PRICE’S POV
Mahal ko talaga ‘tong babaeng natutulog sa tabi ko.
Hindi ko alam kung paanong nagkaganun bigla. Basta ang alam ko, hindi ko kayang mawala siya buhay ko.
Sa totoo lang, matagal na akong may nararamdaman. Hindi nga lang ako sigurado kung ano ba yung nararamdaman ko.
Nung nasigawan ko siya noon at nakita ko siyang umiyak, pakiramdam ko hindi lang yung plato ang nabasag. Pati puso ko. Pero umalis ako dahil sa pride ko.
Nung inalagaan naman namin si Princess, nag-iba bigla tingin ko sakanya. Tuwing makikita ko siyang kasama si Princess, napapangiti nalang ako. Tuwing nakikita ko siyang inaalagaan si Princess, nag-iiba yung pakiramdam ko. Sumasaya ako. Tuwing magkakasama kami, lalo pa akong sumasaya. Pakiramdam ko isang pamilya talaga kami.
Pero nung launching ng Royalty, nakita ko siyang may kasayaw na lalake. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko nakita yung mukha. Pero alam kong may kasayaw siyang lalake, at nakita ko din na nakangiti si Saydie. Inis na inis ako nun. Kaya ko siya tinaboy. Nasaktan ako. Putek, nagselos talaga ako.
Alam kong may kakaiba talaga kay Saydie. Alam kong iba yung nararamdaman ko sakanya. Pero hindi ko pinansin. Kaya lang naman kung minsan malamig ako sakanya dahil sinusubukan kong pigilan yung nararamdaman ko. Dahil isinumpa ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit ako.
Pero wala. Iba talaga si Saydie. Kahit lumalayo ako sakanya, inaalagaan parin niya ako. Kahit alam kong hindi siya sanay na siya ang nag-aalaga, kinakaya niya parin. Kahit ang sama ng pakikitungo ko sakanya, nandun parin siya. Hindi siya nawawala. Dun na siguro ako tuluyang nahulog.
Kahapon, nung nawala siya bigla, langhiya, ‘di ko malaman gagawin ko. Halos mabaliw talaga ako kakahanap sakanya. Inisip kong magpapakamatay na rin ako kung may nangyari mang masama sakanya. Dahil ‘di ko kakayaning mabuhay ng wala siya. Dahil kung wala siya, parang nawalan na din ako ng buhay.
Dun ko na nasiguro na mahal ko nga talaga si Saydie.
Hindi ako karapat-dapat sakanya. Ilang beses ko siyang nasaktan, nasigawan. Pero nandito parin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan.
Kaya’t ang laki ng pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng isang babaeng tulad ni Saydie. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Kanya.
I don’t know how I came to deserve someone like her. Napakasama kong tao, pero nagawa niya rin akong mahalin. Kaya’t hindi ko siya hahayaang masaktan. She deserves to be truly loved.
“Proprotektahan kita, Saydie. Hinding-hindi kita hahayaang masaktan. Kahit anong mangyari, lagi lang akong nandito para sayo. At mamahalin at mamahalin kita sa bawat araw na dumating sa buhay ko.”
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
TeenfikceNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]