Chapter 12

178 11 18
                                    

"Aba! Hindi ka ba napapagod, hija? Kapapanalo mo lang noong United Nations, ah?" natatawang pansin sa akin ng isa sa mga moderator para sa Intramurals. Nasa gymnasium kami ngayon dahil unang araw ng rehearsals.

It's a week before the event and the whole area is busy. Sa mga bleachers, kahit hindi puno ay marami pa rin ang nanonood sa aming mga nasa ibaba. Hiwalay ang practice ng bawat grade level at ang nakasalang sa ngayon ay ang Grade 8.

Tumingala ako sa bleachers sa likuran ko. I know Nikolai's there. He's by the railings, cheering for Anika. Kasama niya ang iilan pang mga kaklaseng lalaki at naghihiyawan ang mga iyon habang tumatawa lang siya.

I looked away and turned to my partner. His name's Philip, or something like that. Inilahad niya sa akin ang pamaymay na hawak niya, "Pinapawisan ka po. Gamitin mo muna." He's attractive too but quite oblivious of it even when a lot of girls have their eyes on him.

"Okay lang?" tanong ko. Tumango naman siya kaya kinuha ko iyon mula sa kaniya at nagsimula nang paypayan ang sarili.

Pinanood ko ang paglakad ni Anika. It's just like a beauty queen's. Ang galing. Parang kalkulado ang bawat hakbang niya at hindi man lang siya nahirapan doon. Hindi ako sanay na may ganito.

I am competitive but I certainly dislike competition. If that even makes sense.

Mas lumakas ang hiyaw ng mga kaibigan niya. Nikolai is one of those cheering, I'm sure. Rehearsals pa lang pero bigay todo na sila. May mga nagsidatingan ring mga babae sa bleachers sa may harapan ko't sumigaw rin para kay Anika.

Naramdaman ko ang pagmamanhid ng kamay ko. "Uy, easy." sabi ni Philip at muling inagaw sa akin ang pamaypay niya. I didn't even notice that I was swinging it that hard! Naramdaman ko ang hangin mula roon at nakitang si Philip na ang nagpapaypay para sa aming dalawa. Nahiya ako bigla dahil sarili ko lang ang pinapaypayan ko kanina.

"Galing, Dungca!" sigaw ni Nikolai mula sa likuran ko. Nangilabot ako sa boses niya kahit nasa taas siya at medyo malayo iyon.

Nang kami na ay tinanggal ko ang blazer ko dahil nainitan na ako. Bahala na sila Gael na sobrang OA ay pinagsuot pa ako nito. Underneath it is a tank top but paired with high waisted trousers, so it's not scandalous even inside the school. Hindi rin naman mababa ang neckline kaya ayos lang kahit anong galaw ko.

A week before Intramurals, academics are on hold to give way for practices and trainings for all of the events. Ang mga walang event na sinalihan ay ang mga masuwerte dahil buong linggo ay malaya silang gawin ang kahit ano, pero pumapasok pa rin. I'd take this setup anytime over the workload brought about by acads.

Bago ako naglakad ay inayos ko ang buhok ko. Kanina kasi ay nakapatong ito sa magkabilang balikat ko kaya inilugay ko iyon sa likod ko.

I almost flinched at the sudden outburst of cheers when it was my turn to go to the center stage. Maglalakad lang naman ako pero grabe sila kung makahiyaw. Hindi naman ganito kaingay kanina. It's like everyone watching here since earlier were here for me.

Kumunot ang noo ko dahil may instructions na sinasabi ang moderator pero hindi ko marinig dahil sa lakas ng hiyawan. I found my way in front of the microphone and tried to speak but it's too noisy.

I raised my hand, motioning for them to stop. They did. In just a fraction of a second, they all fell silent.

"Gemini Luz." tipid na tipid kong pagpapakilala.

Wala namang judges. Sayang sa pagod at laway kung ngayon palang ay bigay todo na. I only mentioned my given names but everyone's going wild. Nagtatalunan pa ang iba sa bleachers. Bumalik ang sigla sa buong gymnasium na akala mo'y mismong event na.

Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon