YAAAAY! UPDAAATE! Hihihi. Ang tagal 'no? -__- Sorry haaa! Exam kasi eh. -__-
AAAANYWAY. Sana po basahin niyo yung isa kong story: Nainlove Ako Sa (Kapwa Ko) Gitarista.
Ibang-iba siya sa Accidentally Married kaya sana basahin niyo din. Hehehe. TENKYU TENKYU!
LABYU PIPOL! God bless! :"">
------------------------------------
Waaah. Umuulan parin. *^* Kagabi pa umuulan ng malakas.
Ngayon medyo humina na, pero umuulan parin. Ang hirap pa naman pumasok ‘pag umuulan! Nakakawala ng gana.
Kaya medyo late kaming lumabas ni Price ngayon. Pero just the same, pumasok parin kami.
OHMYGOODNESS! ANONG NANGYARI?! O_O
BAHA!
Baha sa labas ng school namin. Waaah! Pano na ‘to? Eh hindi na maipasok ni Price sa loob yung sasakyan kasi ang dami nang sasakyan na nakatambay dun. Nagsisiksikan na sila. Mahihirapan si Price. Baka ma-late pa siya.
Hininto ni Price yung sasakyan sa may gate ng school, tapos pinatay ang makina. Tapos... tinanggal yung sapatos niya? Anong ginagawa nito? O_O?
“Price, anong ginagawa mo?”
“Hinahatid ka.” Ngumiti siya at kinindatan ako.
Bigla niyang binuksan ang pinto niya. O_O
“UY! Anong gagawin mo?!” pigil ko sakanya. Lalabas na sana siya eh. “Lulusong ka sa baha?!”
“Don’t worry,” sabi niya at ngumiti.
At lumabas na siya ng kotse. Umapak siya sa labas. Ng naka-paa. Kung saan may tubig-baha.
Lumusong siya sa baha.
Ano ba talagang ginagawa niya?! Ano bang gusto niyang mangyari?! Grabe naman kasi eh! Bigla nalang lulusong sa baha! Eh ang dumi kaya niyan! Pano ‘pag nagka-sakit siya?! Hay nako! Price naman eh!
Pumunta siya sa side ko, tapos binuksan naman ang pinto. Talagang naglalakad siya sa baha! Haaaay! Grabe talaga! ‘Di ko alam gagawin ko ‘pag nagkasakit siya dahil dito! Ni hindi ko alam kung anong ginagawa niya eh!
Binigay niya sakin yung payong na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
Teen FictionNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]