“Saydie, right?” sabi ni Daniel na kitang-kitang gulat na gulat sa mga pangyayari.
“Yes,” sabi ko na may ngiti. “What are you doing here?”
“I’m going to be studying here,” sabi niya naman.
Tuwang-tuwa naman daw ako.Yung lalakeng tumulong sakin nung walang kwenta yung asawa ko, nandito sa harap ko. What a coincidence naman.
“Really? That’s great! Why don’t you join us for lunch?” tanong ko. Naalala kong may mga kasama pala ako. “Mga kaibigan ko nga pala. This is Raissa and her boyfriend Chris.”
Humarap ako sa mga kaibigan kong nagtataka. “Si Daniel. Nakilala ko siya sa Boracay.”
Ngumiti naman yung dalawa. “Tara, kain na tayo,” sabi ni Chris.
Nung nakaupo na kami at nakakakuha na ng pagkain, kinausap ni Chris si Daniel at nakipagkilala. Pinagplanuhan ata nila ni Raissa eh. Kasi ininterrogate naman ako ni Raissa.
“Sino ba yan?” mahinang tanong ni Raissa.
“Daniel nga. Nakilala ko siya sa Boracay nung honeymoon,” mahinang sagot ko din.
Nagulantang si Raissa. “Honeymoon?!” Mabuti nalang binulong niya.
“Nung nasa bar kasi kami, nalasing si Price. Eh syempre ‘di ko naman siya madala sa hotel mag-isa. Buti nalang tinulungan ako ni Daniel,” tuloy ko sa kwento.
“Teka nga lang! Wag muna sa part na yun. Honeymoon?! Seryoso?” pilit ni Raissa.
“Hindi! Ano ka ba?! Syempre hindi. Raissa naman. Kilala mo ‘ko.”
“Ok. Fine. So anyway, tinulungan ka ni Daniel. Ngayon, nakikipagkaibigan ka. Ano nalang sasabihin ng mga magulang mo?” tanong ni Raissa na parang dudugtungan pa ng sermon.
“Wala mga magulang ko dito. Nakatira ako sa condo ni Price,” sabi ko na may nangaasar na ngiti.
Nagulantang ulit si Raissa. Pero ‘di na siya nag-comment tungkol sa pagtira ko sa condo ni Price. Tinuloy nalang niya ang sermon. “Oh, wala nga ang mga magulang mo. Ano nalang sasabihin ni Price?”
“Wala. Akong. Pakialam,” dahan-dahan kong sinabi para maintindihan. Uminit na naman tuloy ulo ko nung naalala ko si Price. “Wala akong pakialam sa taong yun. Napakabastos ng taong yun. Iresponsable. Hindi mabait. Sarili lang ang iniisip. Walang respeto. Hindi manlang gentleman. Ni hindi makapag-good morning sa umaga!”
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
Teen FictionNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]