bahay na kami nina Isaiah.
Si Isaiah na ang nakaalalay sa akin dahil iniinda na rin ni Nikolai ang braso niya. Nikolai only agreed after he shot death glares at his friend... and I am so unnecessarily giddy about it!
Lumipat ang tingin nung lalaki sa akin. Nagliwanag ang mukha niya at mabilis na pumunta sa harapan ko. "Hi!" nakangiting bati niya.
"Hi?"
"I'm Kaius Samuel." Naglahad pa siya ng kamay pero hinawi iyon ni Isaiah. Sino ba 'to? Parang nakita ko rin siya sa party kanina, eh...
"Lasing ka ba, Kaius?" tanong ni Isaiah.
Tumawa siya at doon pa lang ay nahalata ko nang medyo may tama nga siya. "Hindi 'no. Who's that, Kuya?"
"Someone you shouldn't lay your eyes on."
Ano ba 'yan, Nikolai?! Aasa ako sa mga pinagsasasabi mo, tapos kinabukasan ay dedma na naman ako sa'yo! Ano ba talaga?
Pick a struggle!
"No fun. Magsama kayo ni Ashriel." Kaius said but was quick to shrug it off. Umakyat na siya roon sa dambuhalang staircase at nawala sa paningin ko.
This house is huge. Maliban sa iilang mga kasambahay at bodyguard ay wala akong ibang makitang tao.
"Who lives here?" hindi ko napigilang itanong.
"Kaius and I."
"Just the two of you?"
"Yeah. Just for the mean time. Our main house is far from UGA, so..."
Ugh, rich people.
May nurse na umalalay kay Nikolai. Ito namang lalaking 'to ay ang bilis sumama doon sa nurse na maganda! Kung hindi lang talagang mukhang masakit ang katawan niya ay hindi ko siya mapapatawad!
Isaiah chuckled beside me, "Careful with those glares. He's not going anywhere."
I rolled my eyes at him but Mr. Shining Sun kept on giggling. Dalawa lang 'yan eh, either crush niya ako o mukhang clown ako sa paningin niya. Hawaan niya sana ng ngiti si Nikolai.
We entered a room that looks like an office. Umupo agad si Nikolai sa isa sa mga upuan roon at pinaupo ako ni Isaiah sa upuang nasa harapan ni Nikolai.
"Does your Lolo know about this?" tanong nung lalaking doktor na inabutan na namin doon.
Umiling si Isaiah na nakatayo lang, "No. I wasn't directly involved so I don't see any reason of telling anyone in my family."
"Alright... Siya ba 'yung may sprain sa daliri?" lumapit 'yong doktor sa akin at kahit inangat niya ang kamay ko ay hindi ako nasaktan dahil magaan ang kamay niya.
"It looks fine, but just to be sure... Isaiah, get some ice packs for the lady."
Habang si Nikolai na ang ginagamot ay tinutulungan ako ni Isaiah sa ice packs sa ankles ko habang ako ay sa daliri ko.
I glanced at Nikolai.
Mukhang masakit ang paggamot sa mga sugat niya sa mukha pero hindi man lang nagbabago ang ekspresyon niya na para bang wala lang sa kaniya 'yon.
BINABASA MO ANG
Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)
RomanceNichole Malachi, or Nikolai as his friends call him, fell in love at an early age and had his heart broken by her. It hurt him terribly, that he thought nothing could ever bring him down, not anymore, but he was wrong to believe so. He lived through...