Chapter 16

59.8K 656 15
                                    

                Nandito kami ngayon ni Daniel sa park. Pauwi na talaga sana kami pero ewan ko ba kung anong naisip nitong si Daniel. Biglang nagyaya sa park.

                Naglalakad lang kami. Tahimik. Ewan. Tinamad akong magsalita. Pati siya tahimik. Pero maganda yung katahimikan. Relaxing. Nakakagaan ng loob. Walang iniisip. Naglalakad lang.

                “Saydie,” biglang sabi ni Daniel. Tumigil siya. Lumingon ako at tinignan siya.

                “Oh, bakit?” tanong ko. Napansin kong may tinitignan siya sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya. Puro naman mga street food ang nandun. ‘Di naman siguro yun ang tinitignan niya no?

                “Tara, kain tayo,” sabi niya sabay hila sakin papunta sa nagbebenta ng fishball.

                Weh? Di nga? Seryoso ba siya?

                Sumunod nalang ako at ‘di nagsalita. Pero laking gulat ko nalang talaga nang tumigil siya sa nagtitinda ng fishball at nagismula nang kumuha.

                Ako, natigilan lang talaga. Kumakain talaga siya nito?

                “What’s wrong? Go ahead. My treat,” sabi sakin ni Daniel. “Do you eat this?”

 

                “Oo naman. Pero ikaw? Seryoso kang kumakain ka ng ganyan?” tanong ko.

                “Yes, I do. Come on, what do you think of me?” pabiro niyang sinabi sabay tawa. “Go on. I know you eat this.”

 

                Nginitian niya ulit ako.

                Edi nakitusok na rin ako ng fishball. Nakakagulat lang kasi talaga. Sinong mag-aakalang itong si Daniel ay kumakain ng fishball dito sa park? Nakakatuwa lang.

                Pagkatapos niya akong ilibre ng fishball, binilhan niya din ako ng cotton candy at ice cream. Para lang kaming mga bata. Sobrang nakakatuwa. Lalo lang gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya sobrang nagpapasalamat din ako kay Daniel.

                Kahit papano, nakakaramdam ako ng pag-aalaga.

                Umupo kami sa isang bench, pinanood yung mga taong naglalakad sa park. ‘Di ko maiwasang mainggit sakanila.

                Buti pa sila, walang inaalala. Buti pa sila, may karapatang gawin kung ano mang ang gusto nila sa buhay. Buti pa sila, nakakaramdam ng kalayaan.

                “So why did you do it?” biglang sabi ni Daniel.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon