I tried to get him out of my mind. I really did.
I have a life that I should rebuild, after all.
Pero anong magagawa ko kung kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang mukha niya?
Sa bawat sulok yata ng school ay nakapaskil ang mga promotional posters para sa paparating na concert nila.
Apat silang lalaki doon, 'yung isa ay mukhang masungit, 'yung dalawa ay nakangiti habang si Nikolai ay walang ekspresyon ang mukha.
"Ang gwapo talaga nung Mijares," dinig kong sabi ng grupong nakatayo sa harap ng isang poste kung saan may nakapaskil na poster.
Hindi ko naman kilala 'yung Mijares na tinutukoy nila dahil si Nikolai lang naman ang kilala ko sa mga 'yan. Napansin nila na nakatingin ako sa kanila at bigla silang nahiya, kaya umiwas na ako ng tingin.
I went to my first and only class for this day. Huminga ako nang malalim nang marinig na pati ang mga usapan ng mga kaklase ko ay puro tungkol doon sa concert.
"Good morning, Gemini!" bati ng iilan sa kanila.
I awkwardly smiled and waved at them. Saktong katabi ko pa man din ang mga nag-uusap na iyon. One of them turned to me and flashed me the handheld poster, "Kilala mo sila, Gemini?"
Umiling ako, "Hindi masyado."
"Talaga? Magaling sila! Lalo na 'yung bokalista, ang lamig at ganda ng boses."
I do not exactly remember how Nikolai's voice used to sound like but I remember thinking that he's a good singer, based from what I heard during their club meeting. But that was the first and last.
"Who's the vocalist out of the four?"
Tinuro niya 'yong nasa gitna. "Eto. Isaiah Alcazar ang pangalan."
Oh, hindi si Nikolai...
Tumango ako dahil akala ko ay doon na siya magtatapos pero inisa-isa niya pa ang bawat miyembro. "Bassist nila 'to, si Ashriel. Tapos yung nasa likuran si Kenjiro, drummer nila."
"Kaso bata pa ang dalawang 'yan, ayaw ko namang maging tirador ng senior high," humalakhak siya bago nagpatuloy.
Itinuro niya si Nikolai. "Tapos, eto si Nikolai. Nickname daw niya 'yon. College na 'yan tulad ni Isaiah. I don't know anything about him dahil parang masikreto."
Nikolai naman talaga ang pangalan niya, hindi lang nickname. Itatama ko sana siya pero inamin niya naman na wala siyang masyadong alam tungkol sa kaniya.
"Architecture ang course niyang Nikolai 'di ba?" tanong ng isa.
Oh...
Good for him.
I wore my earphones to cancel out everything they're talking about. Something about them gushing about Nikolai and fantasizing about being his significant other make me uncomfortable.
Ayos lang naman na humanga... pero kasi...
I shook my head to erase my thoughts away.
'Di bale, hindi naman siguro sila mapapansin ni Nikolai. At tsaka wala na dapat akong pakialam kung sakaling magkatotoo man ang mga pantasya nila.
Hindi na lang siguro talaga ako sanay. Back then, he was all mine... pero ngayon ay sentro na siya ng atensyon. Nag-aagawan silang lahat sa kaniya. Kilala na siya ng halos lahat ng tao.
I can't have him all to myself. Hindi na. Baka nga magkunwari na lang kami na hindi kami magkakilala, na sinimulan niya na noong huli kaming nagkita.
BINABASA MO ANG
Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)
Roman d'amourNichole Malachi, or Nikolai as his friends call him, fell in love at an early age and had his heart broken by her. It hurt him terribly, that he thought nothing could ever bring him down, not anymore, but he was wrong to believe so. He lived through...