Chapter 2

115K 1.5K 47
                                    

Ang nakaraan...

“Saydie? Nasaan si Sab?” narinig kong tanong ni Dad.

                Napalingon ako. Si Mom, si Dad at yung tita ko, nakatayo sa may pinto. Kitang-kita sa mga mata nila yung kaba at takot kahit ‘di pa nila alam kung anog talagang nangyayari.

                “U-Uhh...” ‘Di ako makapagsalita. ‘Di ko alam kung anong dapat sabihin eh. Inabot ko nalang yung sulat ni ate.

                Sabay-sabay nilang binasa habang ako, kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari.

                “KAILANGANG MATULOY ANG KASAL NA ‘TO!” biglang sigaw ni Dad.

                Lalo akong kinabahan. Who knows kung anong pwedeng gawin ni Dad? Baka atakihin pa siya sa puso o kung ano man.

                Ako, ‘di ko malaman kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na eh. Pag-aalala dahil bigla nalang nawala si ate. Nasaan na siya ngayon? Saan naman kaya siya nagpunta? Takot dahil baka kung anong maisipang gawin ng mga magulang ko. At ‘di ko rin maiwasan yung inis ko dahil bigla nalang nang-iwan si ate. Naiwan kami sa ere. She left us hanging.

                “Si Saydie,” narinig ko bigla yung pangalan ko. ‘Di ko na kailangang lumingon para malamang si Tita ang nagsalita.

                “B-Bakit po?” tanong ko. Bakit na naman kaya ako nasali sa usapan nila? Wala naman akong kinalaman diyan ah!

                Tumingin silang lahat sakin tapos nagsalita si Tita, “Ikaw nalang ang magpakasal.”

 

                ...

                ...

                Pakisapak nga ako.

                “A-Ano po?”

 

                “Ikaw nalang, Saydie, ang magpakasal kay Price,” dahan-dahang ulit ni Tita.

                Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Biglang uminit sa kwarto at parang nabingi ako. ‘Di ako makagalaw.

                Napatingin ako kina Mom at Dad na para bang nahihibang na si Tita. Tumingin ako sakanila para makakuha manlang sana ng kakampi. Pero pati sila, nakatingin sakin na para bang hinihintay ang sagot ko.

                Halos ‘di na ako makahinga.

                “Ha-ha,” fake laugh ko. “K-Kayo naman po Tita. ‘Wag naman po kayong magbiro ng ganyan. Hahaha! I-Ikaw, Tita ha. Gumagaling na acting mo. Pwedeng-pwede na! H-Hahaha!”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon