*play I Knew This Would Be Love by Imaginary Friend & Kina Grinnis;
REPEAT UNTIL THE END OF THIS CHAPTER*
[1 Year Later]
I closed my eyes as I felt the cool breeze brush gently against my face.
Napangiti ako sa presko ng lugar. Hindi masyadong nakatirik ang araw, at medyo malamig ang simoy ng hangin.
Nakakatuwa nga na nakukuha ko pang magrelax kahit nasa sementeryo kami.
“Gabriel! No! Come here, baby!” I called my son.
Grabe, nalingat lang akong konti, gumapang na siya papunta sa ibang puntod at halos kumain na din ng damo. Haha. Ang kulit talaga.
Kinuha ko siya agad at bumalik na kami sa dati naming pwesto. Ngayon ‘di ko na siya papakawalan. Haha.
“You’re so naughty, sweetie! Just like your daddy,” sabi ko kay Gabriel. Pero syempre, wala siyang sinagot at tinignan lang ako.
Kamukhang-kamukha niya talaga ang daddy niya. Lahat ata nakuha niya sakanya eh. Pareho sila ng mata, ng ilong, ng pisngi—lahat! Tapos baby palang pilyo na din ‘to. Hahaha. Parang daddy din niya.
Sobrang magkamukha sila, nakikita ko ang daddy niya sakanya.
‘Pag tinitignan ko si Gabriel, para ko na ring tinitignan si Price.
“Kamukha mo talaga ang daddy mo! Hihihi! That’s why you’re soooo cute! Hihihihi!” sabi ko habang nanggigigil sa anak ko. Hehehe.
Nakakatuwa kasing nakikita ko si Price sakanya. Nakakatuwang kahit saan ako lumingon, makikita’t makikita ko ang mukha ni Price.
Kaya kahit anong mangyari, hindi talaga siya mawawala sa isip ko.
“Saydie, tara na. Hinahanap na nila tayo.”
I smiled at his voice.
Tumayo ako agad, at binuhat niya naman si Gabriel papunta sa sasakyan. Tinignan ko ng isa pang beses yung puntod.
“Bye, Janice. Happy birthday,” sabi ko.
Then I turned, and followed Price and Gabriel to the car. I watched him happily play with our son as they walked.
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
Teen FictionNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]