Chapter 33

44.4K 564 60
                                    

                Sa wakas ay narating ko na ang hotel. ‘Di ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang walang nagbago. Although medyo may konting hangover or aftershock pa dun sa mga nasabi ni Daniel kanina, ganun parin ang pakiramdam ko.

                Ngayong nandito na ako sa hotel, naramdaman ko ulit yung loneliness. Yung pakiramdam ko kaninang umaga. Yung alam kong ‘di kami ayos ni Price. Hirap din.

                Pumasok ako sa hotel at dumerecho sa kwarto.

                Hmm. Mukhang manonood lang ako ngayong gabi ah. Walang ibang magawa. Nakalibot na ako sa Boracay. Nakakain na din ako. Yung iba siguro nasa labas parin. Kaya telebabad muna siguro ako ngayon. Ano kaya magandang panoorin? Ano kayang palabas sa---

                “San ka galing?!” Ay. May tao pala. Teka, Price?! “Bakit ngayon ka lang?!”

 

                Nakatayo siya sa gitna ng kwarto. Grabe. Ngayon lang kami nagkita ng taong ‘to, sermon agad? Inis agad? Galit agad? Kainis na ah!

                “Naglibot lang. Bakit?”

                “Anong ‘bakit’?! Kaninang umaga, wala ka na. Buong araw kang nawala! Alam mo bang halos mabaliw ako kanina kakahintay sayo?! ‘Di mo pa sinasagot mga tawag ko!” sigaw niya. “Hindi ko alam kung saan ka nagpunta! Hindi ko alam kung may kasama ka! Ni hindi ko alam kung umalis ka talaga o may kung ano nang nangyari! Alalang-alala ako sayo!”

 

                Tumalikod siya.

 

                Ano?! ‘Alalang-alala’? Ano ‘to, nag-aalala na siya sakin? Bakit?! ANG GULO! Gulong-gulo na ‘ko sayo, Price. Mababaliw na ‘ko.

              Punong-puno na ako. ‘Di ko na kaya ‘to.

        “Bakit ka ba ganyan, Price? Minsan, ang lambing-lambing mo. Tapos bigla ka nalang magagalit sakin! Ngayon naman, nag-aalala ka na?! Kung ginagawa mo lang ‘to dahil kailangan, itigil mo na! AASA LANG AKO EH!” sabi ko. Hinga ng malalim. “Bakit ba?! Bakit ba ganyan ka umasta sakin?!”

 

                Napalingon si Price.

               

                “Kasi mahal kita!”

 

                ...

                Nabingi na ata ako. T-tama ba ang dinig ko?

                “A-Ano?”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon